Chapter 24

3.6K 101 1
                                    

"In cases such as this, Rhea, and you firmly believe na tama ka, you just have to speak out confidently and with full authority. If ipapakita mo na hindi ka madaling susuko sa gusto mo, the other party will definitely back down.", habilin pa ni Avery kay Rhea.

Naghabilin na rin siya ng points and reminders kay Rhea dahil natitiyak niyang within the week na siya manganganak. She won't be there to help out anymore.

Nagpaalam na na aalis na si Avery pagkatapos. Nang masulyapan niya na going down ang elevator at papalapit na ito sa floor niya, nagmadali siyang lumakad.

Dahil buntis, mahirap maglakad pero kinaya niyang makaabot sa may elevator bago pa man ito makarating sa floor kung nasaan siya. She punched the button and heaved a sigh of relief dahil nakaabot siya.

Ilang segundo rin ang hinintay ni Avery bago nakarating ang elevator sa floor niya.

Hindi niya lang inaasahan na sa pagbubukas pala ng elevator door ay makikita niya ang taong pinaka-hindi niya inaasahang makita and after nine months pa talaga!

Parang nag-slow mo lahat para kay Avery - ang unti-unting pagbukas ng pinto at ang pag-angat ng mukha nito mula sa tinitingnang cellphone.

Nakita niyang bumadha ang gulat sa mukha nito. And was that happiness? Hindi niya sure dahil hindi na rin niya napagtuunan ng pansin. Paano ba naman, nakita niyang bumaba ang tingin ng lalaki sa maumbok niyang tiyan at umawang ang labi nito. Kinabahan siyang bigla.

Gaya ng lalaki, Avery was also shocked. Hindi siya prepared! Hindi naman kasi nagpa-abiso ang tadhana na ihaharap pala nito ang ama ng anak niya ngayong araw!

Ilang segundo din silang natulos sa kinatatayuan. Kung hindi lang nila narinig mag-ding ang elevator at unti-unting sumarado ang pinto, pareho pa silang hindi kikilos.

Ang lalaki ang unang nakabawi mula sa pagkabigla. Agad nitong pinindot ang open button sa elevator upang pigilan ang pagsara noon.

"Come in.", sabi nito habang nakatitig lamang sa kanya.

Sa pagkakatitig ng lalaki, agad nanumbalik kay Avery ang mga alaala niya in Vegas. Even more so, ang kakaibang pakiramdam niya kapag malalim siyang tinititigan ng lalaki.

Tumikhim siya upang tanggalin ang kung ano mang nakabara sa kanyang lalamunan at bahagyang ngumiti rito. Kahit na nanlalambot, nanlalamig, at kinakabahan siya, pinilit niya ang sarili na humakbang papasok sa elevator.

The door closed and an awkward silence enveloped them. Wala siyang balak magsalita dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Pero hindi na rin siguro niya kailangang mag-isip pa kung ano ang sasabihin dahil ito na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Kumusta?", tanong nito. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya, specifically sa tiyan niya.

"O-okay lang.", pilit niyang pinapakalma ang sarili. Lihim din siyang nagdadasal na sana ay hindi ito magtanong ng tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi pa siya handa, okay?!

"It's been, what, nine months?", makahulugang tanong nito sa kanya. "And you're pregnant."

Hindi siya agad makasagot. Pinili na lamang niyang ibahin ang usapan.

"Why are you here?", tanong niya rito.

Matiim pa rin siya nitong tinitignan. His hands were wrapped on his phone, one hand tapping on it. Hindi ito agad sumagot.

"I own the place.", saad nito.

"Ahh. I se- wait, what?!", tumatango-tango si Avery ngunit kapagkuwan ay nabigla sa sinabi nito. Hindi kasi nag-sink in agad sa kanya ang huling tinuran ng lalaki.

"I said, I own this building.", pagka-klaro nito sa sinabi sabay bulsa sa cellphone. This time, nakapamulsa na ito at diretsong nakatingin sa elevator door.

Nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang kanyang labi. Hindi makapaniwalang tumingin siya rito na para bang nakakita siya ng multo.

This guy owns the building? Eh ang owner ng building na ito ang may-ari ng SSE! SSE happens to be the company that she is working at! Anak ng tipaklong, boss niya si Zyrelle?! He's THE bachelor billionnaire Zyrelle Fuentebella, CEO of Storm Shuffle Entertainment?!

------

A/N: Asan ba ang mas awkward, ang makita uli ang ka one night stand mo na tinakasan mo at nabuntis ka pa talaga o ang malaman mo na ang ka one night stand mo ay boss mo? Hahahaha.

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon