Chapter 9: Meeting the Ice Goddesses

268 8 0
                                    

Hindi pa din ako makatulog ng ayos dahil sa nakita last 4 days ago. Hindi talaga ako paniwala na makaka-kita kami agad ng dalawang lahi ng erityians sa maikling yugto ng panahon.

"Di ka pa din maka-tulog?"

"Hindi pa nga din eh. Hindi ako makatulog dahil sa lagi pumapasok sa isip ko yung pagkaka-kita natin sa dalawang lahi ng erityian sa maikling yugto ng panahon."

"Hindi kaya, may kailangan sila sa atin? Kasi diba nung una nating na meet yung anim, hinahanap nila tayo."

"At ganoon din ang ginagawa ng mga  Custos. Hinahanap din nila tayo."

Nagpatuloy lang ang pag-iisip namin ng dahilan kung bakit kami hinahanap ng dalawang lahi ng erityian. At nanatiling palaisipan sa amin kung ano ang lahi noong anim na misteryoso. Hanggang sa naka-tulog na kaming tatlo dahil sa kai-isip namin.

-/-/-/-

1 year after

"Hoy, gising na."

"Maya na. Five minutes pa."

"Kapag hindi ka pa bumangon, bubuhusan kita ng tubig."

Hayyyy, isang taon na pala ang nakalipas. Tandang-tanda ko pa na parang kahapon lang yung mga nangyari sa amin noong napasok pa kami. Naalala ko pa noong unang beses kaming naka-kita ng mga erityian na ibang lahi.

"Hoy Akuma, tuloy ba tayo sa East Black?"

"Oo, tuloy tayo."

"Ano ba yung ibinilin sa iyo ni Dr. Takashi?"

"Pinapa-bili nya tayo ng ilang sandata para daw sa mga elites."

"Ah. Ganun ba?"

"Oo, ganoon. Kaya bumangon kana sa kama mo at maligo kana. Maaga tayong aalis para maaga din tayong makauwi."

-/-/-/-

Kasalukuyan kaming nandito sa East Black para mamili ng mga sandata para daw sa mga elites. Naghiwa-hiwalay kami para mapa-bilis ang pagbili namin ng mga sandata.

"Hoy! Ibalik ninyo ang mga yan!"

Nakita namin na may mga magnanakaw na ninakawan ang isang dealer ng mga armas. Tutulungan na sana namin yung ninakawan ng biglang, nakita namin na may sumugod sa kanilang mga babae. Yung tatlo ay mga teen agers at may kasama silang dalawang nene.

"San kayo pupunta?" Sabi noong isang nene at nilabas niya ang whip niya. Pero ang mas ikinagulat ko, ay noong hulihin niya yung isang magnanakaw ay bigla itong nagyelo.

'Mga Huntres sila na may ice attribute.' Narinig ko na sinabi ni Fumetsu sa isip ko at malamang pati na din kay Fushishen.

"Hanggang dyan lang kayo!" Sabi naman nung isang teen age na babae na mag hawak na boken. And wow! Napatumba niya yung tatlo sa isang slash lang ng boken niya. At katulad nung sa nene, nagyelo din ang boken niya at may namuong yelo sa parteng tinamaan noon.

"Hindi kami papayag na kayo lang! Tandash, sayo yung isa, sa akin yung isa!" Sabi nung isa pang nene at nag labas siya ng twin guns. At sigurado na may yelo din iyon.

"Sige!" Sagot naman noong isang teen ager at naglabas siya ng dalawang kutsilyo na may namumuong yelo sa tip nito. At katulad ng nangyari sa mga kasama nitong mga magnanakaw, talo din sila.

Samantala yung isa naman ay kinuha lang yung insignia doon sa isa sa mga magnanakaw at umalis. Sinundan namin yung lima hanggang sa na corner sila ng isang gang. Sobrang dami ng kalaban nila, at noong hindi na nila kaya ang mga kalaban, ay napagpasyahan namin na tulungan na sila.

"Salamat sa inyo mga kuya." Sabi noong isang nene habang inaayos ang whip niya.

"Wala lang iyon. Napadaan lang naman din kami dito at nakita namin na hindi ninyo kaya ang mga kalaban ninyo, kaya tumulong na kami." Sabi ni Fushushen(Pres).

"Ako nga pala si Gemma." Sabi nung babaeng may boken.

"Nice to meet you." Sabi namin at isa-isa namin siyang kinamayan.

"Ako naman si Ashley. But you can call me Ash." Sabi noong babaeng may dalawang kutsilyo.

"Nice to meet too." Sabi namin at kinamayan din namin siya.

"Ako naman si Miles at siya naman si Kelsey."

"Nice to meet you mga nene." Sabi ko at medyo nainis sila.

"At siya nga pala si Krystal. Siya ang leader namin."

"Nice to meet you, Krystal." Sabi namin.

"By the way, ano nga mga pangalan ninyo?" Tanong ni Gemma.

"Ako nga pala si King."

"Ako naman si Pres."

"At ako naman si Emperor."

"Wow! Astig ang mga pangalan niyo ah? Mga namumuno sa mga bansa. Hahaha." Sabi ni Gemma.

"Oh sige. Mauna na kami sa inyo at may gagawain pa kami. Bye. See you next time." Kaway ni Gemma habang naglalakad pa alis kasama ang mga kasama niya.

"Bye. See you next time din." Pag kaway ko pabalik sa kanila.

"Tara na. At baka maubusan tayo."

"Sige tara. Let's go."

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now