Chapter 34: The Death Match

84 5 0
                                    

"Dahil sa alam mo na kung sino kami, ano kami, ano mga ginagawa namin, gusto mo na bang sumali o sumama sa amin?" - Boss

"Gusto ko munang pag-isipan. Bigyan ninyo ako ng isang buwan para pag-isipan iyan mabuti. At kapag tapos na ko mag-isip, pupuntahan ko kayo at sasabihin ang desisyon ko." - Akuma

Tumayo ako para lumabas ng kwarto pero hinarangan nila ang daanan ko.

"Saan ka pupunta Akuma? Hindi pa tayo tapos mag-usap." - Boss

"Tapos na tayo mag-usap. Sinabi ko na kapag nakapag desisyon na ako, babalik ako dito." - Akuma

"Pero pumayag na ba ako sa gusto mong mangyari?" - Boss

"At isa pa, hindi kita hahayaang umalis sa bakuran namin. Bihag ka pa din namin. Kung sasama ka, maganda iyon. Pero kung hindi ka sasama sa amin, (sighs) mapipilitan akong gamitin ka ng sapilitan." - Boss

"Gagamitin mo ako ng sapilitan? Nahibibang kana ba? O talagang hibang kana? Ano, gagamitin mo sa akin sila Fumetsu at Fushishen o ang ibang erityian para gawain ko ang gusto mo? Walang kahit anong kapangyarihan ang kayang pumilit sa isang tao ng sapilitan. Tandaan mo yan." - Akuma

Tumalikod ako para subukan ulit na lumabas sa pintuan pero hinaharangan pa din nila ako.

"Sinasabi ko sayo, kung hindi ka aalis dyan, mapipilitan akong patayin ka." - Akuma

"At sinasabi ko din sayo Akuma, na kayang-kaya kitang gamitin ng sapilitan. Gusto mo man o labag sa kalooban mo." - Boss

"Talaga lang ha? Oo aaminin ko na sobrang lakas mo at hindi kita mapantayan. Pero tandaan mo, walang kapangyarihan ang kayang kumontrol ng sapilitan sa isang tao. Humdrums man o erityians o kahit pa tayong mga hybrid erityians, wala. At patunayan mo muna para maniwala ako. Hindi yung puro ka dada." - Akuma

Bigla akong may naramdaman na kakaiba sa katawan ko. Para akong biglang gumaan at parang gustong kumilos ng buo kong katawan kahit hindi ko gusto. At ito na nga, nagkusa ang mga paa ko na maglakad papunta sa Boss habang nakataas ang kamay ko na para bang sumusuko na ako. Pinipilit ko na labanan ang katawan ko, pero wala akong magawa. Para bang may sarili ng buhay ang katawan ko.

"Ngayon Akuma, inuutusan kitang kumilos na parang aso sa tabi ko. Umupo ka sa tabi ko at ilabas mo ang iyong dila na parang isang aso." - Boss

At ginawa nga katawan ko ang mga sinabi niya. At ngayon ay pinagtatawanab ako ng lahat ng tao sa loob ng kwarto. Anong klaseng mahika ito? Sa lahat ng libro ng mahika na binasa ko noon ay wala pa akong nabasa na kahit isa ka kayang kumontrol ng sapilitan sa isang tao.

"Sabihin mo, anong klaseng mahika ang ginagamit mo?" - Akuma

"Malalaman mo lang iyan Akuma kung sasama ka sa amin." - Boss

Pagkatapos ay parang nakawala na ako sa mahika niya. Bumalik na ako normal na pakiramdam ko at ako na ulit ang kumokontrol sa sarili kong katawan.

"Dahil sa napatunayan ko ng kaya kitang kontrolin ng sapilitan Akuma, sasama kana ba sa amin?" - Boss

"Katulad ng sinabi ko sa iyo kanina, pag-iisipan ko muna ng mabuti. At kapag handa na ako, sasabihin ko sa iyo." - Akuma

"Oh sige. Payag ako sa gusto mo ma pag-isipan na muna. Pero, may mga kundisyon ako. Hanggang dalawang linggo lang ang ibibigay ko sa iyo para mag-isip ng mabuti. At hindi pa din kita paalisin ng bakuran ng Death Lotus. Huwag kang mag-alala, paglalaanan ka namin ng mga damit, pagkain, tubig, at kwarto para sa iyo. Pumapayag kaba sa mga kundisyon ko?" - Boss

Pumayag nalang ako dahil wala naman akong pagpipilian. Pag di ako punayag, sigurado na kokontrolin lang niya ulit ako.

-/-/-

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now