Chapter 3

4.5K 97 0
                                    

Nasorpresa si Avery nang makita kung saan siya dinala ng binata. Japanese restaurant nga iyon and it's called Nobu. The thing is, it was not just a fancy restaurant. It was a freaking Michelin-starred restaurant!

"Wait!", pigil ni Avery kay Zyrelle ng akmang aakayin siya nito papasok sa restaurant. "Let's choose another restaurant."

"Why?", naguguluhang tanong ni Zyrelle.

"It's expensive here.", rason niya. "And we don't have a reservation."

"No worries.", nakangiting sabi nito sa kanya saka siya nito hinila papasok sa loob. "I've already placed a reservation beforehand."

"B-but-", gusto pa sana niyang mag-reason out but mukhang hindi na umaandar ang utak niya dahil mas nako-conscious siya sa kamay nitong nakahila sa mga kamay niya.

She can feel bolts of electricity running through her veins from where their skin touch. The feeling of pleasant goosebumps started to creep up her spine.

Hindi na niya namalayan na iginiya na pala sila ng floor staff papunta sa isang pandalawahan na mesa. It was a bit away from the rest of the tables so may pagka-pribado yung setting nila.

Namamangha niyang inilibot ang paningin sa lugar. The ambiance is quite impressive. Pang-fine dining talaga. Meron din itong bar counter, probably para sa mga pumupunta roon para kumain ngunit walang date.

May isang waiter na lumapit sa kanila upang ibigay ang menu. Napalaki ang mata niya ng makita ang presyo ng mga dishes. Most of them were three digits in dollars!

"What do you want to order?", tanong ni Zyrelle sa kanya.

Napatitig lang siya rito. Rich kid ba to at parang hindi naman nito alintana ang presyong nakalagay sa menu? Alanganin siyang napangiti.

"I'm not really sure what to order.", sabi niya. "Can you order for me?"

"Oh, okay."

Bumaling ito sa waiter at nag-order ng iilang putahe. Marami-rami rin ang inorder nito. Hindi na lamang kumibo si Avery at hinayaan ang binata sa pag-oorder. Pero siyempre, nakaramdam din siya ng uneasiness sa sitwasyon.

"You are not going to eat and run, right?", pabirong sabi niya sa lalaki nang maka-alis na ang waiter. "Please don't leave me here to pay the bill. I don't think the money in my bank account is enough to cover our dinner tonight."

Napatawa bahagya si Zyrelle sa tinuran ni Avery.

"Of course, I'll be paying for the bill.", natatawa nitong sabi. "No need to worry. Just relax and enjoy the food."

Napangiti siya muli, although mayroon pa rin siyang pag-aalinlangan. Hindi naman siya siguro iiwan nito at pagbabayarin sa kinain nila mamaya, right? Marami pa namang manloloko sa pananhon ngayon at may modus na rin siyang nabasa na ganoon. Hindi porke't gwapo tong tukmol na to eh magpapaloko na siya noh!

"So, are you from around here?", tanong nito sa kanya habang hinihintay ang pagkain nila.

"I'm not from here.", sagot niya. "I'm from the Philippines."

May bahid na pagkabigla ang gumuhit sa mukha ng lalaki pero agad din naman itong napalis kaya hindi na iyon namalayan ni Avery.

"What a coincidence! I'm from the Philippines too.", sagot ni Zyrelle sa kanya na may malapad na ngiti.

"Really?", although nabigla din siya sa coincidence na iyon, may pagdududang kinumpirma niya ang sinabi nito. Mapanuring tingin ang ipinukol niya rito.

"Why? I don't look like a Filipino to you?"

"Nope.", sagot niya rito. "I mean, we can't deny that you are far more good-looking than an average Filipino so I'm guessing your a mix?"

"You think I'm handsome?", nakakalokong ngiti na sabi nito sa kanya. It seems like he's teasing Avery with how he smiled.

Nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi si Avery. That is so not what she wanted to point out!

---

A/N: Gaano ba kadalas ang coincidence na ang crush mo kaparehas mo ng hometown? Maliban na lang kung ang crush mo nakatira sa iisang lugar. Hahahaha.

If you like or dislike the story, let me know. :)

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon