"Hello students. Pinag-usapan naming mga teachers at ang mga head ng Criminology Class na magkakaroon kayo ng ojt. At hawak ko ngayon ang mga unsolved cases na inyong reresolbahin as part of your ojt." Ang sabi samin ni Sir Saul at tumawag ng isa sa bawat grupo.
Nang maibigay na sa bawat grupo ang mga cases, sinabihan kami ni Sir Saul na basahin, intindihing mabuti, at kabisaduhin ang kaso.
"Sino ang sa inyo Gerald?" Tanong ni Baby.
"Yung kaso ng mga pagpatay sa Elm Street." Sagot ni Gerald.
"Yung sa inyo Baby, anong kaso naman ang hawak ninyo?" Tanong naman ni Rainie.
"Eh, yung sa inyo ba Rainie?" Tanong pabalik ni Baby.
"Yung Resorts World massacre." Sagot ni Rainie.
"Ah. Yung sa amin kasi yung nangyayaring pagpatay kada ikalabing pitong araw kada buwan. Yung tinatawag nilang Purge monthly." Sabi naman ni Baby.
"So, ano guys, pag-aralan muna namin itong kaso. Mauna na muna kami sa inyo. Bye." Sabi ko sa kanila para din mas makapag focus kami sa kaso na ibinigay sa amin.
-/-/-/-
"Kamusta yung mga kaso ninyo?" Tanong ni Gervin/Fushishen.
"Ayun," sabi ni Renz/Fumetsu na para bang hindi sila nagtagumpay sa kasong hawak nila.
"Case closed. Hahaha. Natakot silang lahat kay Baby. Para kasing makiki-purge din eh. Hahaha!" Sabay bawi niya.
"Sayo kaya natakot. Mukha ka kasing mangma-massacre eh. Hahaha." Bawi ni Baby para makabawi sa pangaasar ni Renz/Fumetsu.
"Ano ba ang hitsura niya?" Tanong ko.
"Naka itim. All black, mukhang terorista. Mukhang Maute-ISIS. Hahaha. Tapos may dala-dala pang samurai." Si Andrei naman ang sumagot. Halatang pinagkakaisahan nila si Renz/Fumetsu.
Pagkatapos ay nagtawanan kami. Ginaya kasi nila ang isa't-isa nung sino-solve pa nila yung kaso.
"Kayo ba Gervin, ano nangyari sa kaso ninyo?" Tanong ko.
"Nahuli na naman namin yung killer. Kaso, hindi naging maayos." Sagot niya at nabakas namin ang inis at lungkot sa mukha nila.
"Paanong hindi naging maayos?"
"Yung kasing asset namin, pinatay ng killer." Sagot ni Crisselle na halos maiyak na.
"Nakakalungkot naman." Sabi ni Rainie at nakita ko na nalungkot din siya.
"Kayo naman Nath, ano, closed naba ang kaso na hinahawakan ninyo?" Tanong ni Andrei para mailihis ang usapan.
"Hindi namin nahuli yung killer." Sagot ni Nath.
"Bakit naman?" Si Baby naman ang nag tanong.
"Kasalanan ko." Sabi ko.
"Ano kaba Mikael, hindi mo kasalanan ang nangyari." Sabi ni Rainie.
"Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Renz/Fumetsu.
"Aksidenteng napatay ni Mikael yung killer. Nanlaban kasi yung killer, kaya nagkaroon ng shoot out. At yun na nga, napatay niya yung killer." Sagot ni Rainie.
"Pero kung ako din naman ang nasa kalagayan ni Mikael, ganoon din ang gagawain ko. Dahil nga sa nagkaputukan, may isang pulis na tinamaan. At kung hindi niya binaril yung killer, yung pulis na kasamahan namin ang mamatay." Dugtong ni Nathaniel.
Nagpatuloy ang ang pagshe-share namin ng mga nangyari sa amin habang sinosolba namin ang kaso. At pagkatapos namin mag share ng mga nangyari sa amin, nagpaalam na fin kami sa isa't-isa para umuwi sa kanya-kanyang mga tinitirahan.
Nang makauwi na kaming tatlo sa apartment na tinutuluyan namin, sinabi sakin ni Fumetsu na may pag-uusapan daw kaming tatlo na seryosong bagay.
"Ano ba pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Gusto ko lang ipaalam sa inyong dalawa na alam na nung dalawang Senshin na ka-grupo ko na erityian din ako." Sabi ni Fumetsu.
"Paano naman nila nalaman?" Tanong ni Fushishen.
"Habang nasa kaso kami, hindi nila sinasadyang magamit ang mga katangian nilang maging erityian."-Fumetsu
"Ano ang mga katangian nila?" Tanong ko.
"Si Andrei, o kilala sa kanilang lahi bilang Ken, ang katangian niya ay enhanced smelling. Kaya niya maamoy ang kahit ano at malayo ang range ng pang-amoy niya."
"Si Baby, ano naman ang sa kaniya?"-Fushishen
"Si Baby naman, o mas kilala din sa lahi nila na bilang si Akane, enhanced hearing naman. Kayang niyang marinig kahit ang pinaka sensitibong tunog. At gaya ni Andrei o Ken, malayo din ang range ng pandinig niya."
"Ikaw ba, nalaman nilang erityian?" Tanong uli ni Fushishen.
"Nangmalaman kong mga erityian sila, nagpakilala din ako sa kanila bilang isang Senshin. Pero wag kayong mag-alala, di ko sinabing erityian din kayo. Dahil sa mga senses ang gamit nila, ginamit ang enhanced sense of feeling natin. Ginawa ko iyon para mag mukhang Senshin din ako. At ginawa ko din iyon para makaligtas kami."
"Kung una namang lumabas ang pagiging-Senshin nila, okay lang iyon. As long as wala kang ibinigay na impormasyon tungkol sa atin." Sabi ko.
"Ang totoo nan, ako din." Pag amin ni Fushishen.
"Anong ikaw din?" Tanong ko.
"Alam na din nilang erityian ako. Pero ang alam nila ay isa akong Huntres. At katulad ni Fumetsu, sila din ang unang naglabas ng pagiging erityian nila. Lumabas ang pagiging erityian nila ng makita naming papatayin na ng killer yung asset namin. Si Gerald o Reiji sa lugar ng mga Senshin, ang katangian niya ay muscle manipulation. Ginagmit niya ang katangian niyang iyon para mailigtas ang asset namin. Sinira niya ang swinging axe na pumapatay sa mga biktima ngunit may baril pala ang killer at binaril ang asset namin. At ginamit ko naman ang yelo para matakpan at mamanhid ang sugat. Pero ng mahuli na ang killer at ng lapitan kami ni Riye o Crisselle, sinabi niyang may tinamaang sensitibong ugat kaya hindi na rin magtatagal ang asset namin. At di nagtagal, namatay na nga ang asset namin."
Magkatapos magkaaminan at napatahimik kami sandali. Walang umiimik sa amin kahit isa. Ngunit binasag ko ang katahimikan.
"Ngayong alam na nila na parehas kayong erityian at alam din natin na silang anim ay magakakasama, ano ng plano ninyo?"
"Plano kong sumali sa mga senshin para mas maka kuha pa ng maraming impormasyon tungkol sa kanila." Sabi ni Fumetsu.
"Ikaw naman Fushishen, gusto mo din bang sumali sa mga Huntres?" Tanong ko.
"Sana. Kung may huntres akong makikilala, sasali na ako sa kanila." Sagot ni Fushishen.
"Eh ikaw, anong plano mo?" Tanong sa akin ni Fumetsu at sumangayon si Fushishen.
"Ako na ang maiiwan sa mga Shinigami. Lahat ng makukuha ninyong impormasyon, ibigay ninyo sa akin para maibigay ko sa mga Shinigami." Sabi ko.
Lahat kaming tatlo ay sumang ayon sa naisip ko.
"Kapag nakita na ninyo uli sila bukas, kausapin mo na sila Andrei at Baby Fumetsu, ikaw din Fushishen. Kausapin mo sila kung may kilala silang mga Huntres para mas madali kang makasali sa kanila."
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
FanficWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.