Chapter 7: Meeting the Senshins

228 6 0
                                    

Mahigit isang taon na din kaming nandito sa Shinigami base. Na master na din namin ang pagbu-bukas, pag-gamit, at pagsa-sara ng Black Dimension. At marunong na din kaming magusap-usap through our minds.

Nandito na ulit kami sa humdrum world, kung saan namumuhay ng normal ang mga normal na tao. At kasalukuyan kaming nag-aaral dito sa STI o Sto. Tomas Institute bilang mga transfer mula sa ibang school. Which is inimbento lang para maka-pasok ulit kami sa isang normal na school.

"Good morning class. We have new transfer students. Can the transfers come here in front and tell us what are names and some little information about yourselves?" Tanong ni Sir Jules na adviser namin.

May pumuntang anim na bagong tansfer sa harap. Pero may kakaiba kaming nararamdaman sa anim na ito. Parang hindi sila normal katulad namin.

"Hi, I'm Crisselle Quirino. And I like cute things. Thank you." Sabi nung isang babae na short hair.

"Hi, I'm Gerald Valdez. I like reading books." Sabi naman nung isa na parang misteryoso. Nakita naman naming lahat nagtutulakan yung isang babae at lalaki. Maya-maya ay pumuwesto na sa harap yung babaeng pula ang buhok.

"Hi sa inyong lahat! Ako nga pala si Baby Jacinto. At masiyahin ako, obvious naman diba? At kung may mangbu-bully man sakin, di ko kayo uurungan." Sabi nito at halos lahat ng nasa room ay natakot dahil para siyang may topak. Sumunod naman yung isang lalaki ka katulakan niya.

"Hi! Ako naman si Andrei Rafael. At sinasabi ko sa inyo, huwag nyong gagalitin itong si baby, kung ayaw ninyong makatikim ng suntok ni Pacquiao." Sabi nito at binatukan siya ni Baby.

"Hi ulit sa inyo! Ako naman pala si Rainie Lazaro. Nice meeting you guys!" Sabi naman nung isa na parang may itinatagong kabaliwan.

"Nathaniel Alejandrino." Sabi naman nung pang-huling lalaki at ang sungit nito.

Pagka-tapos nilang magpa-kilala, ay bumalik na sila sa upuan nila. Alam kong hindi sila normal, dahil narinig ko ang sinabi nung Baby through her mind.

"Ok, lets start the class today"

-/-/-/-

"Hayyyy, nakakapagod naman itong araw na ito."

"Sinabi mo pa."

"Wag na nga kayong mag reklamo. Ayusin niyo na ang mga gamit ninyo para makauwi na tayo ng maaga."

Narinig namin ang usapan nung anim na misteryosong mga transfer. Hanggang maya-maya lang ay narinig na namin sila na nagusap-usap through their minds.

'Ano sa tingin ninyo, nasaan kaya yung sinasabing mga hybrid na erityian?'

'Sigurado nasa paligid lang sila. Maaring isang estudyante, Guro, o Staff ng school na ito.'

'Tama. Kasi sabi doon sa naka-sulat, may katangian sila ng apat ng lahi.'

'Mag-iingat kayo palagi. Lagi kayo dapat makiramdam sa paligid. Pwede nila tayong atakihin kahit anong oras. Kaya dapat handa kayo lagi.'

'Okay sige.'

Nagtinginan kaming tatlo dahil tama ang ini-isip namin kanina. Sila nga ay mga erityian. Ang aalamin nalang namin ay kung saan sila kabilang na tribo.

"Ano ang plano na gagawain natin dun sa anim?" Tanong ko sa kanila through our minds.

"Eh kung gumawa tayo ng paraan para umalis sila dito." Sabi ni King a.k.a. Fumetsu.

"Wag. Masyadong delikado. Malaki ang posibilidad na kapag lumaban tayo sa kanila, tayo ang mapapa-hamak." Ang sabi nama ni Pres a.k.a. Fushishen.

"Alam ko na. Kausapin nalang natin sila through our minds. Nang sa ganoon ay hindi nila tayo agad-agad na makikilala." Mungkahi ko sa kanila at nag-agree naman sila.

"Kailan natin sisimulan?" Tanong ni Pres a.k.a. Fushishen.

"Hindi ko pa alam. Hahanap pa tayo ng tamang oras para isagawa ang plano." Sagot ko sa kaniya.

"Sige." Sabay nilang sagot at umalis na din kami para umuwi.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now