Chapter 16

3.4K 78 1
                                    

Halos kalahating oras din ailang nag-yakapan ng ina. Si Yvette naman ay tumayo kanina at kumuha ng isang pitsel ng tubig para asa kanila.

"Si p-papa?", sumisiyok niyang tanong kay Yvette.

Umiling ito.

"Hindi ko nakita sa labas ate, eh."

"B-baka mapano si p-papa sa labas.", nag-aalalang sabi ko. Sa tindi ng emosyon ng papa niya ngayon, baka may mangyaring masama habang nasa labas ito.

Nakahinga siya ng maluwag ng pumasok ang papa niya. Nakita niyang pulang-pula ang mata nito.

Bumuntong-hininga ng malalim ang papa niya.

"Sa sala tayo mag-usap.", seryosong sabi nito sa kay Avery at nagpa-una na roon.

Kinakabahan siya. Hindi niya kasi mabasa ang nasa isip ng papa niya.

"Paanong nabuntis ka at hindi mo kilala ang ama?", agad na tanong ng papa ni Avery sa kanya pagkatapos nilang maka-upo sa sofa.

"S-sa Las Vegas po papa.", nanginginig sa kabang sabi niya. "May aksidente po akong nakilala roon na lalaki. Mukha po siyang mabait kaya naman ho napalagay ang loob ko sa kanya't napapayag niya akong sumama sa kanya na magliwaliw. Pangalan lang po ang nakuha ko dahil hindi ko naman po inaasahan na may mangyayari na ganito."

"Pinagsamantalahan ka ba?", tanong pa nito.

Napatigil siya sa tanong ng papa niya. May naaalala siya kaya alam niyang ginusto rin niya ang nangyari kahit na ba lasing siya nung mga panahong iyon.

Umiling siya.

"Parehas po kaming lasing na lasing noon.", patuloy niya. Napapikit ng mariin ang kanyang ama.

"Anong balak mo ngayon?", tanong uli nito.

"Hindi..", napalunok muna siya. "...hindi ko po kayang ipalaglag to."

Tumitig na man sa kanya ang kanyang papa na para bang tinatantiya ang katotohanan aa kanyang mga mata.

"Itataguyod ko po ang bata, kahit walang ama."

Huminga ng malalim ang kanyang papa at lumapit. Nagulat siya ng yakapin siya nito ng mahigpit. Bumuntong-hininga itong muli.

"Ano pa nga ba ang magagawa natin.", wala ng bahid na galit sa tinig ng kanyang ama. "Papalakihin natin ang bata ng maayos. Tutulungan ka namin ng mama mo. Grasya din yan galing sa Poon."

Napaiyak siya ng marinig ang tinuran ng ama. Parang nawala ang nakadagang mabigat na bato sa kanyang dibdib sa narinig. Ngayon, tears of relief ang lumalandas sa kanyang pisngi.

Sa kanyang tabi, nagpupunas din ng luha ang kanyang ina at pinsan.

"Anak, hindi man sinasadya ang pagkakagawa sa batang iyan, mamahalin natin siya ng walang kulang.", ang mama naman niya ang nag-salita.

"Oo nga ate.", sabad naman ni Yvette. Sumisinghot-singhot pa ito. "Nandito lang naman kami. Tutulungan at aalagaan ka namin."

"Thank you, pa, ma, Yvette.", naluluha pa rin niyang pasasalamat sa mga ito.

Hindi niya inakala na tatanggapin agad ng mga magulang ang nangyari sa kanya. Hindi niya inakala na hindi siya sisigawan ng mga ito o kagagalitan. Ini-expect nga niya na sumbatan siya ng mga ito. Hinanda pa niya ang kanyang sarili kanina upang tumanggap ng masasakit na salita tulad ng malandi o disgrasyada.

She felt so lucky at the moment na mas pinili ng kanyang mga magulang na pakinggan siya tanggapin ang kanyang pagkakamali. She felt lucky dahil hindi niya naramdamang nabawasan ang pagmamahal ng mga ito sa kanya at this point of her life.

She felt grateful. She felt loved.

One day, she will make sure na mararamdaman din ng anak niya ang ganitong pagmamahal - na kahit anong pagkakamali, iintindihin ka at iga-guide pabalik sa tamang landas. Even without a father, she'll make sure na busog sa pagmamahal at pag-aaruga ang kanyang anak mula sa kanya at mula sa mga taong nasa paligid nito. Katulad ng klase ng pagmamahal ng mga magulang niya ang gusto niyang maramdaman ng kanyang anak.

-----

A/N: Parents should always be your comfort zone. Nami-miss ko mama ko. :(

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon