"At dahil sa mga iyon, napag-planuhan, napag-isipan ko ng mabuti kung saan ako sasama. At ang pasiya ko ay,"- Akuma
"Dali na Akuma. Sabihin mo na. Excited na kaming malaman kung saan ka sasama." - Akane
"Kung hindi ka nag salita, nasabi na sana ni Akuma ang gusto niyang sabihin." - Ken
Nag away na naman silang dalawa dahil dito. Pinabayaan ko nalang muna silang mag away kahitna inaawat na sila ng iba. At dahil nag paawat na ang dalawa, ipinag patuloy ko na ang sinasabi ko.
"Nasaan na nga ba ako?" - Akuma
"Sa sasabihin mo kung saang tribe ka sasama." - Fumetsu
"Ah tama-tama. Habang nakasasama ko kayo lahat, ang mga Senshin, Huntres, Custos, pati na din ang mga Shinigami. At base na din sa mga nakikita ko sa inyo ngayon, napag isipan ko na ng mabuti ang desisyong ito." - Akuma
"At ang desisyon mo ay?" - Fushishen
"Ang napili ko at naangkop na desisyon para sa akin ay, walang samahan na kahit sino sa inyo. Maari ninyong sabihin o maitanong, bakit hindi ko pinili ang mga Custos o sumama sa isa inyo. Pero, gusto kong pag isipan ninyong mabuti ang mga sasabihin ko, kung sasama ako sa mga Custos, oo magiging malaking tulong ako sa kanila at kaya din nila akong hatulan sa aking mga ginawa. Kung bakit naman hindi ko pinili ang sumama sa isa sa inyo, magkakaroon ng di pagkakaunawan." - Akuma
"Pero may mga mababait namang Shinigami, Akuma. Katulad ng kaibigan ko, si," - Akemi
"Si Darwin? Alam ko yun Akemi. Nagkakilala na kami ng magtago ako sa inyo. Pero kung sasama ako kila Darwin, patuloy ko lang maalala ang mapait na nakaraan namin sa kanila. Hindi ko sinasabing pare-pareho ang shinigami. Pero di maiiwasang patuloy kong maalala ang mga masasamang bagay kung makikita ang Shinigami. Pero pwedeng-pwede ko kayong tulungan. Sa pamamagitan nila Fushishen at Fumestu." - Akuma
"Ha? Paanong sa pamamagitan naming dalawa ni Fumetsu?" - Fushishen
"Tanda niyo pa ang Eight Sense?" - Akuma
"Teka, ang tinutukoy mo bang Eight Sense ay yung," - Akemi
"Teka lang Akuma, diba muntik na tayong," - Fumetsu
"Oo alam ko Funestu. Pero may nakita na akong solusyon para hindi na maulit yon." - Akuma
"Teka, anong Eight Sense? Bakit hindi alam yan ha?" - Gemma
"Sige Gemma ipapaliwanag ko sayo." - Akuma
"Ang Eight Sense ay isang technique ng mga Senshin. Mahirap itong gawain dahil nakasalalay dito ang nilalaman ng isipan mo. Dito, ang lahat ng gumagamit ng eight sense nagiging iisa ang kaisipan. Nalalaman ng bawat isa ang nilalaman ng isip ng bawat isa sa kanila. Kaya kahit ang pinaka tatago mong sikreto, malalaman kapag gumamit ng eight sense. At isa pa, magagamit din ng bawat isa ang abilidad ng bawat isa. Halimbawa, sila Akemi, Akane, at Ken ay gumamit ng Eight Sense. Magagamit ni Akemi ang enhanced hearing ni Akane at ang enhanced smelling ni Ken. Ganoon din sila. Sa madaling salita, ang ability ng isa ay magagamit mo kung gagamitin ninyo ang eight sense." - Akuma
"Pwede din ba kaming gumamit ng eight sense?" - Gemma
"Hindi ko masasagot yan." - Akuma
"Eh ano naman yung paraan na sinasabi mo Akuma para hindi na maulit yung nangyari dati?" - Fumetsu
Sinabi ko sa kanila ang paraang naisip ko. At matapos ang mga pag-uusapan namin, sumama ako sa kanila para pan-samantalang may matirahan at makasama silang muli.
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
Fiksi PenggemarWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.