Ngayon ay kaharap ko ang Council of Elder dahil may sasabihin daw sila sa akin.
"Akuma, maraming salamat sa iyong kusang loob na pagsuko sa amin. At salamat din sa pagdakip mo kay Hiela at isinama mo pa siya dito."
"Maraming salamat din po sa pag payag ninyo na hulihin ko si Hiela para nang sa ganoon ay mapagbayaran din niya ang mga kasalanan niya. At nagpapasalamat din po ako sa pagiging mabait ninyo sa akin sa kabila ng mga ginawa ko."
"Dahil sa nanggaling kana dito, noon, ay alam mo na ang mga ginagawa dito. Ang mga kaukulang kaparusahan na ipapataw sayo, mga pagpapahirap na gagawin sa iyo, at ang magiging pagpatay sa iyo."
Pagkatapos ay tumango ako ng magalang sa kanila.
"Pero dahil sa kusang loob ka na isinuko ay iyong sarili, at hiniling na isama sa iyo ang isa sa mga pinaka masamang erityian, sinasabi namin sa iyo na bahagya naming papagaanin ang sinstensya mo."
"At ang isang bahagi namin ng pag papagaan ng sintensya mo ay ibinibigay namin sa iyo ang karapatan na magparusa at ang pag bitay kay Hiela sa loob ng isang linggo. At pagkatapos ng isang linggo mong 'yon, ikaw naman ang sisintensyahan."
Muli akong nagpasalamat at pagkatapos ay yumuko sa harapan nila bago umalis. Sinamahan ako nila Konan, Jess, Clyde, Vincent, Rapha, Reign, Grim, at Reaper sa bartolina ni Hiela. Nakita ko sa mukha at buong katawan niya ang ilang mga pasa at sugat, malamang may nauna ng magpahirap sa kanya. Inilabas nila Hiela na takot na takot ng makita akong muli. Siguro nga ay totoo ang sinabi nito sa amin na sobrang takot siya kay Eien o sa akin. Pagkatapos ay itinali nila ang mga kamay at paa nito sa upuan. Nakapako ang natatakot tingin nito sa akin. Sa totoo lang ang gustong-gusto ko ang gagawain kong ito kay Hiela. Matagal na akong galit sa kaniya dahil sa lahat ng pinag-gagawa niya. Nangingidap ng mga bata para pageksperimentuhan at gawing mga batang sundalo na kinokontrol niya, walang kinakatakutan at walang mga emosyon. Tinawag niya silang mga Empty Puppets. At ginagamit din niya ang batang ito para maghasik ng kasamaan masunod lang ang gusto niya. Pagkatapos ay ipinadukot pa niya si Leila Chan at pinageksperimentuhan din. Galit na galit ako sa kanya dahil doon, at maging sa sarili ko ay nagagalit pa din ako dahil sa nakalimutan ko siyang iligtas. Pero sa kabilang banda ay naging masaya ako para kay Leila Chan, natupad na ang kahilingan nitong maging isang hybrid erityian. At ngayon ay masaya na siya na nakasama na niyang muli ang kapatid niyang si Deveraux.
Sinabihan ko sila Clyde na lumabas na muna ng kwarto dahil baka hindi nila magustuhan at hindi nila kayanin ang mga gagawin kong pagpapahirap kay Hiela.
"Hindi mo kami kailangang paalisin Akuma. Kaya naming sikmurain ang kahit anong klase ng nakakadiri at kalunos-lunos na pagpapahirap sa isang tao, kaya hindi mo kailangang mag-alala sa amin."
"At isa pa Akuma, kailangan ka naming bantayan. Ano ba ang malay namin, baka may pinaplano pala kayong masama ni Hiela at nagkukunwari lang kayong dalawa."
Sinamaan ko lang sila ng tingin. Pagkatapos ay binago ko ang hitsura ko bilang si Eien. Nanlaki ang mga mata Hiela at nagpupumiglas sa pagkakatali niya sa upuan. Kahit may busal ang bibig nito ay naiintindihan ko ang sinasabi nito na, 'wag, maawa ka sa akin'. Hindi ko siya pinansin at inihanda na ang mga gagamitin ko. Aaminin kong nawala ako sa tamang katinuan at para bang sinapian na naman ako ng pagiging psycho ko. Tinanggal ko ang busal sa bibig niya at mas narinig ko ang mga pagsigaw nito ng awa para sa kanya. At pagkatapos ay agad kong sinimulan ang pag-torture sa kanya. Naririnig at nakikita ko ang pagsusuka nila, at ang pagkatakot sa akin at sa ginagawa ko.
"Oh akala ko ba kayang-kaya ninyo ang mga ganito?" Sabi ko habang patuloy na tino-tourture si Hiela.
"At diba binalaan ko na kayo na baka hindi ninyo magustuhan o hindi ninyo makaya ang mga gagawin ko?" Sabi kong muli sa kanila at ngumiti na kagaya ng isang tunay na psycho.
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
FanfictionWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.