Chapter 14

3.4K 73 0
                                    

Saktong oras ng hapunan siya nakarating kaya naman hindi na siya nagulat na may nakahanda ng hapunan sa hapag.

"Waaah!!!", natutuwang tili niya. "Adobong shrimps!"

Paborito niya ang putaheng iyon na special recipe ng mama niya kaya naman tuwang-tuea siya ng makita iyon sa mesa. Agad siyang umupo, gayun din ang mama niya. Si Yvette naman ay lumuha muna ng isa pang plato at kubyertos para sa kanya bago umupo.

"Thank you!", magiliw niyang sabi kay Yvette matapos nitong ilagay ang plato at kubyertos sa kanyang harapan.

Kukuha na sana siya ng shrimps ng tapikin ng mama niya ang kanyang kamay na may hawak na kutsara.

"Aray, ma!", eksaheradang sabi niya kahit hindi naman masakit. "Bakit mo ko hinampas?"

"Nagtagal ka lang sa Maynila ay nakalimutan mo ng magdasal bago kumain?!", pinandilatan siya ng kanyang ina. Yung mama niya kasi yung tipo ng tao na malaki ang paniniwala sa Diyos. Kahit konting blessings ay ipinapagpapasalamat talaga kay Lord.

"Sorry, na-excite lang po.", hinging-paumanhin niya. "Matagal ko na po kasing hindi natitikman ang luto niyo."

Matapos mag-alay ng isang maikling panalangin, agad nilantakan ni Avery ang putaheng hipon. Nakakatatlong platong kanin na nga siya eh.

"Hoy, ate!", untag ni Yvette. "Hindi ka ba diet ngayon? Ika-apat na platong kanin mo na yan."

Nilunok niya muna ang pagkain na nasa kanyang bibig bago nagsalita.

"Walang diet diet sa akin.", sabi niya sabay ngisi.

Yung katawan kasi niya, kahit anong takaw niya, ay hindi talaga siya tumataba kahit gaano pa siya kasiba sa pagkain. Si Yvette naman ay kabaligtaran niya. Kaya nga laging mabibigat na physical activities ang trip nito para daw hindi tumaba. Hindi naman nito gustong mag-dieta dahil tulad niya ay matakaw din ito.

'Para sa dalawang tao din itong kinakain ko!', gusto ring idagdag ni Avery.

"Kailan po ba uuwi si papa, ma?", tanong ni Avery.

"Pinatext ko na kay Yvette.", sagot ng mama niya bago binalingan ang pamangkin. "Na-text mo ba, Yvette?"

"Opo, tita!", sabi pa ni Yvette sabay muwestra ng OK signal dito habang sumusubo. "Baka hindi pa nababasa dahil nagmamaneho. Pero sigurado pag nabasa iyon ni tito, uuwi yun kaagad. Maya-maya ay nandito na iyon."

Napalunok si Avery. Napagpasiyahan niyang sabay na sabihin sa mga magulang mamayang gabi ang sitwasyon.

Tapos na silang naghapunan at nagpapahinga na lamang sa salas ng marinig nila ang pagparada ng isang sasakyan sa labas ng bahay.

"Papa mo na siguro yan.", sabi pa ng mama niya sabay tayo upang salubungin ang asawa.

Taxi driver ang papa niya ngayon. Pinapadalhan naman niya ng pera ang mga ito pero gusto din nitong mamasahero. Para daw hindi sila hingi ng hingi sa kanya dahil may sarili na daw dapat siyang buhay. Pinapayuhan din siya ng ama na mag-ipon ng maaga para sa sarili niyang pamilya in the future. Ang mama naman niya ay isang guro sa isang pampublikong kolehiyo kaya naman okay ang sahod at benepisyong natatanggap nito.

Wala na man problema kung tumulong siya sa gastusin ng mga magulang. Malaki-laki din naman kasi ang sahod niya. Kahit nga makapagbayad na siya sa lahat ng bills niya sa Maynila at makapagpadala siya sa mga magulang, may maitatabi pa rin siyang pera para sa kanyang savings.

Ng pumasok ang ama sa bahay nila, agad tumayo si Avery at nagmano rito. Yumakap din siya rito ng mahigpit, dala ng sobrang pag-aalinlangan at pagka-miss sa magulang.

"Napa-uwi ka nak?", tanong din nito sa kanya.

"Na-miss ko lang po kayo rito, pa.", sabay ngiti.

Nagkwentuhan pa sila ng mga magulang. Panay ang buko ng mga magulang ng mga sikretong kagagahan ni Yvette. Tawa lamang siya ng tawa. Si Yvette naman ay nakikisakay na lang. Hindi naman mainisin itong pinsan niya kaya okay lang.

Kahit gaano pa man i-stretch ni Avery ang oras, darating at darating din ang time na kailangan na talaga niyang magsabi ng katotohanan.

Lumalalim na ang gabi at nagpaalam na ang kanyang mga magulang na matutulog na ang mga ito. Si Yvette na man ay nauna ng matulog.

May sarili pa siyang kwarto rito kaya doon siya nagpalakad-lakad upang buuhin ang loob. Kailangan niya ng tapang ngayon para harapin ang mga magulang.

Huminga siya ng malalim at tinungo ang kwarto ng mga magulang. Kumatok siya ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob.

Pagsilip niya sa loob, nakita niyang gising at nag-uusap pa ang kanyang mga magulang. Napatingin ang mga ito sa kanya. Ngumiti ang mama niya at ginantihan niya ito ng nag-aalinlangang ngiti.

"Ma, pa.", mahinang sabi niya na may kaba. "Pwede ko ho ba kayong maka-usap?"

-----

A/N: Masarap ang adobong shrimps, lalo na kung maanghang.

Like? Vote!

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon