Chapter 6

3.8K 94 0
                                    

Their first stop ay ang popular and probably one of the most expensive resort & casino sa Las Vegas - Bellagio. Again, being the middle class worker that she is, natulala muli si Avery nang makita kung gaano karangya ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Zyrelle.

Napalingon siya kay Zyrelle na nuon ay binibigay ang susi ng sasakyan sa valet.

'Super rich kid ang peg?'

Her curiosity about Zyrelle's identity is starting to get the better of her. Gusto niyang magtanong but she doesn't want to sound like a gold digger na interesado sa financial background ng binata. So she continued playing the fool.

Sa casino sila dumiretso. The dark ambiance and neon lights give off the same feeling as what you would see a casino is like in the movies.

Naglalaro sila ng slots ni Zyrelle and na-amaze talaga siya sa luck ng binata. He freaking kept on winning! Kahit na lumipat na sila upang mag-laro ng table games at palagi din itong nananalo.

While naglalaro si Zyrelle, nakasunod lang lagi sa kanya si Avery. Of course, hindi naman siya na-bore dahil na rin sa pinapaliwanag ni Zyrelle sa kanya ang rules ng bawat laro. Minsan nga, siya ang pinapadecide nito kung saan sila maglalagay ng bet.

They played black jack and roulette. Dun sa roulette talaga siya humanga sa binata dahil lagi na lamang tumutugma ang bet nito sa winning bet. Nakakamangha dahil sa dami ng pwedeng combination, laging tugma iyon sa bet nila.

She tried to pull Zyrelle to play poker. Pero tumanggi ang binata. Ang dahilan nito ay baka raw ma-bore siya kasi yung mga card games ay solo player entertainment lang daw. Hindi raw maaaliw si Avery dun. That would defeat the purpose of letting her have fun on her last night here in Vegas daw.

"Tiba-tiba tayo ngayon ah!", natatawang sabi ni Avery. She felt like she's floating in the clouds. Eto yata yung sinasabi nung ibang tao na high state kapag lagi kang panalo when gambling. She's far too much of a novice to handle this extreme state of euphoria properly.

On the other, Zyrelle is more composed. Of course, he's happy but he also has to watch out for Avery.

"I told you, I don't lose in gambling.", nakangising paalala nito sa kanya. Kumuha siya ng dalawang champagne sa dumaan na waiter at ini-abot ang isa kay Avery.

Napangiti rin siya. Inilapag muna niya ang empty champagne glass na hawak niya bago kinuha ang bago. Free ata ang food and drinks dito kaya malayang nakakainom ng champagne si Avery.

"Let's play at another table for a few rounds then alis na tayo.", sabi ni Zyrelle. "I still want to bring you to a bar. You can't say your experience in Vegas is complete without partying the night away!"

Tumango siya at nagpatianod sa gustong mangyari ng binata. They chose the game craps as their last table. Ito yung laro na magbe-bet ka based on the outcome matapos i-roll ang pair of dice.

Natutuwa siya dahil, just like always, laging nananalo ang bet nila. Mukhang mas magugulat pa nga siya kung hindi manalo si Zyrelle ngayon. Napansin na rin niya ang excitement ng mga tao sa paligid nila na unti-unting dumadami.

"One last round!", malakas na sabi ni Zyrelle. Mukhang nahahawa na rin ito sa excitement sa paligid. Itinaas pa nito ang kamao kung saan nakalagay ang pair of dice na iro-roll nito.

Bago pa man nito pagulungin sa table ang pair of dice, bumaling muna ito sa kanya. Tumitig si Zyrelle sa mga mata ni Avery.

Sa paraan ng pagkakatitig ni Zyrelle sa kanya, unti-unting bumilis ang pintig ng kanyang puso. In fact, pakiramdam niya ay tumigil ang pag-ikot ng mundo.

'Shit! May drugs kaya yung champaigne kaya ganito na lang ako maka-react?'

"My lady luck.", untag ni Zyrelle kay Avery habang titig na titig dito. Itinapat nito ang palad kung saan nakalagay ang mga dice a few inches away from her lips. "Hipan mo."

Without breaking eye contact, marahang hinipan ni Avery ang mga dice.

Tila naman napako sa kinatatayuan si Zyrelle. Unti-unting lamapad ang ngiti nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Maya-maya ay ito ang unang nagbawi ng tingin upang humarap sa mesa at itapon ang dice.

Everyone cheered happily!

-----

A/N: When in a casino or gambling den, learn how to play moderately. Nakakabaliw at nakakasira ng pamilya ang malulong sa sugal. True story.

If you like the story, vote!

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon