Chapter 23

3.5K 82 0
                                    

"What?", hindi makapaniwalang saad ni Avery. She's currently on the phone talking to Rhea.

Kabuwanan na niya and she knows na any time ay manganganak na siya. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay makakaligtas na siya mula sa mga problema sa project niya.

Gaya na lang ngayon. Nakatanggap ng tawag si Avery mula kay Rhea ng hapon na iyon. Napapaiyak na ikinwento ni Rhea kung gaano ka-sungit, ka-perfectionist, at ka-mainitin ang ulo ni Mr. Santillan.

Almost isang buwan na ang nakalilipas since they received the initial draft. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang final draft dahil na rin hindi magkasundo ang both sides. Wala sa oras na napahingi ng tulong si Rhea dahil nga, according to her, mahirap ispilengin nang genius advertising professional na iyon.

"Sige, sige. Sasaglit ako diyan ngayon bago ang check up ko sa OB. I'll see what I can do.", pagpapakalma niya kay Rhea. Humihikbi na ito at halatang stressed out.

Naiintinidihan naman niya kung bakit ganoon ito. It is her first time handling a big project, albeit only temporarily. Agad siyang gumayak upang pumunta ng opisina.

"O, anak, maaga ka yatang nagbihis?", sabi ng kanyang ina na nanonood ng TV sa sala. "Mamaya pang 4 ang check up mo ah? May lakad ka?"

"Opo, ma.", sagot ni Avery. "Sasaglit lang ako sa opisina. Nagka-problema daw po eh."

"Ha? Diba on leave ka? Bakit ka magta-trabaho?"

"Hayaan niyo na ma.", pangungumbinsi niya aa ina. "Hindi naman ako magtatagal doon. May kakausapin lang akong tao."

"Aba, Diyos ko, pasaway kang bata ka!", inis na sambot ng mama niya. "Manganganak ka na anytime, trabaho pa rin ang inuuna mo?! Maghintay ka, sasamahan na kita."

"Huwag na po ma.", pigil niya rito ng akmang tatayo ito mula sa sofa. "Matatagalan pa ako kung sasama kayo. At saka, kaya ko na po ang papuntang SSE. Kita na lang po tayo in an hour or two sa OB ko."

Hindi na niya pinansin ang tawag ng kanyang ina dahil umalis na siya agad matapos makapagpaalam. Naging sobrang overprotective ng mama at papa niya habang siya ay nagbubuntis. Todo asikaso talaga ang mga ito sa kanya. Minsan tuloy, nararamdaman niya na gusto niyang mapag-isa kahit saglit. Nami-miss niya kasi yung independent days niya.

Dumiretso na siya agad sa SSE. Pagkarating na pagkarating niya sa conference room, agad niyang nakita na nakabusangot ang mga tao roon.

"Good afternoon, ladies and gents.", bati niya sa mga taong nasa loob. "I came here to help. What seems to be the problem at parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mga expressions niyo?"

Unang nagpaliwanag si Rhea sa mga pangyayari. Nakaismid lamang si Mr. Santillan. Whenever there are questions or explanations na gusto nilang marinig, ang kasama nitong intern ang laging sumasagot. Ayaw yatang magsalita nitong hudyo at hinahayaan lang ang kanyang kasama ang mag-ayos sa gulo.

"I see.", tumatango-tangong sabi ni Avery bago bumuntong-hininga.

Hindi naman kasi ganoon kalaki ang problema ng mga ito. Tatlong drafts ang ibinigay ng side nila Mr. Santillan upang pagpilian. May mga elements sa tatlong drafts ang nagustuhan ng side nila at gustong i-incorporate into one design. Hindi pumayag ang kampo ng lalaki dahil hindi na raw iyon magiging work ng lalaki, etc.

Sa tingin ni Avery, madali lang naman masolusyunan ang problema. Agree naman siya sa punto ni Rhea. Kulang lang talaga ng authoritative aura ang babae kaya napahaba ang diskusyon.

"Mr. Santillan, honestly speaking, we appreciate the three drafts you've provided.", panimula niya. "They are amazing but they are not what we are looking for."

Tumingin sa kanya ng mataman ang lalaki. She met his gaze with confidence. Kahit na ba advertising genius ito, kung hindi nito maibigay ang gusto nila, then it's worthless.

"These drafts are perfect.", giit nito. "They strongly give off the warring vibe that matches the game you plan to launch."

"Yes, you are right.", tumango pa si Avery. "However, draft A is too gory for our target audience. Draft B lacks the vibrancy that can catch the attention of female players. Draft C is too lackluster. We reject the three of them."

"Ms. Montejo, I don't appreciate it when the client tells me to do this or that with the design.", naka-tiim bagang sambit ng lalaki. "If you already have a design in mind, then you should have hired a graphic designer and not an advertising professional."

"I am not telling you specific changes to your design. I am just informing you of what we saw wrong with your drafts. You can make a new one if you want while keeping our opinions in mind. Isn't that why we have initial draft meetings and final draft meetings?"

Tumingin muli ito sa kanya bago bumuntong-hininga.

"Fine.", pagsuko nito. Mukhang nakuha na rin nito ang mensahe niya na hindi siya patatalo sa diskusyon at kailangan talaga niyang ibahin ang design. "Give me three days."

-----

A/N: Malapit na maubos ang stockpile ko for this story.

Like this story? Share! Este, vote pala!

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon