A/N: This is a very long update - 4x the normal length of the other chapters. Malapit na po kasing matapos ang istorya nila Zyrelle at Avery. 1 chapter more, then epilogue, then special chapters. :)
-----------------------
Kinabukasan, maaga pa lang ay bihis na si Avery. Kagabi pa niya naihabilin ang anak sa mga magulang. Alam ng mga ito na may date sila ni Zyrelle ngayon at suportado naman ng kanyang mga magulang ang plano nila.
Fifteen minutes before 9 ay dumating na si Zyrelle sa bahay nila. Kahit na ba alam ng parents niya ang tungkol sa lakad nila, magalang na ipinagpaalam pa rin siya nito.
"Ingatan mo iyang prinsesa ko, Zyrelle, ha.", paalala ng ama niya sa binata.
"Huwag po kayong mag-alala, Tito Ryan.", paninigurado ni Zyrelle.
Tinulungan siya ni Zyrelle na makasakay sa kotse. Pagkapasok nito, hindi muna nito pinaandar agad ang sasakyan.
"Mommy, okay lang ba if medyo mayamaya pa ang start ng date natin?", medyo nakangiwing tanong ni Zyrelle.
"Bakit?"
"May emergency meeting kasi sa Storm Knights ngayon.", paliwanag ni Zyrelle. "Madali lang naman yun. Bale, while nasa meeting ako ay pwede kang mag-tour sa building. Pwede ka rin manood sa training rooms."
Naalala niya na si Zyrelle nga pala ang namamahala rin sa Storm Knights.
"Okay lang, Daddy.", ngumiti siya rito for assurance. "I can wait."
"Sorry talaga.", ulit nito. "And thanks!"
Pagkatapos niyon ay nagnakaw muna ito ng halik sa kanya bago nito pinaandar ang kotse.
Dumiretso na sila agad sa headquarters ng Storm Knights. Isang building iyon na katabi lang ng SSE building. While the first 14 floors ay ginawang commercial space for lease, ang natitirang three floors ay para sa Storm Knights na talaga.
Sa top floor gaganapin ang meeting. Pagkalabas na pagkalabas pa lang nila sa elevator ay pinagtitinginan na sila ng mga kalalakihan na naroon. Paano ba naman kasi, naka-holding hands silang pumasok ni Zyrelle.
"Good morning, boss.", bati ng mga lalaki na medyo may kabataan. Mostly sa mga lalaki na naroon ay mukhang nasa late teens at early twenties. Wala rin siyang nakitang babae roon.
"Morning.", tipid na ganting bati ni Zyrelle. "Where's Samuel?"
"Nasa meeting room na, boss.", sagot ng isa.
"Si Runner, nasaan?"
"Dito, boss!", sigaw ng isang batam-batang lalaki na nakasalamin. Itinaas pa nito ang kamay para mas madaling makita. Medyo may kaliitan kasi ito.
"Give my girlfriend a tour around the place.", utos nito sa lalaki ng makalapit sa kanila ang lalaking tinawag na Runner. Bumaling ito sa kanya bago ngumiti. "Pagtiyagaan mo na muna tong si Runner. He'll show you around the place. I'll call you kapag tapos na kami."
He kissed her cheeks before he proceeded to where the meeting room is.
Doon lang napansin ni Avery na halos lahat ng lalaki roon ay nakatingin sa kanya. Awang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata ng mga ito.
"Girlfriend ka ni boss, miss?", nahihiwagaang tanong ni Runner.
Ngumit lang siya at tumango rito.
"Ikaw yung nasa post ni boss na may hawak na baby? Yung tinawag niyang 'queen'?"
"Ibig sabihin, may anak na kayo ni boss?!"
Puro tango lang yung tinugon niya sa mga tanong ng mga ito.
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
Storie d'amoreCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...