Chapter 40: Angel with a shotgun

52 2 0
                                    

Nang makabalik na kami sa base ay agad naming ipinag utos na ikulong si Hiela at bantayang mabuti para hindi makatakas. Pagkatapos ay pumunta ako sa opisina ng boss para ipakipag usap ang isang bagay,

"Anong kailangan mo Akuma?"

"Hihingi lang sana ako ng pahintulot sa aking pag alis."

"Malaya ka naman na gawin ang lahat ng gusto mo diba? Eh bakit nahingi ka pa ng pahintulot na umalis na para bang sinasabi mong wala kang kalayaan dito."

"Bakit ba ang sungit mo sakin ha?"

"Kasi napabayaan mo siya!"

"Si Leila Chan?"

"Sino pa ba? Siya lang naman tong napabayaan mo diba?!"

"Oo aaminin ko na napabayaan ko siya, nakalimutan iligtas sa kamay ni Hiela, pero ano naman ang ikinagagalit mo doon?!"

"Kasi kapatid ko siya!"

Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na kapatid siya ni Leila Chan. Kung sabagay, wala din naman kaming nasyadong napagsamahan at napagkwentuhan ng mga buhay namkn kaya hindi ko alam ang buhay niya, ang background niya noon, at kung humdrum ba o isang erityian bago maging demi-hybrid erityian.

"K-kapatid mo si Leila Chan?"

"Sinabi ko na diba?"

Naging tahimik kaming dalawa ng panandalian at bigla nalang siyang naluha. Pagkatapos ay ikinuwento niya sa akin ang kanilang storya sa buhay. Nalaman kong sila ay mga tunay na Huntres na pagkukunan sana ng mga mata. Ngunit nagbago ang isip ng mga Shinigami kaya sa halip na kunin ang kanilang mga mata, ginawa nalang nila ang ginawa nila sa amin. Pero hindi katulad ng sa amin, mga mata ng kapwa nila Huntres ang ibinigay sa kanila. At ng maghimagsik ang ilan sa kanila ay nakakuha sila pagkakataon na tumakas. Ngunit sa kasamaang palad ay nahuli siya ng mga Shinigami at ikinulong, samantalang si Leila Chan naman ay naka takas.

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay lumabas na ako ng hindi alam kung saan ko ba siya hahanapin. Sinabi niya din sa akin tanging kaming dalawa lang ang nakaka alam ng tungkol sa pagiging magkapatid nila. Angbalam din kasi ng mga kasama niya ay patay na ang kapatid niya. Pumasok ako sa kwarto at nag shower para kahit papaano ay malamigan ako. Pagkatapos ay humiga ako habang tumatakbo pa din sa isip ko kung nasaan na siya. Sa kakaisip kung saan ko siya hahanapin, ano na ang nangyari sa kanya, may sinasamahan din ba siya katulad ko o nagsosolo siya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

-/-/-/-

Napansin kong naghahandang mabuti ang mga special elite para sa isang laban. Nang tanungin ko sila ay tututlungan das nila ang mga Huntres sa problema nila. Sinabi kong sasama ako pero hindi sila pumayag.

"Bakit ayaw ninyo akong pasamahin? Mga kaibigan ko sila at gusto ko silang tulungan." - Akuma

"Hindi pwede. Ang utos sa amin ni boss ay kaminlang daw dapat. At mas kailangan ka daw niya dito." - Hidan

Hindi ko na ipinilit pa ang sarili ko na sumama sa kanila. Pumunta nalang ako sa opisina niya para itanong kung meron ba akong pwedeng gawain dahil sa hindi ako mapakali dahil sa kakaisip kay Leila Chan. Katulad ng dati, may iniabot siyang folder na posibleng magiging misyon ko. Pero hindi na siya masungit sa akin, bumalik na kami sa dati naming ginagawa, nagbibiruan, nagkukulitan, ay kung minsan ay saglit na subukan ng lakas namin. Nagpaalam na ako sa kanya para pag aralan ang bagong misyon ko. Nang maihanda ko na ang lamesa kung saan ko inaaral ang misyon ko, ay may tumawag sa pintuan ko.

"Meryenda po Sir Akuma?"

"Ah sige, yung katulad pa din ng dati ha?"

Sumaludo ito sa akin at inihahanda ang magiging meryenda ko. Ito pa din yung batang alipin na lagi naghahatid sa akin meryenda. Nang maihanda na niya iyon ay binigyan ko ulit siya ng pera. Pagkatapos ay sinimulan ko ng basahin ang laman ng folder.

Name: Eien, The Unforgiven

Alias: The Angel with a Shotgun

Gender: Female

Age: Unknown

Tribe: Hybrid Erityian

Location: Unknown

Last Seen: Abandoned House at West Black Division

Description: Highly dangerous. Petite girl with a red hair color. She is always wearing a mask so we don't know her age. She is also carrying her shotgun that fires Huntres elements.

Base sa mga nakasulat dito at sa mga larawan na kasama nito, si Leila Chan ang babaeng ito. Pero ang nakasulat sa pangalan niya ay ang dating disguise ko na si Eien, the unforgiven. Malamang na sa mga Custos galing ito dahil sila lang ang tumatawag sakin ng unforgiven. Hindi ko alam kung alam naba ng boss na ako ang dating Eien at kung alam din ba niya na si Leila Chan ang bagong Eien na ito.

Ngayon ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko pa ba sa kanya ang nalaman ko tungkol dito. Posible kasing alam na niya dahil siya ang nagbibigay ng misyon naminh lahat. Pero napagpasyahan kong hindi nalang sabihin at gawain ang misyong ito ng mag isa. Pupuntahan ko si Leila Chan ng mag-isa at iiuwi ko siya dito para magkasama silang muli ng kapatid niya.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now