Chapter 11

3.6K 74 0
                                    

Medyo lutang pa ang isip ni Avery ng maglakad siya papunta sa isang table dala-dala ang inorder niyang pagkain. Currently, may mental battle na nagaganap sa loob-loob niya.

'Hindi kaya buntis ako?'

'Fertile ka ba nung may mangyari sa inyo nung lalaking yon?'

'Wait! Pwede bang mabuntis kahit minsan lang yun nangyari?'

'Hindi lang minsan yun, baliw!'

'Anong gagawin ko kung buntis nga ako?'

'Kailangan ko ng pregnancy test kit.'

Wala sa sarili na subo lang ng subo ng pagkain si Avery habang nagmomonologue.

Matapos makakain, pumunta na kaagad si Avery sa opisina. Muntik-muntikan pa siyang ma-late.

For the whole day, pinipilit ni Avery na mag-focus sa trabaho. Hindi sila pwedeng ma-delay dahil that will negatively affect their team's assessment.

Ganoon pa man, hindi pa rin niya maiwasan na maalala na may possibility na buntis siya. If positive nga siya, then she'll have to take a maternity leave on the most critical juncture sa post-production ng app na ginagawa nila ngayon. Iiwan niya ang team sa napaka-importanteng oras na yon?

Eksaktong alas siyete ng gabi ng mag-clock out si Avery. Gustuhin man niyang mag-overtime, alam niyang may mas importante pa siyang dapat gawin.

Dumiretso siya agad sa pinakamalapit na drugstore upang bumili ng pregnancy test kit. Kumuha siya ng dalawa at sa magka-ibang brands pa talaga. Baka lang kasi mali ang maging resulta sa isang pregnancy test kit dahil baka faulty yung product. Buti na yung may second opinion, di ba? Ganoon siya ka-sigurista.

Habang nasa pila siya sa counter, nakakita na man siya ng Ferrero Rocher. Nanubig bigla ang bagang niya sa tsokolate kaya naman sinama na niya yun sa kanyang bibilhin.

Kumain muna siya ng dinner bago umuwi. Habang hawak ang pregnancy test kit, hindi makapagdesisyon si Avery kung gusto niyang gamitin iyon o hindi. Nagpalakad-lakad muna siya sa sala.

Naiisip niya kung ano ang mangyayari if buntis nga siya. Hindi niya kilala kung sino ang ama. Most importantly, makaka-apekto ito sa kanyang trabaho.

Iniisip din niya kung ano ang sasabihin ng kanyang mga magulang. Wala siyang paki-alam kung ano ang sasabihin ng ibang tao but hindi niya gustong ma-disappoint sa kanya ang parents niya.

Her parents are living in their hometown sa Cebu. They dote on her, especially at only girl siya. Alam niya na malawak ang pang-unawa ng mga magulang niya but hindi niya gustong i-test kung gaano kalawak iyon by telling them that she's pregnant out of wedlock.

Makalipas ang ilang minuto, pinakalma niya ang sarili. There's no use thinking about what would happen in the future. After all, hindi pa siya sigurado na buntis siya. Baka nga false alarm lang ito. Baka gumagawa lang siya ng sarili niyang multo.

Thinking that way, ipinag-paliban ni Avery ang pagte-test.

But God seems to have plans of his own dahil kinabukasan rin ay nagsusuka na naman siya pagka-gising. Napansin din niya na may mga food cravings siya na mahirap ipaliwanag gaya na lamang ng pinyang matamis o di naman kaya ay saging na nilagyan ng peanut butter.

Nag-'in denial' mode muna si Avery for one week bago niya tinanggap sa sarili na kailangan na niya talagang malaman ang totoo. The trigger? Yung letsugas na saging na nilagyan ng peanut butter!

Galing pa siya ng work nun kaya naman dali-dali siyang umuwi. Dumiretso siya sa banyo at kinuha sa cupboard roon ang pregnancy test kit na binili niya one week before.

Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob at huminga ng malalim.

"Here goes nothing.", mahinang sabi niya sa sarili.

Binuksan niya ang pregnancy test kit at tiningnan ang 'Directions for Use'. Dapat na man talaga na sundin niya ang instructions for properly using the device if gusto niya na tama ang resulta di ba?

Napa-mura siya ng mabasa ang nasa label.

Use first morning urine.

Naman! Kung kailan may lakas ng loob na siyang mag-test, postponed pa talaga para bukas ng maaga! Tsk!

-----

A/N: Ferrero Rocher ang favorite chocolate ko.

If you like this story, give me a Ferrero.

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon