Chapter 5: Hybrid Erityians

222 8 0
                                    

"Hybrid Erityian? Ano ang pinag sasabi mo?"

"Ikaw ay isang hybrid erityian. Maya-maya lang ay ipapaliwang ko sa iyo pati na sa mga kasama mo kung ano ang erityians at hybrid erityians." Ang sagot ng doktor sa akin.

Ang mga nurse ay pinapakain ako ng mga masasarap na pagkain. Kahit na mukhang nasa isang hospital room ako, ay hindi mga pagkaing ospital ang pina-pakain nila sa akin at sinusubuan pa nga ako. Pina-pakain nila ako ng karne, manok, gulay, mga prutas. Kahit ayokong kumain, ay napilitan ako dahi sa gutom ko.

"Nurse, sabihin ninyo sa akin ang totoo. Ano ang ginawa ninyo sa akin at gaano na ako katagal dito?" Tanong ko sa isa sa mga nurse na nagpapakain sa akin.

"Wala kaming karapatan na sagutin ang mga katanungan mo." Ang sagot nito sa akin.

"At kung gusyo mo na malaman ang sagot sa mga katungan mo, kailangan mo munang kainin ang lahat ng ito para maka bawi ka ng lakas. At si Dr. Takashi na ang bahalang sumagot sa mga katanungan mo." Ang sabi naman nung isang nurse.

"Dr. Takashi? Sino naman yun?"

"Siya yung doktor dito kanina."

Pagkatapos nga mga pag-uusap namin ay pinakain nalang nila ako ng pinakain para daw bumalik ang lakas ko at para mabusog na din.

Makalipas ang halos dalawang oras makalipas ko na kumain, bumalik yung dalawang nurse na kasama ko at may dala sila na wheel chair.

"Bakit may dala kayong wheel chair?" Tanong ko sa kanila.

"Dadalahin ka na namin sa mga kasama mo at kay Dr. Takashi para magkita-kita na kayo at masagot ang mga katanungan ninyo."

Inalis nila ang kamay ko sa pagkaka-gapos at dahan-dahang inalalayan sa pag-upo sa wheel chair. Pagkatapos ay lumbas na kami ng kwarto.

-/-/-/-

"King! Pres!"

"Emperor!"

Nagyakapan kaming tatlo dahil muli kaming nagkita-kita at alam namin na ligtas ang bawat isa sa amin.

"Binabati ko kayong tatlo. Dahil sa mahigit isang libo na inoperahan namin, ay kayong tatlo lamang ang nabuhay at naging mga hybrid erityians."

"Teka. Ano ba yang hybrid erityians na sinasabi mo?" Tanong ko kay Dr. Takashi.

"Oo nga dok. Kanina ka pa namin tinatanong at ang sabi mo, sasabihin mo lang sa amin kapag kumpleto na kami." Ang sabi ni King.

"Sabihin mo na dok nang nasasagot na mga katanungan namin." At sabi naman ni Pres.

"Ok. Bago ko ipaliwanag ang hybrid erityians, ay ipapaliwanag ko muna sa inyo kung ano ang erityians at ang history ng mga ito."

At ipinaliwanag na nga niya sa amin kung ano ang erityians at ang history nila.

"So dok, ayon sa mga sinabi mo sa amin, ang erityians ay may apat na lahi o tribo. Ang Senshins, Shinigamis, Huntres, at ang Custos." Ang sabi ni Pres.

"Tama ka jan 0041."

"At sinabi nyo rin na ang bawat lahi o tribo ay may kanya-kanyang katangian o unique abilities." Sabi ni King.

"Tama ka 0040"

"At base naman sa pagkaka-rinig at pagkaka-intindi ko, ang Senshins at Shinigamis magkapatid ang ninuno. At ang mga Huntres at ang mga Custos naman ay nagmula sa ibang panig ng mundo. At isa pa, ang ang bawat lahi ay may kanya-kanyang unique abilities." Ang sabi ko.

"Tama ka din jan 0039."

"Kung ganoon, ano itong sinasabi ninyo na "hybrid erityians"?" Ang dugtong ko.

"Ok. Ito na ang gusto ninyong malaman kanina pa. Kung ano ang hybrid erityians." Sabi ni Dr. Takashi at umupo siya sa lamesa na nasa harapan namin.

"Ang hybrid erityians, which is kayo." Sabay turo sa aming tatlo.

"Ay pinag sama-sama ang mga katangian ng apat na tribo ng erityians. Magagamit ninyo ang mga abilidad nila. Halimbawa, ang mga Senshins ay kilala sa pag gamit nila ng tinatawag na Sixth Sense o yung above the level ang senses nila. Ang ilan sa kanila ay kayang makakita ng ilang kilometro ang layo mula sa kanila. Ang iba naman ay kayang marinig ang pag-uusap ng mga tao kahit ilang kilometro ang layo nito. At marami pang iba. Ang mga Shinigamis naman, tulad ko, ay kilala sa pag gamit ng Black Dimension. Ang black dimension, ay isang dimension kung saan papasok ka lang doon at lalabas kung saan mo gugustuhin. Sa madaling salita, para syang teleportation. Ang mga Huntres naman ay kilala sa pag gamit at pag kontrol ng mga elemento. Tulad Hangin, Tubig, Lupa, Apoy, Yelo, Kidlat, Halaman , Lason, pati na din ang tinatawag na light and dark attributes. Samantalang ang mga Custos naman sa kabilang banda, ay kayang bagu-baguhin ang kanilang anyo bilang tao. Kaya nilang gayahin ang kahit sino mang tao na gusti nilang gayahin."

"Astig!"

Sabay-sabay na sabi naming tatlo.

"Pero mas astig kayo. Kasi kaya ninyong gamitin ng sabay-sabay ang mga iyon ng walang kahirap-hirap."

"Yeah! Ang astig palang maging erityian." Sabi ni King.

"Dapat mapag-aralan natin kung gamitin at kung paano kontrolin ang mga katangian na iyon." Ang sabi ako at tumango silang dalawa.

"Magpahinga na kayo at bukas din ay tuturuan ko kayo kung paano magbukas, gumamit, at magsara ng black dimension."

"Yes! Matututo na tayong mag teleport!" Sigaw ni Pres at tinaas ang kaniyang kamay sa tuwa. At ganoon din ang ginawa namin ni King.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now