Napabuntong hininga si Avery habang nakatingin sa malaking screen kung saan ipinapalabas ang larong League of Legends, mas kilala sa shortcut na LoL. Nasa Las Vegas siya ngayon upang suportahan ang pambato ng Pilipinas sa world championship tournament aa taong iyon.
Limang taon na mula nang gawin niyang panata ang personal na suportahan ang Philippine representative sa esports. Hindi dahil gusto niya kundi dahil iyon ang naipangako niya sa kanyang kapatid limang taon na ang nakakaraan. Sa katunayan, hindi siya mahilig sa computer games. Kahit nga limang taon na siya laging dumadalo sa world championships ng LoL, hindi pa rin niya ma-gets ito.
Muli siyang napabuntong-hiniga. Hindi niya na kasi masundan ang progress ng laro kahit na ba may nagna-narrate naman. Hindi niya na alam kung sino ang lamang at kung sino ang malapit nang matalo. Ganoon nga talaga kapag wala kang interes sa isang bagay.
Kahit na ba parang sumasakit na ang kanyang ulo sa kaka-intindi sa laro, pinilit niya ang sarili na manuod hanggang sa matapos ang laban. Nakahinga siya ng maluwag ng matapos na ang laro. Ang gusto lang niyang makita ng kanyang dalawang mata ay kung sino ang mananalo sa championship. Between the Philippine team and the Chinese team, nangibabaw ang pinoy upang ma-iuwi ang korona. Napangiti siya, both dahil nanalo ang Pilipinas at dahil na rin sa relief na makaka-alis na rin siya sa wakas.
Naki-sali muna siya sa palakpakan bago humakbang upang maka-alis sa kinauupuan. Hindi alintana ang mga taong excited sa katatapos lamang na laro, binaktas niya ang daan papuntang exit.
Nang tuluyang makalabas sa venue, tumingin muna siya sa langit bago huminga ng malalim.
'Sa susunod na taon na naman...'
Bago pa man siya nakahakbang palayo, napatigil siya dahil parang may tumatawag sa kanya.
"Miss, excuse me!"
Napalingon siya upang tingnan kung siya nga ba ang tinatawag.
Much to her surprise, nakita niya ang isang lalaking naka-jeans and white shirt na naglalakad papalapit sa kanya. She must admit, the man is drop dead gorgeous. Siya yung tipo ng lalaki na mapapahabol ka ng tingin kapag nakasalubong mo siya sa daan. He's tall. Yung katawan niya, mababakas mo na alagang gym.
When he got closer, napagmasdan niya ang buong mukha nito. Mapupungay na mata, manly jawline, at, higit sa lahat, kissable lips!
'Kalma, Avery!', kastigo niya sa sarili. 'Nangma-manyak ka na."
Tumikhim muna siya to compose herself bago nag-salita.
"Do you need something from me?"
Something flashed in his eyes na hindi niya mawari.
"Yes.", sagot nito. "I was sitting a few seats away from you and I saw you left this behind back there."
Ini-abot nito ang isang silver cased iPhone sa kanya. Napakunot ang noo ni Avery ng makita iyon.
"I'm sorry.", sagot niya rito. "I don't think that's my phone. Mine's not an Apple product but a Samsung one."
Natigilan ang lalaki.
"Oh, I thought this was yours since I saw this by your seat.", he said. "Now what?"
Napataas ang kilay niya ng lihim. Tila ba na-aaliw siya sa mukha nito dahil mukhang hindi nito alam kung ano ang gagawin.
"It's nice of you to come running after me, thinking that I'm the owner of the phone.", napapangiti niyang sabi. "But I also don't know who owns that. Perhaps, you can bring that to the lost and found section inside?"
"Is there such an office around here?"
"There should be.", she said. "I mean, they are hosting the world LoL championship inside. They should be prepared to handle lost item issues."
Napatingin saglit sa entrance ng venue ang lalaki bago bumalik ang tingin sa kanya.
"I guess so."
Napatahimik ito saglit.
"Uh..", he let his voice trail off. "C-can you come with me?"
--
A/N: If you like or dislike the story, let me know. :)
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomanceCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...