Chapter 4

4.1K 87 0
                                    

"That's not my point but, yeah, you are handsome.", sagot niya habang nagroll eyes. Hindi niya ugaling mag-sinungaling o mag-deny kaya kahit na na-iilang ay sinabi niya pa rin ang honest opinion niya.

Mas lumapad pa ang ngiti ng binata sa sinabi niya. He playfully scratched the corner of his lips with his thumb. Napahigit naman sa hininga si Avery sa ginawang iyon ng binata. Heck, how could she find that simple gesture to be sexy?!

"Thanks.", sabi uli ni Zyrelle. "To answer your question earlier though, I'm mix. Quarter Spanish ako."

"I see."

"Which part of the Philippines do you live in?"

"Metro Manila."

"Oh, same here."

"Let me guess..", she pretended to think for a while. "..Forbes Park?"

He laughed for a while but didn't deny what she said.  Her guess was a no-brainer, actually. Lahat yata ng mayayamang tao sa Pilipinas nasa Forbes Park nakatira.

"Rich kid!", bulalas niya.

Mukhang hindi na nito gustong i-elaborate pa ang topic na iyon kaya iniba nito ang usapan.

"What do you do for a living?"

Nag-roll eyes uli si Avery. Naalala na naman niya ang naiwan niyang trabaho. Isa siyang programmer sa isa sa prestihiyosong game company sa Pilipinas. In fact, naka-discount nga siya both sa flight, hotel, at event ticket dito sa Las Vegas dahil na rin sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya.

The game company she's working for is Storm Shuffle Entertainment. Marami nang hit mobile and desktop games ang nai-produce ng company. Sa katunayan nga niyan, isa si Avery sa malaki ang kontribusyon sa mga hit games na iyon. Hindi nga lang halata.

Working at SSE made it easier for her to follow through sa pangako niya sa kanyang kuya na palaging manonood sa esports world championship. After all, SSE is the company behind the Philippine esports team na Storm Knights. Laging nakakatuntong sa championships ang Storm Knights kaya naman may discount ang mga empleyadong gustong sumuporta sa team.

"Let's not talk about work-related stuff.", sabi pa ni Avery. "I get stressed out kapag naiisip ko ang tambak na trabahong naiwan ko. Bukas na yung flight ko pauwi, gusto ko pang i-enjoy itong bakasyon ko."

Magsasalita pa sana siya ngunit may naalala naman siya.

"You can understand Tagalog, right?", tanong pa niya.

"Of course! Pinoy nga kasi ako.", tila pa nagtatampong sabi nito. "Bakit ayaw mo bang maniwala?"

"Hahaha. Sorry.", hinging-paumanhin niya. "I thought you're from here. I mean, may kotse ka rito. I bet may bahay ka rin dito sa Vegas. You already got a reservation here sa Nobu, when, as far as I know, kailangan mo magpa-reserve months ahead before you can dine here. But rich kid ka naman kaya siguro may Las Vegas version ka rin ng buhay mo."

"Well, I do come here in the States pretty frequently dahil na rin sa job ko.", napapa-iling na sagot ni Zyrelle habang na-amuse sa tinuran niya. "Mas convenient kung may property ako here, especially since we come here in large groups most of the time."

Natigil ang usapan nila kasi dumating na ang inorder nilang pagkain. Namangha muli si Avery pagkakita sa mga dishes. Talagang napakaganda ng plating sa bawat putahe. Tila tuloy nanghihinayang siyang kainin ang mga iyon.

Tila naman nababasa ni Zyrelle ang laman ng isip niya kaya nagsalita ito.

"It's beautiful, I know.", pakunwa'y sabi pa nito. "But we have to eat the dishes to know whether the taste is worth the bucks."

Napatawa siya. Konting panghihinayang lang naman ang naramdaman niya but she will definitely eat the food. Mukha din naman kasing masarap ang mga iyon. She's also not the type of person to waste food. In fact, matakaw pa nga siyang kumain.

"So..", untag ni Zyrelle sa kanya. "..let's dig in?"

-----

A/N: Gusto ko sanang i-describe yung food pero kulang pa yung vocabulary ko in that department. Next time!

If you like the story, alam niyo na. :)

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon