Chapter 46: Farewell to you my friends

49 2 0
                                    

Naandito na kami ngayon sa Tantei High. Namiss ko ang amoy nito. Ang daming alaala ang nagbalik sa akin ng makita kong muli ang Tantei High. Nakita ko din ang ilan sa mga estudyante dito na nakakasalubong namin at pinagtitinginan kami. Sino nga ba namag hindi pagtitinginan kung may kasama kang isang tao na nakatali ng mahigpit, napakosas ang mga kamay at paa, at may piring sa mata, at may tali sa bibig. Talagang agaw pansin ang pagdating namin dito.

Maya-maya pa ay nakita ko na sila Fumetsu at Fushishen kasama ang mga kaibigan namin. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanila upang yakapin sila ng mahigpit at hilingin sa mga kasama ko na kung pu-pwede ay makasama ko silang muli kahit isang buong araw lang. Nang makalapit na kami sa kanila ay agad nila akong sinalubong ng kanilang mga yakap at halik. At hindi ko namalayan na natulo na pala ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

"Ano ka ba naman Akuma, bakit parang nagiging iyakin ka na yata ngayon ha?" Pagbibiro ni Fumetsu.

"Oo nga Akuma, bakit ang drama mo na lagi ngayon? Umamin ka nga sa amin, lagi ka bang nanood ng nga K-Drama doon sa Death Lotus?" Pang-aasar naman sa akin ni Fushishen.

"Baliw! Hindi ba pwedeng nami-miss ko lang kayong lahat?" Sabi ko at bahagyang napatawa kahit patuloy na naluha.

Nagtawanan lang sila at maging ako ay napapatawa. Mami-miss ko ang mga panahong ito. Atleast kahit alam kong malapit na akong mamatay, may mga masasayang alaala akong dadalahin sa kabilang buhay.

"Ikaw Akuma ha," sabi ni Penelope habang sinusundot ang tagiliran ko para kilitiin ako.

"Ano na naman yun Penelope, ano na naman ako?"

"Wag mo nga akong tawaging Penelope. Nel lang! Nel!"

"Oo na N-E-L. Ano ba yung gusto mong sabihin sakin?"

"Ikaw ha, gumagawa ka ng isang matindi at mapanganib na misyon ha?" Sabi ulit nito at sinusundot na naman ang tagiliran ko.

"Oo nga Akuma, nakakasama ka ng loob." - Fumetsu

"Bakit naman?" - Akuma

"Kasi gumagawa ka na ng isang biglaang delikado, mapanganib, masayang misyon ng hindi kami kasama ni Fushishen." Sabi nito habang kumikilos na kunwari ay may hawak siyang baril at naghahanap ng target.

"Oo nga Akuma, ganyan ka na." - Fushishen

"Kung pwede ko nga lang sana kayong isama eh, kaso hindi pwede. Baka daw kasi masira lang ang misyon namin." Sabi ko sabay tingin sa mga kasama kong maghahatid sa amin sa huling hantungan namin ni Hiela at sabay tawa.

Nag-pout lang ang dalawa at tumalikod sa amin. Pagkatapos umarteng parang mga bata na hindi napagbigyan sa gusto nila. Nagtawanan lang kami dahil sa ikinikilos ng dalawa, kahit ang nga kasama namin ni Hiela ay napapatawa din sa kanilang dalawa.

Kanina ko pa napapansing sobrang seryoso ni Hiro. Oo lagi naman siyang seryoso pero hindi lagi ganito ka seryoso. Nagpaalam ako sandali sa mga kasama namin at sinabing kakausaoin ko lang si Hiro. Inakbayan ko si Hiro at hinatak palayo sa kanila.

"Akemi oh, inaagaw ni Akuma si Hiro mo." Sabi ni Fumetsu habang nakaturo sa amin ni Hiro.

Pagkatapos ay binatukan siya ni Akemi at nagtawanan sila. Nang makalayo na kami sa kanila ay sinigurado kong walang ibang makakadinig sa aming dalawa. Nang masigurado ko ng ligatas ang paligid ay nagsalita na ako,

"Wala ka bang binabanggit sa kanila?"

"Wala akong binabanggit na kahit ano. Pinapanatili kong sikreto ang lahat ng mangyayari sa inyo."

"Mabuti naman kung ganoon. Si Sir Hideo nga pala, alam na ba niya ang tungkol dito?"

"Oo. Ang totoo niyan ay siya pa ng ang nagbanggit sa akin ng mangyayari sa iyo. At aaminin kong nabigla ako dahil sa mga narinig at nalaman ko sa kanya tungkol sa iyo."

"Pasensya kana Hiro, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Hindi ko kasi magawang walang gawain para iligtas ang mga erityian. Kaya ginawa ko ang mga iyon."

"Pagkatapos ay nagkunwari ka pang isa sa mga miyembro ng Jikko Clan para makapasok sa loob ng Island of Shima."

"Oo. Na-curious kasi ako noon kung ano ba ang mayroon doon. Sinasabi kasi ng ilan sa mga pinatay ko noon na dalahin ko nalang daw sila sa Island of Shima. At kapag nababanggit ang Island of Shima, napapansin ko ang matinding takot sa mga erityian na nakakaalam ng tungkol sa islang iyon."

"At dahil din doon, panigurado ng hindi ka nila bubuhayin pa at papahirapan ka nila ng husto doon."

"Alam ko na iyon. Kaya nga sinabi ko na sa iyo diba, matagal na akong naging handa para doon."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagkayapan kami ni Hiro, hindi dahil sa mga bading kami o kung ano pa man, kundi dahil sa mami-miss namin ang pagiging mag-kaibigan namin at ayaw niya kasing may makakita sa soft side niya. Pagkatapos ng yakapan namin bilang magkaibigan ang nagpasya na kaming bumalik sa kung nasaan na ang mga kasama naming dalawa.

Nangmakarating na kaming dalawa ay inasar na naman kami nila Fumetsu at Fushishen, hindi na talaga magababago ang dawang ito. At mami-miss ko ang mga asaran naming ganito.

"Saan kayo nanggaling Hiro?" Ngayon ay Akane naman ang mang-aasar.

"Dyan lang sa tabi-tabi. Nag-bonding lang kami ni papa Hiro at nag moment para sa isa't-isa." Sabi ko at kunwari ay hahalikan ko si Hiro.

Bigla nalang tumayo si Akemi at umalis. Bigla naman akong itinulak ni Hiro at hinabol si Akemi habang tinatawag ito. Inaasar namab nila ako at sinasabing lagot daw ako kasi nagselos daw si Akemi sa akin. Mami-miss ko talaga ang mga bagay na ito. Kung pwede lang ay hindi na matapos pa ang araw na ito para makasama ko pa sila, ngunit hindi pwede.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now