Epilogue

120 4 0
                                    

Author's Note:

Nilagyan ko po ng Prologue at Epilogue ang istoryang ito. Sana po ay magustuhan ninyo. Happy reading :)

-/-/-/-

Leila Chan's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap ang kamatayan ni Akuma. Namatay siya mismo sa harapan ko, at mas malala pa ay ako ang pumatay sa kaniya. Ilang gabi na akong hindi pinapatulog dahil lagi kong napapanaginipan ang lahat ng nangyari. Para bang naka-record na video na sa tuwing susubukan kong matulog ay lagi nagpe-play sa utak ko. Hindi din ako makain dahil lagi ko siyang iniisip. Walang araw, oras, minuto, o segundo na hindi ko siya iniisip.

"Uy, Leila, kumain ka naman." - Nel

"Wala akong gana." - Leila Chan

"Ano ka ba naman Leila, kailangan mong kumain. Kailangan mong magpalakas." - Akemi

"Sabi ng wala akong ganang kumain eh!" Pagdadabog ko at tumayo ako para umalis.

Natapon ang pagkain na ibinibigay nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit kahit patay na si Akuma ay ang bilis nilang makapag move on.

"Sa tingin mo ba Leila Chan, kung naandito pa si Akuma, matutuwa siya sa mga ikinikilos mo?" Sabi ni Fumetsu sa seryosong tono.

Alam kong bukod sa akin, silang dalawa ni Fushishen ang pinaka naapektuhan sa pagkawala ni Akuma.

"Pero wala na si Akuma diba? Ako ang punatay sa kanya! Ako!" Sabi ko at bigla nalang tumulo ang mga luha ko at dumiretso sa pag-iyak.

Niyakap nila akong lahat at pinapatahan sa pag-iyak ko. Hindi ko pa din kasi matanggap na ako ang punatay kay Akuma.

"Tandaan mo Leila Chan, hindi ikaw ang pumatay sa kaniya." - Fushishen

"Hindi, Fushishen, ako ang pumatay sa kaniya at nakita niyo 'yon." Sabi ko at patuloy lang sa pag-iyak.

"Hindi ikaw Leila Chan," sabi muli nito sa malumanay na boses.

"Hindi ikaw ang pumatay sa kaniya. Hiniling niya sa iyon. At kahit labag sa kalooban mo, ginawa mo pa din." Dugtong niya.

"At kahit pa ganoon Leila Chan, alam nating lahat na masaya siya dahil sa ikaw mismo ang gumawa no'n. Wala siyang ibang hiniling kindi iyon." Sabi ni Fumetsu at niyakap ako para patahanin.

"Wala kang kahit anong kasalanan Leila Chan. Ibinigay mo lang ang pinaka huling kahilingan ni Akuma. Kaya wag ka ng umiyak okay?" Dugtong niya.

"At bukod sa iyo Leila Chan, kami ni Fumestu ang pinaka apektado. Matagal na kaming magkakasama nila Fumetsu. Simula palang pagkabata ay magkakasama na kami. Lahat ng ginagawa namin, mga pagsasaya namin, mga kalokohan namin, kahit ang amoy ng utot niya, alam namin." Sabi ni Fushishen sa pabirong tono. Pero kahit pa ganoon ay alam kong gusto lang nila maging maayos ako.

"Pero tignan mo kami Leila Chan, naiyak ba kami diba hindi? Kasi mga lalaki kami, de biro lang haha." Tapos ay binatukan siya nila Gemma at Ash.

"Wag mo nalang pansinin si Fushishen. Basta maging masaya nalang tayo para kay Akuma, okay Leila Chan?" Sabi sa akin ni Fumetsu.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Alam kong gusto ni Akuma na maging masaya kami sa kabila ng pagkawala niya sa amin. Pero tama sila, kailangan ngang magpatuloy ang buhay at maging masaya para sa kaniya. Alam kasi namin na kung masaya kami, ay masaya na din siya kahit nasaan pa siya ngayon.

At sa bandang huli, si Fumetsu ay nanatiling kasama ng mga Senshins. Si Fushishen naman ay nanatili ding kasama ang Huntres. Ako naman ay nagpaalam sa kuya ko na si Deveraux para sumama naman sa mga Custos. Sabi kasi nila na kailangan nila ako paramatulungan sila. At si kuya naman at mga kasamahan niya ay sinamahan ng mga mabubuting Shinigami. At sa ngayon ay pinapanatili namin ang kapayapaan sa pagitan ng apat na tribo ng erityians. At alam din namin na ito ang kagustuhan ni Akuma.

-/-/-/- THE END -/-/-/-

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now