Ang istorya sa likod ng unang 'love' post ng CEO ng SSE...
Naibuga ni Samuel ang iniinom na coke nang ikwento niya rito ang pagtulong niya kay Avery sa panganganak. Noong una ay aliw na aliw pa ito sa pakikinig at may panunudyo pa sa mga mata ni Samuel nang malaman na ang babaeng iyon ay ang mystery girl ng pihikan niyang kaibigan. Pero nabigla na lamang siya nang sabihin nito ang parte na kanya ang bata.
"What?!", buong pagkagulat na bulalas ni Samuel habang nagpupunas ng bibig. "Anak mo iyon?"
"Yes.", seryosong sagot ni Zyrelle. "Highly likely."
"Highly likely?", naguguluhang tanong ni Sam. "You mean, hindi kinumpirma ni Avery sa iyo?"
"Well, hindi pa.", sagot ng binata. "Pero malamang sa malamang ay akin yung bata. Something happened to us in Vegas and that was nine months ago. Sakto lang."
"Bakit hindi mo naman agad tinanong?"
"I want her to personally tell me.", saad ni Zyrelle. "Siya ang nagdala at nagpakahirap sa bata ng nine months kaya karapatan niyang mag-decide kung sasabihin ba niya sa akin na ako ang ama o hindi."
"Pero baka dahil sa hindi mo tinanong ay mag-isip siya na hindi mo tanggap ang bata."
Napatingin si Zyrelle kay Samuel. May point ito sa sinabi. Baka nga naman isipin ni Avery na umiiwas siya sa responsibilidad kaya hindi niya ino-open ang topic na iyon. Napaisip siya kung ano ang pwede niyang gawin doon.
He fished out his phone from his pocket and browsed through his gallery. He scrolled toward the picture na kinuha niya kanina sa ospital. It was Avery's picture as she was cradling baby Avrielle in her arms for the first time. Napangiti siya sa picture na iyon ng kanyang mag-ina. Pressing some buttons, he posted the picture on his social media account to shout to the world just how proud of a father he is.
"O, ano yang ginagawa mo?", tanong naman ni Samuel.
"Making sure na malalaman ni Avery na tanggap ko ang bata.", sagot niya habang nakangiti.
He pocketed his phone. Alam niyang mayamaya pa ay makakatanggap na siya ng marami-raming notifications. If it was the usual, maiinis siya kapag maraming notifications siyang natatanggap sa kanyang social media accounts. But now, he's feeling otherwise. He's actually looking forward to it.
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomantizmCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...