Chapter 29

3.9K 94 0
                                    

Pagkaalis ng mga kaibigan, kinuha ni Avery ang kanyang phone at tiningnan muli ang post ni Zyrelle.

'Ano ba ang pumasok sa isip ng lalaking yun?!', pumapalatak na sabi ni Avery.

Madali lang nakita ni Avery ang post nito dahil hindi naman iyon private account. Mukha kasing ginagamit din ng binata ang account nito for marketing purposes and exposure for SSE and Storm Knights.

Pagkakita niya sa post, napansin niya na naging triple na ang likes, comments, at shares niyon.

You're married?!

Boss, introduce your wife to us!

May anak ka na?!

Anak, is that my apo right there? Ang blurred ng picture! Take another one!

Who's the lucky one?

Iba't iba pang mensahe na katulad ng mga iyon ang nabasa ni Avery. May mga kamag-anak na nag-comment while yung iba naman ay mga fans na naka-follow sa account.

O diba, bongga! May fans ang boss ng SSE. Well, mostly sa kanila ay yung mga hardcore fans ng esport. They follow him dahil siya ang 'cult' leader daw ng esport sa bansa. Grabe lang.

Ibababa na sana niya ang phone ng makatanggap siya ng friend request from none other than Zyrelle Fuentebella himself!

Nagdadalawang isip si Avery kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. Diyahe kasi ama ito ng anak niya. On the other hand, boss niya ito. Sa huli, napagpasyahan niya na tanggapin ang friend request na iyon.

Kakatanggap pa lang niya sa request ay agad na may chat message na nag-pop out.

Zyrelle: Bakit gising ka pa? 11pm na. Go rest.

Napakagat-labi si Avery. Okay, aaminin niya, kinilig siya sa ipinapakitang concern ng binata. Kahit na ba hindi pa niya nasasabi na may anak na sila, nararamdaman niyang concerned talaga ito sa kanya.

Avery: Matutulog na po.

Zyrelle: Good. Sleep well, my queen.

Nagtakip ng unan sa mukha si Avery at doon tumili. Posible kayang may gusto sa kanya ang binata? Eh siya, gusto niya ba naman ito? Good Lord!

Kinabukasan, maaga pa lang ay naroon na sa kwarto niya si Zyrelle. Hindi tuloy maiwasan ng papa ni Avery na magpukol ng matalim na tingin sa lalaki. Ang mama naman ay malapad ang ngiti lalo na at napaka-thoughtful ng binata dahil may dala itong prutas at breakfast.

"Kailan raw kayo pwede i-discharge?", tanong nito sa kanya habang naka-upo sa gilid ng kama. Karga-karga din nito ang kanyang anak.

"Bukas ng hapon.", sagot niya. "Pwede na rin namin i-uwi si baby Avrielle pagkatapos naming bayaran ang bill bukas."

"Don't worry about the bill. Bayad na yun.", saad nito habang marahang dinuduyan ang baby.

"Huh?", napamaang si Avery. Out of the corner of her eyes, nakita din niya ang kanyang mama at papa na lumingon sa kanila. Nanonood lang ng TV noon ang kanyang mama at ang papa naman niya ay nagbabasa ng diyaryo.

"SSE. Maternity benefits.", tipid nitong sagot. Tumango na lamang siya sa sagot nito.

"I'll pick you up bukas paglabas niyo sa ospital.", huling saad ni Zyrelle bago ibinalik si Avrielle sa cradle na katabi lamang ng higaan ni Avery. "It's more convenient that way dahil may sasakyan ako. Huwag kayong aalis pag wala pa ako."

"You don't have to-", tatanggi pa sana si Avery pero pinutol na iyon ni Zyrelle.

"You should let me do at least this much, Av.", seryosong saad nito sa kanya. "I have to go to work now."

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Hinalikan lang naman siya nito kahit na nadiyan yung parents niya! Sa forehead nga lang.

"Mauuna na po ako ma'am, sir.", baling nito sa mga magulang ni Avery. "I'll come back later po."

"Sige, iho.", ang mama niya ang sumagot habang tumango lang ang kanyang papa. "Mag-ingat ka sa daan."

Pagkaalis ni Zyrelle, agad na lumapit ang kanyang mama at papa sa kanya. Alam na niya ang susunod na gagawin ng mga ito. Hot seat moment na talaga ang kasunod!

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon