Chapter 22

3.4K 78 0
                                    

Avery is almost nine months along nang mapagpasyahan niyang mag-maternity leave na. Ngunit bago pa siya nag-leave, todo muna ang pag-finalize niya sa mga iiwang trabaho.

Sa nakalipas na buwan, natapos na ang paglalapat ng boses sa mga karakter sa kanyang game. Hindi niya talaga makalimutan ang meet-up with the voice actors, especially ng makilala na niya ang god Giny na tinitilian ng kanyang kasama na si Hillary.

Indeed, there's a reason bakit napaka-private ng tao. It's not her secret to tell but she can say that the meeting was memorable. How many times in your life will you meet someone like that person? Napapatawa at napapailing na lamang si Avery. Naalala pa nga niya ang mukha ng iilang babae sa meeting room noon.

Aside from meeting the VAs, naroon din siya noong i-meet ang advertising agency na hahawak sa promotional materials ng kanyang proyekto. She can say na mataas ang expectations ng SSE sa kanyang game dahil ang kinuha pa talaga nitong advertising agency para sa kanya ay ang Active Concepts, isa sa pinaka-popular na advertising agency sa bansa. Sa totoo nga niyan, ang internationally acclaimed advertising genius na si Xandro Santillan ang na-toka sa kanilang account. Usually, it is very difficult to get this man's services kaya naman bilib na talaga siya sa SSE for being able to pull this man into working on the adverts for their game.

The initial meeting has already been held before siya nag-leave. There will be another meeting para sa initial draft and another one for the final copy. Kasali siya sa mga dapat mag-apruba sa promotional materials since siya ang leader ng team.

However, hindi naman siya makakapunta dahil na rin sa malapit na siyang manganak kaya naman ay si Rhea na ang inatasan niyang mag-handle noon. She just made sure na tatawagan siya ni Rhea kapag may aberya.

She's very excited for the upcoming days. After all, malapit nang matapos ang kanyang project. As soon as matapos ang promotional materials ay simula na ng production sa CD copy ng game. Then, two months after siyang manganak ay launching na ng kanyang project.

Again, she's very confident sa outcome ng kanyang proyekto. As long as walang aberya, she is sure she can get that promotion dangling in front of her.

Last but not the least, she's pretty excited dahil manganganak na siya. She can't wait to see her baby boy.

Yes, lalaki ang baby niya. A healthy baby boy.

Ipinagpapasalamat na lang talaga niya at hindi siya masyadong nahirapan the past months. Her morning sickness only lasted for the first two months ng kanyang pagbubuntis. Her cravings were easy to find too. It seems na love na love talaga siya ng kanyang baby boy at hindi siya pinahirapan ng husto gaya ng ibang pregnant mommies na nakilala niya.

Aside sa excitement, nakakaramdam din siya ng takot at kaba. Of course, kahit naman first time niya itong manganak, she expects that it will hurt like shit. Nag-research na siya ng tungkol doon and nakapag-tanong na rin siya sa mama niya. She also read lots of maternity books the past month para makapag-prepare. Ilang ulit na ba niyang pinag-praktisan ang breathing exercises na itinuro sa kanya during birthing class?

Nine months na talaga. It's time for the little boy to come out to this world.

Thinking about that, hindi rin maiwasan ni Avery na maalala ang tatay ng anak niya. There's a part of her na gustong hanapin ang lalaki and another part that says to leave it to fate. Ano kaya yung pakiramdam kung nasa tabi niya ang lalaki at umaalalay sa kanya sa kanyang pagbubuntis?

'Erase! Erase! Huwag magpadala sa emosyon. Mahirap hanapin ang lalaking yun, lalo na't mayaman at hindi mo alam ang buo niyang pangalan.', kastigo ni Avery sa sarili.

-----

A/N: Promise! May patutunguhan itong story na to! Kapit lang bes!

Like? Vote!

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon