Simula pa kahapon ay naghahanap na si Avery ng pwedeng kuhanin na voice actor para sa kanyang proyekto. Of course, katulong rin niya ang kanyang team sa paghahanap.
Sa dami ng pinagpilian nila, nakakuha aa kanyang atensiyon ang isang demo video na ipino-promote ni Hillary.
"Miss Avery, ito po!", ungot pa nito na talagang ipinagdudutdutan sa kanya ang sound file na ipinasa nito. "Maniwala po kayo sa akin, sulit na sulit tayo kung siya ang kukunin natin as one of the voice actors."
"At bakit naman?", pagsusungit ni Rhea. May gusto din kasi itong ipromote na voice actor. "Hindi naman yan voice actor yang pinopromote mo. YouTube artist yan!"
"Voice actor pa rin to noh!", depensa ni Hillary. "Hindi nga lang mainstream ng katulad ng pinopromote mo, ate Rhea. Itong pinopromote ko, mas magaling pa nga to sa mainstream VAs eh! Tsaka, maraming fans to. May malaking fanbase tong si Giny na pwede nating ma-entice na mag-download sa game natin. Just the mere fact na siya ang VA, tiyak papatok tong game natin!"
"Hindi pa rin ako convinced!", nakangusong sagot ni Rhea.
"Ate Rhea, trust me okay?", sabi pa ni Hillary sabay lagay sa palad sa dibdib. "Matagal na akong game programmer. Audiophile din ako. Marami na akong nafa-follow sa mga social networks na VA. Magtiwala kayo sa god Giny ko."
"Gusto mo lang yata ma-meet ng personal itong Giny na to eh.", tukso niya kay Hillary.
"Of course, Miss Avery!", kumikinang ang matang tango ni Hillary. "Kung may opportunity nga naman, bakit hindi sunggaban, diba? Napakailap kaya ni god Giny sa mga fans niya. Tanging boses lang niya ang naririnig namin. If makita ko siya ng personal, di may edge na ako sa iba pa niyang die hard fans."
Natatawang umiling-iling na lamang si Avery sa tinuran ng kasamahan niya. Mukhang may hidden motive pa talaga ang isang to!
"Okay, pakikinggan ko both ang isinuggest niyo ni Rhea.", sabi na lang niya. "I'll choose later. Kung kanino mang boses at VA profile ang magustuhan ko, siya ang pipiliin natin."
Nag-fist pump muna si Hillary bago bumalik sa kinauupuan. Si Rhea naman ay napa-ismid kay Hillary pero napangiti na rin ng makitang high energy si Hillary dahil doon.
Binalikan niya ang mga sound files na ipinasa sa kanya ni Hillary at Rhea. The lineup for the voice actors is mostly done. Konti na lang ang kulang.
Avery listened to the sound files Rhea provided. Medyo maganda naman ang boses ng tao and his VA profile seems good.
Sunod niyang pinakinggan ang sound files ng bet ni Hillary. Napatanga siya sandali ng magsimula na ang recording at napangiti na lamang siya. This guy's voice is versatile!
Pinasadahan niya ng tingin ang VA profile nito at namangha siya sa nabasa. She even had to check Google for confirmation at mukhang sikat nga talaga ang YouTube artist na ito for his voice.
Napakunot ang noo niya though sa kadahilanang wala siyang makitang pictures nito online. Even the YouTube videos and profiles nito ay walang ni isang personal picture nito.
Ganoon pa man nagpasya siyang ito ang kunin upang maging isa sa mga voice actors sa game. Hindi naman issue sa kanya na hindi ito mainstream VA. Ang standard niya lang talaga sa pagpili ay dapat maganda ang boses. Her lineup consists of not only professional voice actors but radio show hosts, singers, and DJs, after all.
Avery immediately sent the email with the list of voice actors she wants for her project. Hopefully, makuha nila ang mga gusto nilang voice actors. It will be tough to select new ones again if hindi niya makuha ang nasa listahan niya.
-----
A/N: Sinong mga katulad ko ritong audiophile? Sino favorite VA niyo? Fave ko sa Kazuya Nakai.
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomantizmCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...