"Ipahanda ang buong arena. Sabihin na may gaganaping death match sa pagitan ni Akuma at ng Demon S Class Officers." - Boss
Pinapunta na muna ako ng boss nila sa weapons area nila para daw makapamili ako ng mga sandatang gagamitin ko. Tumingin-tingin ako dahil baka sakaling may magamit ako. Dahil ang mga makalalaban ko ay may mga sandata din naman, kailangan kong kumuha ng magagamit ko laban sa kanila. Pero ang mga sandata nila ay hindi katulad ng mga naandito. Hindi pangkaraniwan ang mga ito. May nararamadaman akong kung anong kakaibang lakas mula sa mga sanadata nila. Para bang may mga sariling buhay at kapangyarihan. At dahil dito, nahihrapan akong makapag-isip kung anong klaseng sandata ang gagamitin ko. Maya-maya pa ay may isang officer nila ang lumapit sa akin at pinasunod ako sa isang training ground. Pwede daw akong mag-practice dito o mag-warm up para sa laban. Iniisip ko nalang na kung magwa-warm up ako dito o magpa-practice, maari niyang sabihin sa kalaban ang magiging galaw ko. Kaya nag-jogging nalang ako ako sa paligid at nag shadow boxing na parang isang boksingero para wala siyang maibigay na impormasyon tungkol sa gagawain ko.
-/-/-
"Ngayon, tayong lahat ay naandito sa loob ng arena. At ngayon ay masasaksihan natin ang isang death match sa pagitan ni Akuma at ng Demon S Class Officers. Ang rules sa gaganping death match ay katulad pa din ng dati. Bawal makialam ang kahit sinong hindi kasali sa death match. Bawal gumawa ng kahit anong paraan para lamang manalo ang isa o isang team. Hindi ititigil ang laban hanggat walang namamatay sa kanila. Ititigil lamang ito kapag matay na ang kalaban o itinigil ko mismo ito. Hindi ko na patatagalin pa ito, kaya simulan na agad ang death match." - Boss
Nagbukas ang pintuan sa harapan ko. Madalim ang paligid at kaunting liwanag lang ang nakikita ko. Pumasok na ako sa loob ng pintuan at doon na nagsimulang magliwanag ang paligid. Isang napaka-laking battle arena. Sa paligid ay mga parang bahay. Siguro ay may mga makukuha doon. Nakita ko sa kabilang dulo ang mga kalaban ko, at naghihiwa-hiwalay sila patungo sa mga bahay sa paligid nila. At ako naman ay naglalakad lang patungo sa isa sa mga bahay. Mayroon ditong mga kutsilyo, baril at mga smoke bombs. Ngayon ay masasabi ko na ako na ang lamang. Base kasi sa mga nakikita ko dito, hindi sila sanay ng walang gamit na makakatulong sa kanila lumban. Maya-maya pa ang biglang lumindol, at ang mga bahay ay nagsimulang gumiba. At dahil dito ay nakita ko ulit yung lima.
"Ano Akuma, nakakuha kana ba ng sapat na kagamitan para lumaban?" - Aika
"O baka naman wala kang nakuha, kasi ang bagal mo kumilos. Hahaha!" - Hidan
"Hindi ako kumuha ng kahit anong basura sa loob ng bahay. Hindi ko kailangan ng mga gamit para lang maka-survive sa labanan. Kayang-kaya ko lumaban at magpagaling ng sarili ng walang kagamitan." - Akuma
"Kung ganoon ay malalaman natin yan." - Nyn Chan
Bigla silang nawala sa paningin ko. Aaminin kong nagulat ako sa ginawa nila, pero inaasahan ko na iyon. Nagsimula silang umatake mula sa iba't-ibang direksyon at hindi ko pa din sila nakikita. Hinahayaan ko lang silang atakihin ako dahil pinag-aaralan ko ang bawat kilos nila. Nang makuha ko na ang tamang oras, ako naman ang kumilos.
"Huh, bigla siyang nawala." - Sup-G
"Mag-iingat kayo, maaring nagtatago lang siya sa ga guho at biglang sasalakay sa atin. Hindi natin lubusang kilala ang kalaban natin." - Sammy Gummy
"Pero hindi niya tayo lubusang kilala. At isa pa, lamang tayo sa bilang." - Aika
"Wag tayong pakaka-siguro. Alam kong delikado pa din siya kahit mag-isa lang siya." - Nyn Chan
Sa ngayon ay hinahayaan ko lang silang mag-isip sa kung ano ang mga posible kong gawain sa kanila. Binibigyan ko sila ng pagkakataon na makapag-oras para mapaghandaan ang mga magiging atake ko. Pero may nangyari na hindi ko inaasahan. Biglang nagbago ang mga itsura nila at ang mga sandata nila.
"Lumabas kana Akuma. Wag kang matago." - Hidan
"Akuma, kung hindi ka duwag, lumabas ka dito at harapin mo kami. Yun eh, kung hindi ka lang naman duwag." - Nyn Chan
"Bakit naman ako matatakot sa inyo. Eh kung tutuusin eh, wala pa kayo sa kalingkingan ko. At isa pa, binibigyan ko kayo ng sapat na oras para para pag-isipan ang gagawain kong pag-atake. Dahil kung iinisip ninyo na gamitin ang parehong pag-atake sa akin na katulad ng kanina, hindi na uubra sa akin iyon. Dahil alam ko na ang pattern ng pag-atake ninyo." - Akuma
Nakita ko ang gulat sa mga mata ng ilan sa kanila. Malamang na nabigla sila ng sabihin ko na alam ko na pattern nila. Malamang na iyon lang ang lagi nilang ginagawa kapag lumulusob sila sa mga Shinigami base. Malamang na pinag-uusapan na nila ang mga gagawain nila sa kanilang inner voices, dahil tumugil sila sa pagkilos.
"Ano handa na ba kayo? Kasi ako kanina pa handa." - Akuma
"Edi umatake ka kung handa kana. Hindi naman kami natatakot sa iyo at handa kaming labanan ka." - Aika
Pagkatapos noon ang nagdikit-dikit sila. Naka-talikod sa bawat isa para maging handa sa magiging pag-atake ko. Halatang wala nga silang ibang alam kundi ang surprise attack. Wala na silang alam at magawa kapag sila naman ang gagamitan ng surprise atttack.
"Ano wala na ba kayong maisip at ganyan nalang ginawa ninyo?" - Akuna
"Manahimik ka! Ang dami mong sinasabi. Dada ka ng dada, wala ka namang gawa." - Nyn Chan
"Alam ninyo, gusto kong makipag laro sa inyo. Dahil sa ginamit ninyo sa akin kanina ang surprise attack, ako naman ang gagawa sa inyo noon. At sisiguraduhin kong masu-surprise talaga kayo." - Akuma
Mas naging alerto na sila ngayon. Dahil sa ang nasa isip nilang surprise attack ay ang katulad ng ginawa nila sa akin kanina, pero iniba ko ng kaonti para talagang ma-surprise sila. Mabilis kong pinag-yelo ang sahig, at niyeluhan ang kanilang mga paa. Gumamit sila ng apoy para tunawin ang yelo sa kanilang mga paa. Katulad ng inaasahan ko sa kanila. Kaya naman agad kong inihanda ang kuryente para makuryente sila. At dahil sa madaling makikita ang kuryente, ginamit ko ang hangin para gumawa ng hamog. Nang sa ganoon ay hindi masyadong kita. At ang mas masaya pa dito, ay nasa ilalim lang sila ng aking tunay na mga ilusyon. Ang mga nanood sa amin ay walang nakikitang kahit ano. Kung kaya nagtataka sila kung bakit hinahanap ako ng lima, samantalang naglalakad lang ako paligid nila. At dahil sa totoo mga ang mga ilusyon na ginawa ko, sumusuko na sila. Pero hindi pa din itinitigil ang laban. Hanggang sa mawalan na sila malay. At doon na inanunsyo ang pagkapanalo ko.
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
FanficWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.