Chapter 19

3.5K 82 0
                                    

It was one week after siyang na-abisuhan ni Miss Gonzales ng official na ina-announce sa company ang mga team leads na up for promotion. Excited ang lahat dahil promotion means higher position and salary. More opportunities din.

As for Avery, napataas na lang ang kilay niya ng mabasa kung sinu-sino pa ang makakalaban niya sa promotion.

There's Nadia and she's one to watch out for dahil magaling naman talaga itong team lead. If she's really keen on the promotion, malamang siya talaga ang mapipili for the position.

On the other hand, naroon din si Abbie. Ito yung plastik na team lead na nasa CR kamakailan lang na nagbitiw ng mga hindi kanais-nais na salita. And she's sure as hell na hinding-hindi siya matatalo ng babaeng ito.

Napa-angat siya ng tingin ng makaramdam siyang may nakatitig sa kanya. Hindi nga siya nagkamali ng magtama ang mga mata nila ng babaeng kina-aalibadbaran niya ngayon. Mapangmata ang tingin nito sa kanya na para bang sinasabing hindi siya deserving sa promotion. Bumaba ring ang tingin nito sa bandang tiyan niya. Uminit ang ulo ni Avery when the bitch snickered!

If she's in her usual state, hinding-hindi niya papatulan ang provocations nito. But buntis siya. It may be pregnancy hormones but todo ang pagka-inis niya sa ginawang iyon ni Abbie.

Without withdrawing her gaze, tinaasan niya ng kilay si Abbie. She also looked at her from head to toe, making sure to fully express her disgust. She also snickered. Kala ng babaeng to siya lang ang marunong mang-uyam ng ibang tao.

Ibinalik niya ang tingin sa natanggap na memo. Minabuti na lamang niyang tingnan kung sino sa mga team mates niya ang up for promotion rin. Ang first page pa lang ang napasadahan niya ng makarinig siya ng tikhim sa kanyang harapan.

Tumaas muli ang kilay niya ng makita na si Abbie rin lang ang nasa harapan niya kasama ang dalawang alipores nito. Aba't malakas ang loob na lumapit pa talaga ito sa kanya! Naghahanap ng away?

"So...", panimula ni Abbie sa sasabihin. "You are also gunning for the promotion."

Out of the corner of her eye, nakita niya na napalingon ang mga ka-team mates niya sa kanyang table. They are probably wondering why this plastic of a girl is coming over to initiate a conversation. Alam ng mga katrabaho niya sa opisina kung gaano na lang kung manlait si Abbie sa kanya while nakatalikod siya. Basically, they aren't in good terms.

"Yes, I am.", nakangiting turan niya. She needs to be civil and professional. Anyway, as long as hindi siya pino-provoke, hindi naman siya gaganti.

"Well, me too.", Abbie replied with that oh-so-plastic smile. "We are doing quite well sa kaka-launch namin na mobile mmorpg game app. It's raking in good reviews and profits. I even received a kudos email yesterday. I think I may have a higher chance of getting the promotion so please no hard feelings sana tayo pag nai-labas na ang final decision."

'Wow, kung makabuhat ng sariling bangko tong babaeng to, wagas!', napapalatak na sabi ni Avery sa sarili.

She gave Abbie her sweetest smile.

"Nadia's also in the running, you know.", Avery said. "And from what I've heard, she received not just a kudos email but a congratulatory phone call as well. Her latest project is still raking in good reviews and profits kahit ba half a year ago na ang nakakalipas mula ng i-launch yun."

Napalis ang ngiti mula sa labi ni Abbie gayun din ang sa kanyang mga alipores. She heard her team mates giggle as well.

"In my case, for launching pa ang project ko but the expectations for it is quite high. My team is quite confident na we can meet the higher up's expectations and more. Malay mo, magka-award pa kami after the launching, di ba guys?", patuloy pa niya sabay baling sa mg kasamahan. Tumango naman ito sa kanyang mga sinabi.

"I guess alam na natin kung sino ang may highest and lowest chance for the promotion?", ibinaling niya ang pansin pabalik sa babae habang nakangiti ng pagkatamis-tamis. "So Abbie, no hard feelings kung sino ang makakakuha sa promotion, okay?"

Nakita niyang namumutla ang nakakuyom na kamay ni Abbie. Mukhang galit talaga ito. Although she got scared na baka biglang ma-mental tong babaeng ito at mapano pa ang baby niya, she maintained her victorious expression. Walang choice sa Abbie kung hindi ang padabog na umalis at bumalik sa sarili nitong work space.

-----

A/N: Kudos means 'good job' yata.

Kudos to me is a vote from you. :D

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon