Chapter 15

3.4K 75 3
                                    

Pumasok na siya sa kwarto ng mga magulang. Nakita niyang pumormal ang mukha ng papa niya. Ang mama naman niya, mukhang kinakabahan.

"May problema ba anak?", buong pag-aalala nitong tanong sa kanya.

Napa-upo ang mga ito sa magkabilang gilid ng kama. Mukhang naghihinala na ang mga ito na may hindi magandang nangyari sa kanya base sa tono ng boses nito.

Well, hindi naman kasi siya umuuwi ng walang pasabi kaya siguro nakahalata na may mali ang mama at papa niya.

Lumapit siya sa tabi ng kanyang mama at niyakap ito. Pinipigilan niya ang mapaluha.

"M-may sasabihin po s-sana ako sa inyo na i-importante eh.", kinakabahan sabi ni Avery.

Ang papa naman niya ay lumapit sa kanila ng mama niya at umupo sa kanyang tabi.

"Nak, kung may problema ka, sabihin mo sa amin.", untag pa ng papa niya. "Huwag mong kimkimin at sarilinin. Mga magulang mo kami. Kahit ano pa man iyang problema mo, tutulungan ka namin."

Doon na siya tuluyang napaiyak. Hindi niya yata kakayanin na ma-disappoint sa kanya ang kanyang parents. Sino nga ba naman magulang ang magiging okay kung ang anak nila ay nabuntis with no one to take responsibility for her?

"Ma, pa. S-sorry.", tumatangis niyang sabi habang humihigpit ang pagkakayakap sa ina. Isinubsub din niya ng maigi ang kanyang mukha sa dibdib ng mama niya. "S-sorry po talaga!"

"Anak, ano ba kasi ang problema?", napapaiyak na ring tanong ng mama ni Avery. "Bakit ka umiiyak?"

"B-buntis po ako.", napipiyok niyang sabi sa mahinang boses.

"Ano?" Mukhang hindi narinig ng mga magulang niya ang kanyang sinabi.

Bumwelo muna siya bago inulit ang mga katagang alam niyang dudurog sa puso ng kanyang mga magulang.

"B-buntis p-po ako.", sabi niya sa mas malakas na tinig.

Walang umimik sa kanyang papa at mama. Ini-expect pa naman niya na sisigawan siya agad ng mga ito.

Inangat niya ang kanyang tingin upang makita ang reaksyon ng mga ito. Nakita niya ang sakit at pagkabigla sa mga mata ng kanyang papa. Ang mama naman niya ay tinakpan ang bibig gamit ang isang kamay at tahimik na tumatangis.

Napalakas na tuloy ang iyak niya. Hindi kaya ng puso niyang makita ang mahal na magulang na umiiyak.

"S-orry po.", paulit-ulit siyang humingi ng tawad. "Sorry m-ma. Sorry p-pa. S-sorry po t-talaga!"

Ang papa niya ang unang nagsalita sa kanyang mga magulang. Umiiyak lang sa tabi niya ang kanyang mama.

"Sino ang ama?", tanong nito na siyang mas lalong nakapanlumo sa kanya. "Papanagutan ka ba?"

Hindi siya nakasagot agad.

"H-hindi p-po.", pumipiyok niyang sabi. "H-hindi ko p-po k-kilala ang a-ama nito."

Doon na lumakas ang hagulhol ng kanyang ina. Niyakap siya nito ng mahigpit na mahigpit, na para bang pinipilit nitong buuhin ang kung anumang nabasag.

Ang papa naman niya ay napasuntok sa dingding ng kwarto. Napapitlag siya dahil sa ginawa nito. Hindi naman kasi bayolente ang papa niya. Napakamahinahon nitong tao at ngayon lang niya nakitang ganoon ang papa niya. Mas lalo niyang ikina-iyak ng lumabas ang papa niya sa kwarto.

Naiwan silang mag-ina sa loob na umiiyak.

Kasunod ng paglabas ng kanyang ama ay ang pagpasok naman ni Yvette na may bahid ng pagtataka at pag-aalala sa mukha. Mukhang nagising ito dahil sa lakas ng pagsuntok ng papa niya sa dingding.

"Anong nangyayari?", buong kabang tanong ng kanyang pinsan. Lumapit na din ito sa kanila at nakiyakap na rin. Mukhang iiyak na rin ito.

Hindi na niya magawang magsalita pa. Hilam ang kanyang mga mata sa luha niya. Sumasakit na rin ang lalamunan niya sa pag-iyak. Pero ang mas masakit ay ang kanyang naninikip na dibdib. Paano nga ba magiging okay ang lahat ng mga ito?

-----

A/N: May kilala ba kayong magulang na nagtatatalon sa tuwa kasi nabuntis ang anak nila na walang ama? Just curious.

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon