Chapter 23: Finding Akuma (Part 1)

111 8 0
                                    

*Leila Chan*

Bumalik ako dito sa bahay kung saan ako dinala ni Akuma, at kasama ko sila Fushishen at Fumetsu. Nagbabaka sakali kaming nandito si Akuma para magkita-kita at magkausap-usap na silang muli. Sa kasamaang palad, wala na dito si Akuma.

"Leila, Fushishen, may nakita ako ditong sulat." - Fumetsu

Lumapit kami kay Fumetsu para tingnan ang sulat na nakita niya. May nakasulat ditong parang mga tula o bugtong na hindi ko naman maintindihan kung para saan.

'Isang madilim at maluwang na lugar. Kung hindi mo alam ay mapapahamak ka. Kung alam mo naman ay maliligaw ka.
Isang mundong puno ng kawalan.'

                                                              -Akuma

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. Pero nakita ko sa mukha nila Fushishen at Fumetsu na napangiti sila sa nabasa nila.

"Bakit kayo ngumi-ngiti? Anong meron?" - Leila Chan

"Hahaha. Wala pa din kasi siyang pagbabago. Ganito pa din siya." - Fushishen

"Huh?" - Leila Chan

"Si Akuma. Simula kasi ng matutunan niya na mag solve ng ganitong riddle clues, ginaya na niya ito." - Fumetsu

Ah, kaya pala napangiti sila ng basahin namin ang sulat. Kung sabagay, alam ko namang si Akuma ang may gawa non. Pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Umalis na kami para bumalik sa Headquarters ng mga Huntres. Nang nandito na kami ay tinanong kami ng mga Huntres at mga Senshins kung ano ang nangyari sa lakad namin. Ipinakita nila ang sulat ni Akuma, at sinubukang ipa-decode ito sa kanila.

-/-/-

*Fumestu*

Wala pa din talagang pagbabago si Akuma. Katulad pa din ng dati. Gumagamit ng mga codes para itago ang mga gustong sabihin.

Dine-decode ngayon nila Akemi ang code na iniwan ni Akuma para sa amin.

J bn jo uif qmbdf uibu pomx gfx dbm tdd nf

Hp uifsf bme znv xjmm gjoe uif qjfdf pg b qbsu pg nf

"Na de-code ko na!" - Reiji

Lumapit kaming lahat sa kanila para tingnan ang nakasulat dito.

I am in the place that only few can see me

Go there and you will find the piece of a part of me

Habang binabasa namin ito ay pinag-iisipan namin kung ano ang tinutukoy niya. Marami at malawak kasi ang kahulugan ng mga sinabi niya. Well, ano pa nga bang aasahan sa isang taong masikreto.

"Hindi kaya ang tinutukoy niya ay isa sa mga lugar na pinagtataguan ninyo dati?" - Ken

"Hindi. Wala naman kaming mga lugar na pinagtataguan maliban sa Shinigami base."

"O baka naman noong mga Humdrums pa kayo, baka may naalala kayong lugar na kayo lang ang nakaka-alam." - Ash

"Wala din. Dahil ang mga malimit namin tambayan noon ay ang mga computer shops. At sinabi niya na, kakaunti lang ang may alam." - Fushishen

"Baka naman may iba pa siyang kuta o tinitirahan dito sa mga Divisions." - Leila Chan

"Pano at bakit mo naman nasabi yan." - Akemi

"Kasi malakas siya. Kaya niyang gawain ang kahit anong gustuhin niya." - Leila Chan

"Kung sa bagay, may punto si Leila Chan. Maaaring may pinagtataguan nga si Akuma dito."

"Kung ganoon, maghanda na tayo para hanapin si Akuma." - Fushishen

-/-/-

*Fushishen*

"Kung ganoon, maghanda na tayo para hanapin si Akuma."

Naghahanda kami para sa hanapin si Akuma sa mga Divisions. Nang makapag handa na ang lahat, sinimulan na naming hatiin ang ang grupo sa apat.

"Leila Chan, Ashley, Ken, Akane, kayo sa East Black."

"Hiro, Akemi, at ako, tayo sa West Black."

"Fumetsu, Gemma, Miles, kayo naman sa South Black."

"Crystal, Kelsey, Reiji, kayo naman ang sa North Black."

Pagkatapos namin mag grupo, hindi na kami nagsayang pa ng oras. Umalis na agad kami para hanapin si Akuma.

Lumpias ang isang buong araw, at wala kaming nakita na kahit anong bakas ni Akuma.

Kinabukasan, nag meeting ulit kami. Pinag-usapan at pinag isipang mabuti ang ang ibig sabihin ni Akuma sa sinulat niya.

"Hindi kaya nasa isa siya sa base ng erityian?" - Akemi

"Bakit mo nasabing isa sa mga base?" - Fumetsu

"Kasi, diba sabi niya na nasa lugar siya na iilan lang ang may alam. Kaya pwedeng mangahulugan na nasa base siya ng isa sa mga erityian tribes." - Akemi

Lahat kami ay napaisip sa sinabi ni Akemi. Tama siya dahil kakaunti lang din naman ang may alam ng mga erityian tribes bases. Matapos matahimik ng ilang minuto dahil sa pag-iisip kung posible ang sinabi ni Akemi, napag pasyahan namin muli na mag grupo ulit at puntahan ang tatlo pang base na pwedeng pinagtataguan ni Akuma.

-/-/-

* Yun pong klase ng codes ay Credits and Copyrights kay Miss Purpleyhan ( Ann Lee).

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now