Maganang kumain si Avery. Panaka-naka rin ay sinasabihan siya ni Zyrelle to try out this dish or that dish. Para pa nga silang mga connoiseur kasi dine-describe nila kuno yung taste ng pagkain. Natatawa pa sa kanya si Zyrelle kasi ang corny niyang maka-describe sa lasa ng pagkain. May pa-'taste like the breeze by the sea' na hugot pa talaga siya.
Well, she was just joking and Zyrelle knows that. Pareho nilang na-enjoy ang pagkain though.
"You mentioned earlier na bukas na ang flight mo pabalik ng Pinas.", paunang sabi ni Zyrelle. Kakatapos lang nilang kumain and they were just savoring their respective glass of wine. "Pumunta ka lang ba dito for the world championship?"
Tumango siya.
"Hindi ko din naman kasi maa-afford ang mag-stay dito sa Vegas ng more than three days. Las Vegas is one of the most expensive places on Earth kaya!"
"You must love esports then para dumayo ka dito just to watch the championship."
Natigilan sandali si Avery sa sinabi ng binata. Naalala niya na sa esports event kanina niya nga pala nakita ang binata. Malamang fan din ito ng esports. Her situation is different though kaya hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata.
Hindi niya gustong mag-sinungaling kahit na ba bagong kakilala niya pa lang si Zyrelle at malamang na hindi na niya makita pang muli matapos ang gabing ito. Pero hindi din naman siya baliw para i-share ang pribadong buhay niya sa taong kakakakilala pa lang niya.
So she just smiled.
Hindi niya alam if nahalata ni Zyrelle na ayaw niya pag-usapan ang bagay na iyon or not but she's happy na iniba na nito ang usapan.
"Have you gone around Sin City yet?", pilyong sabi ni Zyrelle.
"Yun nga ang pinanghihinayangan ko.", napabuntong hininga si Avery. "I've been here for three days but I've only been to Esports Arena."
Sa Esports Arena ginanap ang world championship kaya doon lamang siya naglagi habang naroon siya sa Las Vegas. If meron man siyang pinuntahang iba aside sa Esports Arena, that would be her hotel or the restaurants nearby.
Kahit na nga ba tinaguriang 'Entertainment Capital of the World' ang Las Vegas at narito siya ngayon, she had never been to any casino or went to The Strip. Nakakapanghinayang talaga.
"Bakit naman?", nagtatakang tanong ni Zyrelle. "Umaga naman yung event. Las Vegas is also a city that never sleeps so pwede ka pa rin mag-enjoy dito kahit gabi."
"Gagala akong mag-isa in an unfamiliar place? Hahaha. Huwag na lang."
Tila naman napa-isip si Zyrelle sa sinabi ni Avery. Tama nga naman. Las Vegas can get dangerous for those who are not familiar with the place. If one is not careful, he or she may be dragged to some alleyway and mugged. Sometimes, there's also the risk of walking in on a drug deal, which will inevitably lead to one's demise.
"Do you want to have some fun with me tonight then?", paanyaya ni Zyrelle kay Avery. "I'll bring you around the safe areas sa The Strip. I want to play in the casino tonight too!"
"Hala! Wala akong pera noh!", bulalas niya. "At saka, gambling yan. Walang maidu-dulot na maganda."
"I've never lost in gambling."
"Di nga?"
"Yup! I'm serious.", seryosong sabi pa ni Zyrelle. Itinaas pa nga nito ang kanang kamay na para bang nanunumpa na totoo ang sinasabi niya. "Hindi naman ako gambling addict. I only gamble when I want to unwind and get rid of the stress na na-build up ko from work. Kaya sama ka na, please?"
Nag-puppy eyes muli ang loko.
"Fine! But I'll just watch you play."
"Mag-eenjoy ka ba nun?", reklamo ni Zyrelle habang naka-pout ang kanyang kissable lips.
"Oh, I will."
"Di nga?"
"Yup! I'm serious." At ginaya pa niya talaga ito sa pagtataas ng kanang kamay.
Napatawa silang pareho.
"Okay then. You'll be my goddess of luck tonight."
-----
A/N: I had a college classmate who went on a vacation in Las Vegas say na mura lang daw iyong pagliliwaliw nila roon. Then binara siya ng prof namin na hindi daw, mahal daw sa Vegas. He even said na hindi raw namamahalan iyong classmate ko kasi hindi siya iyong nagbabayad. True.
If you like the story, please donate your phone to me! Salamat! :)
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomansaCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...