Chapter 20

3.6K 79 3
                                    

Lumipas pa ang tatlong buwan at wala naman masyadong problema sa work. Meron din yung panaka-nakang provocations ni Abbie but she handled every encounter pretty well. Hindi siya nagpapadala sa stress dahil makakasama lamang iyon sa baby niya.

Dahil hindi naman mapintasan ni Abbie ang kanyanh work ethics, ang palagi nitong ammunition laban sa kanya ay ang pagiging buntis niya. The girl even had the guts na paringgan siya na disgrasyada.

Gaya na lamang ngayon. Kasalukuyan silang nasa canteen.

"Akala mo sinong pure, nasa loob pala ang kalandian.", parinig sa kanya ng isa sa mga alipores ni Abbie.

"Tama.", maharot namang tuya nung isa pa. "Ending, dalagang ina."

Nagtawanan ang mga ito. Hindi na sana niya papansinin ang mga ito. Subalit hindi nakapagtimpi si Rhea na isa sa mga kasama niyang kumain. Nagparinig din ito.

"Hayy.", may bahid ng sarcasm ang boses nito. "Dumadami na talaga ang linta at hitad dito sa office. Akalain mo, pati operations manager natin na si Mr. Kim eh ginagapang na rin?"

"Oo nga, Rhea.", tumatango-tango pang panggagatong na sagot ni Hillary, isa sa mga ka-teammates niya na close niya rin. "Grabe naman kasi ang charm nun ni Mr. Kim sa mga social climbers eh. Alam mo na, kahit more than twice ang tanda sa atin nun, eh diborsyado at mayaman naman. Kaya siguro napagtatiyagaan ng mga hitad dito sa paligid."

"Pero ang pinagtataka ko lang ano.", patuloy ni Rhea na bigay todo sa facial expressions. "Sa gabi-gabi ba naman nilang mag-istambay sa motel diyan sa isang kanto, hindi pa ba nabubuntis ang mga hitad na yun?"

"Baka nabuntis na! Pinalaglag lang!", si Hillary naman ay parang nag-lightbulb moment ang mukha.

"Naku, kung magkaganoon, murderer din sila?", mas pinaseryoso pa ni Rhea ang mukha. "Dapat layu-layuan natin ang mga iyan Hillary! Mamamatay-tao pala!"

"Buti pa nga to si Miss Avery, eh. Kahit buntis, maaliwalas ang mukha. Halatang walang kulo sa loob. Happy mommy! Di parehas ng iba diyan."

Padabog na umalis sa kina-uupuan ang dalawang alipores ni Abbie. Si Abbie naman ay tiningnan muna sila ng masama bago umalis with poise.

'Hay naku, di ba pwedeng peace muna tayong lahat?', nasabi ko na lamang sa sarili.

Siniko ko din si Rhea na nasa aking tabi.

"Ano ba kayo, hindi dapat kayo nagsa-salita ng kung anu-ano.", saway niya sa mga ito. "Below the belt yung ginawa niyo. Hindi pa din naman natin alam kung totoo yung mga tsismis."

Matapos ang bulung-bulongan tungkol sa pagbubuntis niya, umalingawngaw naman sa buong kumpanya ang tungkol doon sa pinagsasabi ng kanyang mga kasama. Implicated ang tatlong plastic na yun. Hindi nga lang confirmed kung sino sa tatlo o kung totoo man ang tsismis.

"Below the belt din naman yung pinagsasabi nila tungkol sa iyo ha!", pagtatanggol ni Rhea.

"Kahit na.", giit ni Avery. "Hindi porke't nag-below the belt sila ay gagaya tayo. Dapat may standards din tayong sinusunod even in fights. Especially in catfights."

Umismid na lamang si Rhea habang si Hillary naman ay napanguso na parang batang napagalitan. Natawa siya sa reaksyon ng dalawa.

"Regardless, na-appreciate ko na ipinagtanggol niyo ako.", nakangiti niyang sabi sa dalawa. "Next time though, let's not stoop down to their level."

oOo

Masaya pa rin silang nag-uusap nina Rhea at Hillary pabalik sa kanilang workspace. Sinusulit talaga nila ang every break nila dahil oras na bumalik sila sa trabaho ay kailangang serious mode talaga.

Pagkabalik niya sa work, ang una niyang ginawa ay buksan ang email. Sakto naman na may kararating lang na email para sa kanya.

To: Avelina Ryanne Montejo

Subject: Kingdom Wars - Character Voice Overs

Hi,

Please let us know your choice of voice actors for the characters and narration for Kingdom Wars asap.

Thanks!

"Yes!", mahinang sambit ni Avery habang nag-fistpump.

Ang Kingdom Wars ang MMORPG desktop game project na hina-handle niya. Receiving this email means the debugging process is done at malapit-lapit na talagang ma-launch ang proyekto.

Now she's off to find the right voice actors. For the success of her project!

-

----

A/N: Ang abortion po, if it is for selfish reasons, ay hindi tama.

Agree ka?

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon