Chapter 36: This is it

93 4 0
                                    

Matapos inaa-nunsyo ang pagkapanalo ko sa death match laban sa kanila, marami ang mga nagalit, at hindi makapaniwala dahil sa pagka panalo ko. Maya-maya lang ay nagkamalay na sila.

"Ano ang nangyari?" - Aika

"May nanalo naba?" - Hidan

"Oo. Nanalo na si Akuma sa naging laban ninyo. At sa totoo lang, medyo nadismaya ako sa inyo. At salamat din kay Akuma dahil ipinakita ninyo ang kahinaan ng statehiya na ginagamit ninyo." - Boss

"Sabihin mo Akuma, paano?!" - Nyn Chan

"Paano mo kami natalo?" - Sammy Gummy

Hindi ko lang sila pinapansin at hinahayaan na pag-isipan kung paano ako nanalo sa kanila.

"Sino ang gusto mo magsabi sa kanila Akuma?" - Boss

"Ikaw ang bahala. Basta ang alam ko, tinalo ko sila ng walang kahirap-hirap." - Akuma

"At bilang ikaw ang nanalo, ano ang gusto mo na gantimpala?" - Boss

Sinabi ko na gusto ko pa din na umalis sa kanila. At katulad ng nauna niyang sagot, hindi pa din siya pumayag.

Sinabi ko nalang na gusto ko nalang muna mag pahi nga sa kwarto ko, at pumayag naman ang boss. Dumeretso ako sa kwarto ko para mag pahinga dahil medyo naubos din ang lakas ko sa paggawa ng mga tunay na ilusyon.

-/-/-

Bumaba na ako sa pinaka canteen ng Death Lotus para kumuha ng pagkain. Nagsasawa na kasi ako sa kakapadala nila ng mga pagkain sa kwarto ko gamit ang mga alipin nila. At dahil na din sa naawa ako dito.

Nang nasa bukana na ako ng canteen, nakikita ko sa kanila ang kasiyahan. Tawanan dito, tawanan doon. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Naalala ko tuloy noong mga normal na estudyante pa kami nila Fumetsu at Fushishen. Biglang natigil ang mga tawanan at kwentuhan ng mapansin na nila ako na nasa may buakana ng canteen.

Marami pa din sa kanila ang galit at ang hindi  makapaniwala sa ginawa ko sa mga taong pumapangatlo sa boss. Naglalakad nalang ako papunta sa section sa mga pagkain. Ang estilo kasi ng pag kain nila dito ay buffet. Kumuha ng gusto at bumalik kapag gusto mo pa. Hindi ko pinapansin ang taong ang sasama ng tingin sakin.

"Bakit bumaba kapa Akuma? Hindi ka ba dinalahan ng pagkain ng alipin? Kulang ba ang binibigay niya sayo?" - Boss

"Ipatawag ang alipin na nagsisilbi kay Akuma." - Dugtong nito

"Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang kasi-" - Akuma

"Bakit hindi mo dinadalahan ng pagkain si Akuma? O baka naman binabawasan mo ang pagkain niya kaya bumaba pa siya dito para kumuha pa!" - Bos

"Hindi po boss. Sir Akuma,kung may gusto po sana kayo ay tinawag nalang po sana ninyo ako." - Chi

"Wag mo siyang pagalitan! Wala siyang kasalanan. Sapat ang ibinibigay niya. At ang dahilan kung bakit ako bumaba dito ay dahil nababagot na ako sa kwarto." - Akuma

"Yun lang ba ang dahilan?" - Hidan

"Oo yun lang." - Akuma

Pagtapos ay pinabalik na niya ang alipin sa pinaggalingan nito. Kumuha ako ng ilang tinapay na bago sa paningin ko. At pagkatapos kong kumuha, naglakad na ulit ako para bumalik sa kwarto ko. Habang naglalakad pabalik, nakita ako canteen ng mga alipin. Madumi, medyo mabaho, at kakaunti ang pagkain. At hindi man lamang yata nakakatikim ng kahit kapiraso ng mga kinakain ng mga taga dito. Nahabag ako at naawa sa kalagayan nila. Kaya naman pumunta ako sa canteen nila at ibinigay ang mga tinapay na kinuha ko.

"Ano po ang ginagawa ninyo Sir Akuma?" - Alipin 1

"Nakita ko kasi na kakaonti ang pagkain ninyo, kaya ito tanggapin ninyo ang mga tinapay na ito. At intayin ninyo ako at kukuha pa ako ng madami." - Akuma

"Sir Akuma, wag po ninyo gawain iyan." - Chi

"Bakit naman? Wala naman akong masamang intensyon sa inyo. Gusto ko lang naman kayong tulungan." - Akuma

"Alam naman po namin iyon Sir Akuma. Alam po namin na ibang-iba kayo sa kanila. Ngunit kapag nakita nila iyan na nasaamin at kinakain namin ang mga iyan, paparusahan nila kami." - Chi

"Ha? Bakit naman kayo paparuhasan?" - Akuma

Ikinuwento nila sa akin ang kalakaran sa loob ng Death Lotus. Sinabi din nila sa akin ang dahilan ng pagkakaalipin ng karamihan sa kanila at kung bakit bawal sila kumain ng pagkaing iyon.

"Ganoon pala." - Akuma

"Opo, Sir Akuma. Kaya kahit ganda pa po ng intensyon ninyo na tulungan kami, mapapahamak lang po kami." - Chi

Nagngangalit ako sa galit dahil sa kawalang katarungan dito sa Death Lotus. Halos wala din silang pinagkaiba sa mga Shinigami. Pinilit ko silang kainin ang tinapay kahit pa labag sa kalooban nila, habang ako ay naka bantay sa labas. Pagkatapos nila kumain at maalis ang bakas ng mga pagkaing dinala ko, umalis na ako para tuluyang umakyat sa kwarto ko. Binilinan ko din sila kung sakaling malaman na binigyan ko sila ng tinapay, sinabi ko sasabihin kong ako ang mananagot para sa kanila.

Kinaumagahan, maaga akong gumusing para kausapin ang boss ng Death Lotus. Pumunta ako sa pinaka office niya. Pinapasok naman ako ng mga tauhan niya na laging sumusunod sa kanya kahit saan siya magpunta.

"Ano dahilan Akuma at sinadya mo ako dito sa opisina ko?" - Boss

"Tungkol to sa magiging gantimpala ko sa pagkapanalo ko kahapon at sa desisyon tungkol sa inaalok mo na pagsali ko sa inyo." - Akuma

"Maupo ka." - Boss

Umupo ako sa couch at nagpahanda siya ng tsaa. Ngayon ay magkaharap na kami para pag-usapan ng masinsinan ang tungkol sa gantimpala ko at sa alok na pagsali ko sa kanila.

"Ano ba ang gusto mong unahin na pag-usapan natin Akuma?" - Boss

"Gusto ko munang pag-usapan ang tungkol sa gantinpala ko." - Akuma

"Sige. Ano ba ang gusto mo." - Boss

"Simple lang naman ang gusto ko. Gusto ko lang ng pantay na pagtrato sa mga alipin dito. Hindi dahil sa mga alipin  ninyo sila ay dapat na maging mababa na pagtingin ninyo sa kanila. At ang mga pagkain nila, kung ayaw ninyo silang bigyan ng kasing sarap ng kinakain ninyo dito, sana naman ay bigyan ninyo din sila ng sapat at malinis na pagkain at malinis na kapaligiran para sa kanila." - Akuma

"Ang ibig mo bang sabihin ay ang lahat ng kapakanan ng mga alipin?" - Boss

"Oo. Dahil kagabi nakita ko ang kawalang katarungan para sa kanila." - Akuma

"Oh sige, ipagkakaloob ko ang gantimpalang gusto mo. Tungkol naman sa desisyon mo sa pagsali sa amin, pumapayag kana ba?" - Boss

"Pumayag na ako. Basta masusunod ang ang gantimpalang gusto ko. At isa pa, wala din naman akong magagawa. Kayang-kaya mo akong kontrolin kung gugustuhin mo." - Akuma

"Mabuti at naging tama ang desisyon mo Akuma. Kung ganoon, binabati na kita Akuma! Isa kanang opisyal na miyembro ng Death Lotus! At gagawain kaagad kitang Special Elite S Clasa Officer." - Boss

"Teka wala sa usapan na magiging officer ako dito." - Akuma

"Oh come on Akuma, ako ang boss dito at ngayon ay boss mo. Kung ano ang gusto ko, yun ang masusunod." - Boss

"At dahil sa ako din Akuma, ang isa sa mga pinaka unang hybrid erityian, asahan mo na din magiging walang galang ako sayo, Sir." - Akuma

Parehas kaming napangiti sa sinabi ko. At sinabi din niya sa akin na inaasahan na niyang sasabihin ko iyon dahil nga sa kami ang pinaka unang hybrid erityian. Pumayag kami parehas sa mga kasunduan namin. At inutusan niyang tipunin ang lahat ng miyembro ng Death Lotus para ianunsyo ang pagiging opisyal miyembro ko.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now