Hindi mapakali sa buong flight si Avery. This is definitely one of those flights pauwi sa kanila na hindi niya na-enjoy. Usually, masaya siyang umuuwi. But right now, with the shocking news of her unexpected pregnancy, hindi niya magawang mag-saya.
Kinakabahan siya. Para pa ngang pinagdadasal niya na sana ay mas matagal pa sa isang oras ang flight galing Maynila papuntang Cebu. Kung kani-kanina lang ang tapang-tapang niyang umuwi upang ibalita sa kanyang mga magulang ang kanyang pagbubuntis, ngayon naman ay parang gustong bumaliktad ng kanyang sikmura sa kaba.
Sa buong byahe, nakatulala lang si Avery. Pilit niyang binubuo sa isipan ang plano kung paano siya magsasabi ng totoo sa mga magulang niya. She has to do it in a way na hindi masyadong masaktan or ma-disappoint ang mga ito.
Pero mahirap pala. Lumipas ang lampas trenta minutos ay wala pa rin siyang nabubuong plano. Napapitlag pa nga siya sa kaba ng marinig ang boses ng piloto na nagsabing nasa ibabaw na sila ng Mactan International Airport at lalapag na in fifteen minutes.
"Damn.", mahinang mura ni Avery sa sarili. Pumikit siya ng mariin habang nararamdamn niya ang dahan-dahang pagbaba ng eroplano mula sa himpapawid.
"If this is a nightmare, please wake me up now."
oOo
Halos isang oras din ang ginugol ni Avery sa loob ng taxi na sinakyan niya mula airpory hanggang sa kanilang bahay. Para siyang nagkaroon ng extra lifeline dahil makakapag-isip pa siya ng isang oras. Of course, tulad ng nasa eroplano siya, zero plans pa rin ang kinahantungan ng malalalim niyang pag-iisip.
Pagkababa niya sa taxi, tiningnan niya muna kung may tao sa labas. Sinipat din niya bintana sa second floor upang tingnan kung nakadungaw ba roon ang mama o papa niya.
Sa isang gated row house subdivision nakatira ang parents niya. Malaki-laki din ang two-storey house na ito. Kasama ng mga magulang niya ang pinsan niyang si Yvette na pinapag-aral ng mga ito sa high school. Mabuti iyong set-up na ganito dahil may kasama ang parents niya. Nasa Manila kasi siya most of the time.
Dahil sa sobrang kabog ng dibdib, hindi agad nag-doorbell si Avery.
"Kaya ko to!", untag ni Avery sa sarili. Pilit niyang pinapalakas ang loob. "Kaya ko to! Ako pa!"
Makailang ulit din niyang inakmang pindutin ang doorbell ngunit napipigilan lamang siya ng takot. Napansin rin niya na nanginginig at nanlalamig na ang kanyang mga kamay.
Sa huli, pinikit ni Avery ang mga mata sandali at lakas-loob na nag-doorbell ng dalawang beses.
Naghintay muna ng ilang sandali si Avery bago may bumukas sa pintuan. Iniluwa noon si Yvette. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya saka tumili.
"Ate Av!!!!", sigaw nito na nakapangiwi sa kanya.
Oo na. Kung makatili to, parang wala sila sa isang private subdivision. Tsk.
Agad itong lumapit sa gate at pinagbuksan siya. Narinig na rin niya na parang may nagmamadaling lumabas mula sa loob ng bahay. Di nga siya nagkamali at ang mama naman niya ang sunod na sumalubong.
"Anak!", masayang bati nito sa kanya habang nagpupunas ng kamay gamit ang puting tuwalya. "Umuwi ka?"
"Hindi, mama. Minumulto kita."
Napatawa si Yvette at napasimangot naman ang mama niya.
"Huwag ka nga magsalita ng ganyan bata ka. Diyos mio!", suway nito sa kanya sabay akmang babatukan siya.
Lumayo naman siya rito ng konti. Baka totohanin pa nito ang pambabatok sa kanya. Mahirap na.
"Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka.", sabi nito. "Nasundo ka sana ng papa mo sa airport."
"Okay lang po, ma.", buong paglalambing na sabi niya sabay yakap dito.
May kaliitan ang mama niya kaya naman madali niya itong nayakap. Namana niya ang kanyang katangkaran mula sa kanyang papa.
"Sus, naglambing si ate!", nangingiting puna ni Yvette. "Pasok na tayo, dali!"
-----
A/N: Wala lang.
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomantikCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...