Chapter 33

4.4K 101 1
                                    

Parang nakalutang lang sa alapaap si Avery. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi siya makapaniwala na mutual na ang feelings nila ni Zyrelle. Ika nga, 'I love you, you love me' na sila.

Unti-unti nang naghahanda si Avery sa pagbabalik niya sa opisina. Malapit na rin kasing matapos ang leave niya. Napag-usapan na rin nila ang set up sa pag-aalaga kay Avrielle.

Dahil kailangan nang bumalik ng Cebu ng mga magulang ni Avery, napagpasyahan nilang ihabilin sa parents ni Zyrelle ang bata. Dadaanan na lamang niya ang bata kapag papauwi na siya. Ayaw nilang kumuha ng yaya dahil ayaw ipagkatiwala ni Zyrelle ang bata sa hindi kakilala.

Binibiro din si Avery ng mga magulang nila na magpakasal na lang at maging full-time housewife. Si Zyrelle naman ay panay ang sabi na kung ano ang gusto ni Avery ay siyang masusunod.

Dumating na rin ang araw ng pagbabalik niya sa opisina. She wore her regular office clothes dahil bumalik na rin sa normal ang figure niya.

Sinundo siya ni Zyrelle sa bahay niya dahil ito ang maghahatid kay baby Avrielle sa mga magulang nito. Inuna muna nilang ihatid ang bata bago sila nagtungo sa office.

Alam niyang hindi na lihim ang kanilang relasyon ni Zyrelle dahil ang lalaki mismo ang nagpo-post ng mga pictures nila ni baby Avrielle sa Facebook at Instagram. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang makitang pinagtitinginan siya ng kapwa empleyado pagkapasok pa lang.

Unti-unti nang nasasanay si Avery sa routine nila - hatid si Avrielle sa mansion ng mga Fuentebella sa umaga, sundo sa gabi. Minsan, kapag napapakiusapan, doon na rin siya natutulog sa mansion. Mas madalas nga yatang mangyari iyon these days.

Sa wakas ay dumating na rin ang araw ng launching ng Kingdom Wars. There wasn't much fanfare pero nilibre niya ang kanyang team ng lunch for celebration. It will take a week before they can get a preliminary analysis on how well the game is doing in the market.

After a week, muli silang nag-celebrate dahil sa magandang reception ng gaming community sa kanilang produkto. Ms. Gonzales even called her to her office upang ikumpirma iyon. Sumegway din ang manager nila na mas lumaki ang tyansa niya sa promotion.

Sa totoo lang ay nawala sa isip niya ang promotion dahil naging masyado siyang busy these past few weeks matapos niyang manganak. Although nasisiyahan siya at ina-acknowledge ng management ang kakayahan niya at work, hindi niya maiwasan na maramdaman na parang hindi na iyon ang gusto niya.

Over the next few days, hindi na ganoon ka busy ang team niya. Back to normal na ang schedule niya at hindi na siya palaging overtime. Mas madalas na rin niyang nakakasama ang kambal niya.

Avery thought it was the same normal Monday morning ng makarating siya sa SSE building. The guard greeted her like usual. The lady receptionist smiled at her too.

Hindi naman medyo kaagahan ang pagpasok niya but it was one of the rare times na wala siyang kasamang sumakay sa elevator. Hindi na lang iyon pinansin ni Avery. Bagkus, mas komportable siyang walang kasama sa elevator.

Pinindot na niya ang button para sa floor niya. It didn't take a few seconds nang huminto at bumukas ang elevator sa next floor. Akala niya may sasakay lang.

Laking gulat niya nang mabungaran ang isang PC na nakaharang sa pintuan ng elevator. May kumpol din ng mga employees na naka-red polo ang nasa likod ng PC at may dalang mga balloons. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

"W-wha-?"

Hindi na naituloy ni Avery ang kanyang katanungan dahil may lumapit sa kanya na babae at nag-abot ng isang red rose.

"Miss Avery, para po maka-proceed kayo sa next floor, kailangan niyo pong makuha ang top score sa game na ito.", sabi pa nito sa kanya at iginiya siya sa PC.

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon