Chapter 31: Nothing I Can Do

86 5 0
                                    

"Sabihin mo, ilan pa ang hybrid erityians na ginawa nila." - Akuma

"Marami akong nakasama dati. Pero ako lang ang nag-iisang nakaligtas." Sabi ni Hiela sabay smirk.

"Ano naman ang balak mo sa mga bata? Bakit sila nagta-training dito?" - Akuma

"Wala kanag pakialam doon Akuma. Ang mas makabubuting isipin mo, paano ka makakalaya dyan, at ano ang gagawain nila Fumetsu at Fushishen." - Hiela

Patuloy ko lang na tinatanong ng tinatanong si Hiela kung ano ang pakay niya sa mga bata para maalis ko sa isip niya na may pina-plano ako.

May dumating na isang bata at sinabi kay Hiela na nadala na nila siya. Sino kaya ang tinutukoy nilang siya? Nang sabihin iyon ng bata ay umalis na Hiela at iniwan akong nag-iisa sa loob ng kwarto. Sigurado ako na may mga patibong siyang hinanda para sa akin. Dahil niya ako iiwan ng basta-basta nalang.

Nang makawala na ako, nabukas ako ng black dimension para makalabas. Nang makapasok na ako dito, may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Paglabas ko sa black dimension, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Nakita ko sa Leila na nasa loob ng isang Cryogenic Chamber.

"Aba, nandyan kana pala Akuma. Akala ko ay matatagalan ka sa pagtakas mo. Hahaha!" - Hiela

"Anong ginawa ninyo sa kanya?! Ha?!" - Akuma

"Wag kang mag-alala Akuma. Pag-eeksperimentuhan lang ulit namin si Leila. At kung gusto mo, pwede kang manood dyan o umalis na. Hindi ka namin pipigilan." - Hiela

"Oo aalis na talaga ako at isasama ko si Leila." - Akuma

"No, no, no, Akuma dear." Sinasabi niya habang umiiling.

"Mamili ka lang kung manood ka sa mga gagawain namin o aalis ka dito ng payapa at walang ibang mangyayari sayo. At paalala lang, kung pipilitin o susubukan mong kuhain samin si Leila, alam mo na ang mangyayari sa kanya." Dugtong niya.

Pinili ko nalang umalis dahil wala din naman akong magagawa sa sitwasyon ko. Aaminin kong malakas si Hiela. Kaya kahit ang pinaka maliit na pagkakamali sa mga magiging desisyon ko, alam kong ikakapahamak ko at ni Leila.

Nagpasya nalang akong magtunggo sa headquarters ng mga Custos para kamustahin sila at sila Fumetsu at Fushishen.

"Nakaalis na sila?" - Akuma

"Oo. Madaling araw sila lumakad dahil may mga bagay din silang dapat gawain sabi nila." - Nel

"Ako ba, may maitutulong sa inyo?" - Akuma

"Sa ngayon wala pa naman. Pero wag kang mag-alala, tatawagin ka namin kapag kailangan na namin ng tulong." - Nel

Tumango nalang ako at nagpaalam sa kanila. Ngayon ay pupuntahan ko na muna si Fumetsu at ang mga Senshins para kamustahin sila at ibalita ang mga nangyari sa akin at ang mga nakita ko. Pagkatapos ko kila Fumetsu at mga Senshins, sila Fushishen naman at ang mga Huntres.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now