Special Chapter 1

3.6K 67 0
                                    

Eto ang nangyari kay Zyrelle kinaumagahan matapos may mangyari sa kanila ni Avery...

Napabalikwas ng bangon si Zyrelle ng maramdaman niyang wala siyang katabi sa kama. Avery was supposed to be sleeping on his bed, right by his side.

Agad siyang tumayo. Nahagip ng mga mata niya ang kulay pula na marka sa bedsheet. Naalala niya ang nangyari kagabi at doon siya napangiti.

Naka-boxers lamang siya kaya naman hinagilap niya muna ang kanyang pantalon. Matapos masuot iyon ay tinungo niya ang banyo. Baka kasi nag-shower lang ang dalaga.

"Damn!"

Ganoon na lang ang kanyang pagka-dismaya ng makitang wala roon ang hinahanap. Agad niyang nilibot ang suite to check pero wala talaga.

Sunod niyang tinawagan ang front desk. Tinanong niya kung naka-alis na ba si Avery. He even has to describe the girl a bit bago ito matandaan ng kausap. Nanlumo siya ng marinig mula sa kausap na umalis na nga ang babae lulan ng isang taxi.

Napaupo siya sa gilid ng kama at frustrated na hinilamos ang mukha gamit ang dalawang palad. Hindi niya alam kung saan hahagilapin ang babae dahil hindi naman niya natanong kagabi kung saang hotel ito naka-check in. He doesn't know her contact number, email address, or even her home address because, atupid as it may sound, hindi niya natanong!

He was too caught up with the fact na kasama na niya ang babaeng pinapangarap niya for five years that everything else flew out the window.

Five years. It might sound cheesy but he fell in love with Avery at first sight five years ago. It was also here in Vegas and at an esport championship tournament too.

Akala niya noong una ay nai-intriga lamang siya rito dahil umiiyak ito while watching the game. By the next year, nakita niya uli ito. Hindi na ito umiiyak but naroon pa rin ang bakas ng lungkot sa mukha. Simula noon ay lagi na itong sumasagi sa kanyang isipan. On the third year, nakumpirma niya sa sarili na in love siya rito.

Sa lumipas na mga taon, pinagkasya niya lamang ang sarili na tanawin sa malayo ang babae. Grabeng kantiyaw na nga ang inaabot niya kay Samuel, ang bestfriend niya at isa sa mga mahuhusay na LoL players sa Storm Knights, dahil isang beses sa isang taon lang daw niya nakikita ang babaeng kinahuhumalingan niya.

Wala siyang magawa in the past dahil sa totoo lang ay natotorpe na siya isipin pa lang niyang kausapin ito. Ngayong taon nga, nagkalakas siya ng loob na i-approach ang dalaga dahil hindi na siya makontento na makita ito isang beses sa isang taon lang.

Truth be told, half a year din siyang nagplano kung papaano malalapitan ang dalaga. May Plan A siya, Plan B, hanggang sa Plan Z ata. On the day of the event, habang nasa upuan siya at mataman lamang na nakatitig sa babae na nakaupo sa di kalayuan, paulit-ulit na niyang ni-replay sa isip kung ano ang gagawin.

He succeeded but sleeping with her that same night was outside his calculations. Siguro na-turn off na iyon sa kanya kaya umalis agad.

Bago pa man siya magalit sa sarili ng tuluyan, naalala niya bigla ang conversation nila na ngayong araw na ito ang flight ng dalaga pabalik ng Pilipinas.

Agad niyang kinuha ang phone niya at tumawag kay Samuel. Nauna itong umuwi sa Pilipinas pagkatapos na pagkatapos ng laro kahapon dahil may aasikasuhin daw ito.

"What's up?", agad na bati nito sa kanya.

"I need you to do something for me."

"What is it?"

"Check out every flight from Las Vegas to Manila today. Look for a female passenger named Avery."

"Avery...", Samuel's voice trailed off na para bang hinihintay siyang sundan ang sinabi niya.

'God, I forgot to ask her last name too!', kastigo ni Zyrelle sa sarili.

"I.. I just knew her name's Avery.", may pag-aalinlangan na sabi ni Zyrelle.

Natahimik ang lalaki na nasa kabilang linya. Mayamaya pa'y bumunghalit ito ng tawa.

"Is this your mystery girl?", tanong ni Samuel in between laughs. "Bakit hindi mo naman tinanong ang buong pangalan? Kahit kailan ka talaga bro, napaka-slow mo!"

"Oo na! Oo na! It was stupid of me not to ask for her full name, okay?!", may halong iritasyon na singhal ni Zyrelle. "Can you please just help me out?"

"If the girl didn't lie about her name, then give me three to four hours.", sagot ni Samuel na sumeryoso na.

"Thanks.", sabi niya. "I owe you one."

Kinakabahan si Zyrelle habang hinihintay ang resulta mula kay Samuel. He drove back to his Vegas house and prepared his bags so he can leave for the Philippines asap.

Matapos ang apat na oras, natanggap na rin niya ang tawag mula kay Samuel.

"Bro.", panimula ni Samuel. "It's a negative. All flights and airlines na-check na namin. I even asked for help from a friend sa US Immigration. Still, walang Avery on the record."

Nanghihinang dumaosdos sa sahig si Zyrelle. He can't help but feel bitter about it. Nasa kamay na niya eh, nawala pa.

Sinabunutan niya ang kanyang buhok dala ng matinding frustration. He let her slip through his fingers now. But that doesn't mean he'll stop looking for her.

The next time he finds her, hindi na siya magpapaligoy-ligoy pa. He will never lose her again like this.

Never.

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon