Chapter 38: My fault & lies

45 2 0
                                    


"Hindi mo na ba talaga ako natatandaan Akuma?"

Lumingon ako sa likod para makumpirma ko kung si Leila Chan nga ang nasa likod ko.

"L-Leila Chan?"

"Miss me Akuma?" she looked at me and smirked like a devil.

"I-ikaw ba talaga yan?"

Umikot siya at sinabing siya talaga si Leila Chan. Ang Leila Chan na nakalimutan kong iligtas sa mga kamay ni Hiela. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Dapat ba akong matuwa dahil nakita ko siyang muli, magalit sa sarili ko dahil sa nakalimutan at napabayaan ko na siya, matakot dahil hindi ko alam kung ano na ang ginawa sa kanya ni Hiela. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong maramdaman ngayon.

"Ano ka ba naman Akuma? Iyan na siya sa harapan natin diba? Ano pa ang dapat mong kompirmahin?" - Fushishen

"Oo alam kong siya si Leila Chan, pero," - Akuma

"Siya talaga si Leila Chan Akuma. Ang nag-iisa at ang tunay na Leila Chan. Subalit-" - Fumsetsu

Bago pa man maituloy ni Fumetsu ang sasabihin niya, si Leila Chan na ang nag tuloy nito.

"Subalit hindi na ako ang Leila Chan na kilala mo noon Akuma. Ako na ang mas malakas, at mas bagong Leila Chan. Kung dati-rati ay kayong tatlo ang hinahangaan ko dahil sa pagiging malakas ninyo, ngayon ay pantay-pantay nalang tayo. Salamat kay Hiela, dahil king hi-"

"Tumigil ka na Leila Chan!"

"At bakit ako titigil aber?"

"Oo alam kong nakalimutan kitang iligtas sa mga kamay ni Hiela, at alam ko ding gusto mo pang maging mas malakas kaysa noon pa." - Akuma

Tiningnan ko siya ng harapan at tuwid. Habang umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Nakikita ko sa kanya ang bakas ng kasamaan ni Hiela.

"Alam mo Akuma, dapat pa nga akong magpasalamat sa iyo. Kung hindi kasi dahil sa iyo, malamang na hindi ako makakamtan ang lahat ng ito." Sabi niya at halatang gustong-gusto na niya ang bagong siya.

Natahumik nalang ako habang naka yuko at napa luhod sa sahig. Patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata na parang hindi na matatapos. Ganoon pa man, walang ni isa ang kumikilos sa paligid. Halatang nagpapakiramdaman sila sa kung sino ang unang aatake.

Maya-maya pa ay nagsimula ng kumilos si Leila Chan. At naghudyat iyon sa isang matinding labanan. Naririnig kong tinatawag nila ang pangalan ko, pati na ang tunog ng mga baril sa paligid, mga nagkikis-kisang mga espada, mga hiyaw ng tao sa paligid ko dahil sa sakit at kirot dulot ng mga sugat. Unti-unti akong lumingon sa paligid ko, at nakita ko ang mga patay na katawan na nagkalat sa daan. Nakita kong unti-unting umaatras ang tao habang umaabante naman si Leila Chan.

"Tama na!!!" - Akuma

Lahat sila ay napatigil at lumingon sa akin ng sumigaw ako ng malakas.

"Tumigil kana Leila Chan!" - Akuma

"Bakit ako titigil? Kailangan ko ang mga mata ninyong lahat para maging isa akong Dyo-"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sinuntok ko na siya sa mukha.

"Tumigil ka na pakiusap." - Akuma

"Bakit ako titigil, ha?! Kailangan ko pang maging mas malakas ng gano'n ay-"

Hindi niya muling naituloy ang sasabihin niya ng sapakin ko ulit siya.

"Hindi ikaw to Leila Chan." - Akuma

"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko Akuma," sabi niya sa isang malumanay at mababang boses.

"Alam ko ang nararamdaman mo. Katulad mo, dati ko na ding hin-"

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now