Chapter 8: Anothers?

211 7 0
                                    

May isang linggo na din ang nakalipas simula ng makita at makilala yung anim na erityian. At hanggang nagyon ay hindi pa rin namin alam kung saan sila kasamang lahi.

"Paging all students and teachers, please go to STI theatre. Thank you." Sabi ng prinsipal namin gamit yung mic sa office niya.

Dahil sa sinabi ng prinsipal namin ay agad-agad na nag-puntahan ang mga estudyante at mga guro doon sa theatre. Pag pasok namin sa theatre, ay agad kaming humanap ng mauupuan.

"Dito na tayo sa bandang likuran. Hindi naman natin kailangan lumapit ng sobra dahil kaya naman nating makita at marinig ng malinaw." Sabi ko sa kanila.

Agad naman kaming umupo at hinihintay na magsimula ang mga announcement o programa na sasabihin nila.

"Hello mic check. Yan ok na. Hello sa inyong lahat. Magandang hapon students and teachers. Mayroon tayong mga bisita mula sa amerika. Uhm Sir, Ma'am...." Sabi ng prinsipal namin.

"Ok, uhm, good afternoon again students and teachers. We are from CIA. And we are here to teach all of you some basic self-defense so you can protect yourselves from danger." Sabi nung isang babae na mukhang sundalo.

-/-/-/-

"Paging Special Class Section C, please proceed to gymnasium thank you."

After naming marinig yun, agad-agad kaming nag-ayos ng mga gamit namin para mag-punta sa gymnasium.

Nakarating na kami dito sa gymnasium. Pinaupo muna ang lahat sa sahig dahil mayroon daw ilang sasabihin ang mga bisita namin.

"Good afternnon SCSC (special class section c), we are here to teach you basic self-defense so can protect yoursleves from danger." Sabi ulit nung babaeng mukhang sundalo. Maya-maya ay isa-isa silang tumawag ng volunteers para ipakita ang mga pwede nilang gawain para protektahan ang sarili nila.

"Next, Mr. Dante Lim, Mr. Daniel Lee, and Mr. Akihiro Uy. Please come forward." Sabi ng teacher namin. Agad naman kaming tumayo sa kina-uupuan namin. Pagkatapos ay pina-pwesto kami doon sa gitna para daw ipakita ang mga self-defense na ituturo nila.

'Ano gagawain natin? Ipapahiya ba natin?' Tanong ko through mind. By the way, iniba na namin ang names namin dito sa school. Ako si Dante Lim, si Pres/Fushishen si Daniel Lee, at si King/Fumetsu naman si Akihiro Uy. At tinatawag naman na ang mga estudyante ng tatluhan base sa pila namin para daw mapabilis.

'Sige ipahiya natin.'

'Let's show them what we got.'

Tinapatan na kami ng mga kunwaring makakalaban namin. Nakatapat ko yung babae, samantalang yung dalawa naman ay yung dalawang kasamang lalaki na medyo malaki ang katawan.

"Uhm, excuse po ma'am." Sabi ko.

"Yes, Mr. Lim?"

"Pwede po bang iba nalang labanan ko? Hindi po kasi ako napatol sa babae." Sabi ko sa tonong mapang-asar.

"Bakit, takot ka ba na matalo ng isang babae?"

"Hindi naman. Ayoko lang manakit ng babae."

"Sus. Sabihin mo di mo lang ako kaya."

"Talaga miss? Then why don't you try me?"

Nakapokus sa amin ang lahat. Yung mga kaklase namin, sina King at Pres, yung teacher namin, at yung mga kasamang lalaki ni ateng mayabang. Tapos hinamon na niya ako sa isang sparring match at tinanggap ko naman.

-/-/-/-

"Nel, tama na. Hindi mo siya kaya." Sabi nung isang lalaki at tumigil na si amazona sa pag atake sakin.

"Hindi pa tayo tapos. Babalikan kita."

Bakas sa mukha niya ang galit sa akin dahil inilagan ko lang ng inilagan ang mga atake niya. Maski isa ay walang tumama.

Pagkatapos no'n ay nagpa-alam na sila at umalis. Saktong tumunog na din ang bell na hudyat para umuwi na kami.

"Grabe ang galing nya. Muntikan ko ng hindi mailagan ang mga pag-atake nya."

"Buti na nga lang at galit sya. Kasi kung hindi, sigurado gulpi kana, napahiya kapa."

Pagkatapos sabihin iyon ni Pres(Fushishen), ay naglakad na kami pauwi ng apartment namin. Pero hindi namin sinasadyang makita sila amazona at yung dalawang lalaki. Nagtago kami sa likod ng mga dayame para hindi nila kami makita.

"Humanda sa akin yung lalaking yun. Kapag nagkita ulit kami, papatayin ko na siya."

"Easy lang Nel. Kumalma ka. Maaring magaling lang talaga siya or nag-aaral siya ng mixed-martial arts."

"Oo nga Nel. Isa pa, tandaan mo ang misyon natin dito. Kailangan nating makita yung mga hybrid erityian."

Pagkatapos nilang magusap-usap ay nagulat kami sa ginawa nila. Nagpalit sila ng anyo nila. Yung amazona naging katamtaman na ang katawan at ganoon din yung dalawang lalaki.

"Nakita niyo ba ang nakita ko?"

"Oo nakita ko."

"Ako din."

Sila ay mga Custos.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now