Chapter 3: Kidnapping Case

280 6 0
                                    

"Hayyyy, sa wakas makakapag pahinga na din tayo pagkatapos ng P.E. natin." Ang sabi ni Akane na halatang pagod na pagod na pagod na.

Naglalakad na ang Atama family sa kani-kanilang dorms ng tawagin silang anim ni Sir Hayate.

"Atama family, lumapit muna kayo dito dahil may sasabihin ako sa inyo."

Agad namang lumapit ang Atama kay Sir Hayate.

"Pagkatapos ninyo na mag shower para mapreskuhan at mag bihis, ay pumunta kayo sa agency. Mayroon kayong case na iso-solve."

"What Sir? Agad-agad?" Pag rereklamo ni Akemi na halatang pagod na pagod na din.

"Oo Akemi, agad-agad." Ang sabi ni Sir Hayate at umalis papuntang agency.

"Grabe di ba nila tayo pagpa-pahingahin? Pagod na ako." Ang reklamo ni Ken.

"Wag na kayong mag reklamo jan. We are all exhausted. Pero tingin ko ay may kakaiba sa case na ito kaya sa atin ibinibigay." Ang sabi ni Hiro.

"Pano mo namang nasabing may kakaiba dun sa case na ibinibigay sa atin?" Ang tanong ni Reiji.

"Ewan ko ba. Pero malakas ang kutob ko na mayroong kakaiba."

"Akane nee-chan, Akemi nee-chan, tara na sa dorm. Nanlilimahid na ako sa dumi. Gusto ko ng maligo." Sabi ni Riye na gustong-gusto ng maligo.

"Tama. Ako din, gusto ko na din maligo." Dugtong ni Ken.

"So paano guys, kita-kita nalang mamaya sa agency." Sabi ni Akane habang naglalakad sila pauwi sa kani-kanilang mga dorms.

-/-/-/-

"Ano bang klaseng case yan Sir Hayate at kailangan kami pa ang gumawa." Ang sabi ni Akane.

"It's a kidnapping case Akane."

"Oh, eh kidnapping case lang pala Sir eh. Bakit hindi pa ang ibang families ang gumawa nan?" Sabi ni Ken na medyo naiinis.

"This is not an ordinary kidnapping case Atama."

"Sabi ko na nga ba at mayroong kakaiba sa case na ito." Ang sabi ni Hiro in low voice na halos pabulong na.

"Paanong hindi ordinaryo Sir?" Tanong ni Akemi.

Iniabot ni Sir Hayate ang papers na naglalaman ng na iimbestigahan nila.

"Ano ang napansin ninyo na kakaiba sa kidnapping case na yan?" Tanong ni Sir Hayate.

"Uhm, napansin ko po na lahat ng kinidnap ay teens at most of them ay students." Ang sagot ni Riye.

"At ang lahat ng kidnapping ay nagaganap di kalayuan sa mga computer shops." Dugtong ni Reiji.

"At ang isa pa ay hindi masydong magkakalayo ang mga computer shops na ito. Kaya malamang, isang grupo lang ang may kagagawan nito." Ang dugtong din ni Akemi.

"Kaya nga kayong Atama family ang napiling i-assign para sa case na iyan." Sabi ni Sir Hayate.

"At alam ko din na pagod na kayo dahil sa P.E. class ninyo at sa halos sunud-sunod na cases na inyong isino-solve." Dugtong ni Sir Hayate.

"I hope na mapagtagumpayan ninyo ang pag-solve ng case na iyan. And I'm wishing all of you good luck and mag-iingat kayo palagi dahil sigurado ako na hindi sila mga ordinaryo lamang and also teens pa din kayo kaya lalo kayong mag doble ingat sa pagso-sove ninyo ng case na iyan. Good luck again nd God bless to Atama family." Ang pagbi-bilin ni Sir Hayate sa amin.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now