Pagmulat ng mata ni Avery, ang kulay puti niyang kwarto ang una niyang nasilayan. Mukhang nasa private room na siya. Agad niyang inilibot ang paningin sa paligid upang tingnan kung sino ang kasama niya.
"Gising ka na?", napabaling ang tingin niya sa pinagmulan ng boses ng lalaki.
Hindi na siya nagtaka kung ang lalaking iyon ay walang iba kung hindi si Zyrelle. Ito lang naman ang huli niyang nakita bago siya makatulog sa pagod kanina matapos niyang iluwal ang kanyang anak.
"My baby?", tanong ni Avery habang pinipilit ang sarili na bumangon.
"He's fine.", sabi nito sa kanya sabay alalay sa kanyang pag-upo. "The nurse will bring the baby here in an hour. Ikaw? How are you feeling?"
"Just peachy.", tipid siyang ngumiti. "Pwede mo bang i-abot ang cellphone ko? Tatawagan ko lang ang mama at papa ko."
"No need.", sagot naman ni Zyrelle. "Natawagan ko na sila kanina while you were sleeping."
At para namang on cue ay bumukas ang pinto at sabay-sabay na pumasok ang kanyang Mama at Papa.
"Anak.", maluha-luha agad ang kanyang mama ng lumapit at yumakap sa kanya. "Salamat at okay ka na. Congrats sa baby!"
Yumakap din ang papa ni Avery sa kanya at hinalikan muna siya sa noo bago bumaling sa lalaking naabutan sa kwarto.
"Mawalang galang na, iho.", saad ng papa ni Avery. "Maari ba naming malaman kung sino ka?"
Tumikhim muna ito. Akma na sanang magsasalita si Zyrelle ngunit inagapan naman siya ni Avery.
"Si Mr. Zyrelle Fuentebella po.", sagot ni Avery. "Big boss ko. Siya po ang nagdala sa akin dito sa ospital nung manganganak na ako."
"Ganoon ba?", sabi ng kanyang mama. "Maraming salamat sa iyo, Mr. Fuentebella. Dahil sa iyo ay ligtas ngayon ang aming anak at apo."
"Zyrelle na lang po.", sabi ni Zyrelle sabay lahad sa kanyang kamay. "Walang anuman po iyon. Mahalaga po sa akin si Avery kaya hindi po ako makapapayag na may mangyaring masama sa kanila ng baby."
Nasamid si Avery sa tinurang iyon ng binata kahit na wala naman siyang iniinom. Ang mama naman niya ay napangiti ng sobrang tamis. Mukhang may naiisip na hindi maganda ang mama niya ah! Ang papa naman niya ay mataman lamang nakatingin sa lalaki.
Pinandilatan niya ng mata si Zyrelle. He only chuckled in return.
Ng masigurong okay lang ang pakiramdam ni Avery, nagpaalam muna ang kanyang mga magulang upang umuwi ng bahay at kunin ang gamit para sa kanya at sa baby. Nagprisinta naman si Zyrelle na mag-bantay sa dalaga habang hindi pa bumabalik ang mga magulang nito.
Ilang minuto na ang nakalilipas nang maka-alis ang mama at papa ni Avery ng magsalita si Zyrelle.
"So...", panimula ni Zyrelle. "Your full name is Avelina Ryanne?"
Tumango siya. "Then Avery for short."
Tumatango-tango rin si Zyrelle sa kanyang tinuran.
"Kaya pala.", mahinang bulong nito.
"Ano?"
"Wala.", sabi pa nito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
'Eto na naman itong isang to! Kung maka-killer smile, wagas!', bulong ni Avery sa sarili.
Nakarinig sila ng tatlong katok at bumungad doon ang nurse na may dalang sanggol.
"Mommy! Daddy!", masayang bungad nito. "Heto na si baby boy!"
Agad din niyang kinuha ang kanyang anak. Nakakatuwa at ang sanggol na nasa sinapupunan niya ng nine months, ngayon ay hawak-hawak na niya sa kanyang mga bisig. Hindi mapigilan ni Avery ang mapa-iyak.
"Babalikan ko na lang po si baby after an hour.", saad nung nurse. "Paki-asikaso na din po pala sa birth certificate nung bata. Hindi niyo pa po nasasabi kung anong name niya."
Tipid siyang ngumiti sa nurse bago ito nakalabas.
"Hi, baby.", bulong niya sa kanyang anak. "I'm your mommy. Thank you for coming into this world."
Napapangiti siya habang matamang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ng anak. Kung siya ang tatanungin, mukhang ang labi lang ata nito ang nakuha sa kanya. Lahat yata maliban sa lips ay kay Zyrelle namana.
Speaking of Zyrelle!
Agad niyang nilingon ang lalaking nasa tabi at nanlaki ang mata niya ng makitang nakatutok ang cellphone nito sa kanila.
"What are you doing?", tanong niya rito.
"Taking pictures.", honest na sabi nito. "For my wallpaper."
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomanceCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...