Naka-backpack lang naman si Avery ng pumunta siya sa Vegas kaya naman hindi na niya kinailangang maghintay sa baggage area. Putting on her RayBan ladies sunglasses, dumiretso na siya kaagad sa linya ng taxi.
Mataas rin ang pila kaya naman hindi niya namalayan ang isip na lumilipad na pala.
FLASHBACK
Napalunok si Avery dahil hindi niya maiwasang matuyuan ng laway sa bibig dulot ng closeness nila. Kung kanina kaya pa niyang ipagsawalang bahala kung gaano sila kalapit sa dance floor, this time is another matter dahil na rin sa napakalaki naman ng booth but their faces are just inches away from each other.
Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Naaamoy din niya ang mabangong hininga ng lalaki kahit na ba may halong amoy ng alcohol iyon.
Ang malagkit nilang tinginan ay agad na naputol ng pumasok ang waiter sa booth dala ang baso ng tubig na request ni Zyrelle at ilang cocktail drinks. Tumikhim pa si Zyrelle bago umayos ng upo.
Inilapag naman ng waiter ang dala sa lamesa. Bilib nga naman siya sa professionalism ng mga waiter sa club na iyon dahil mukhang hindi ito na-asiwa sa naabutan nito. Siya pa nga ang nahihiya sa nangyari.
Umalis din ito kaagad. Namayani ang katahimikan between them booth.
"CR lang ako.", si Zyrelle na din ang unang bumasag sa katahimikan nila.
Bago lumabas, nagbilin pa ito na huwag lalabas sa booth at baka mapano siya. Inutusan din siya nito na inumin ang tubig upang mahimasmasan siya ng konti. Tumango na lamang siya. Hindi siya makatingin ng diretso rito dahil awkward nga.
Pilit niyang pinapawi ang kabang nararamdaman niya. This is the first time she experienced something like this and she doesn't know how to handle it.
Napatingin siya sa cocktail drinks na nasa mesa. Yep, she needs to drink.
Hanggang doon na lamang ang naaalala niya. She can't remember what happened, kung kailan or papaano nakabalik si Zyrelle from the comfort room. She also don't remember how the fuck the ended up in bed together!
Napasinghap siya nga bahagyang kumilos ang lalaking nasa tabi niya sa kama. She dreaded the moment that he would open his eyes. She froze, not wanting to move, at baka magising nga ng tuluyan ang binata.
A moment passed and mukhang hindi pa magigising ang lalaki. She immediately stood up to collect her clothes, kahit pa nga ba masakit pa ang buong katawan niya.
She hurriedly dressed up and dashed outside the suite. Nang makalabas, she noticed that the hotel is the same Pallazo housing the TAO Nightclub they went to last night. So nag-check in ba lang pala sila rito? Rich kid talaga! Tsk!
Nakisuyo agad siya sa front desk na tumawag ng cab. She needs to get out of there fast, not only to run away from the man she was with all night but also so she can catch her flight. Mahal ang magpa-rebook ng ticket!
Bagama't mataas ang pila sa taxi stand, ilang minuto lang ang hinintay ni Avery bago siya nakasakay ng taxi papunta sa condo niya sa Makati. Just like always, ang traffic ng Manila!
Pagod na pagod niyang inihiga ang katawan sa malambot niyang kama pagkarating sa condo. She breathed a sigh of relief dahil alam niyang she's within her comfort zone. She doesn't want to think about what happened in Vegas anymore. Most importantly, she doesn't want to panic sa mga maaaring consequences ng kagagahan niya roon. Hindi na man siguro siya mabubuntis, right? The loss of virginity isn't that big of a deal anymore, right?
Mapakla siyang napangiti sa huling na-isip. Sour graping na kung sour graping. Alangan naman magpakamatay siya kasi di na siya birhen, di ba?
She just needs to pray to God na sana maiintindihan ng future husband niya why she isn't a virgin anymore. Hindi naman niya sinasadya, eh!
-----
A/N: Kahit 21st Century na at sinusulat ko siya, hindi ko po pino-promote ang PMS - for both gender. Hypocritical it may be but yeah, yun lang ang akin.
If this story is your cup of tea, continue reading. :)
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomanceCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...