Chapter 39 : Where are you

47 2 0
                                    

Bumalik kami sa base ni Hiela. Kapansin-pansing wala ng mga bata nagte-training dito. At parang nagkaroon ng malaking gulo dito dahil sa mga sirang gamit at mga sirang-sira ang paligid.

"Nasaan na sila Leila Chan?" - Akuma

"Sinong sila?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung ano nangyari dito. Sobrang gulo ng paligid at sira-sira ang mga gamit at establishimento.

"Yung mga kasama mo." - Akuma

"Wala na sila. Sinugod kami at pinatay silang lahat." - Leila Chan/Hiela

Dahil sa sagot niya ay lalo nya lang sinasabi sa akin na hindi siya ang tunay na Leila Chan. Naglakad kami papunta sa laboratory room kung saan ko nakita dati ang katawan ni Leila Chan na nasa cryogenic chamber. Lahat ng gamit dito ay magulo at sira, at naka kita pa ako ng ilan pang buo na cryogenic chamber. Habang inihahanda niya ang operating table ay tinanong ko siya,

"Sabi mo sa akin ay sinugod kayo, sino ang sumugod sa inyo?"

"Sino pa ba, edi mga erityian." Inis na wika nito.

"Alam kong erityian ang may gawa, base sa mga nakikita ko dito. Pero gusto ko lang malaman kung sino o anong lahi." Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng masama.

"Bakit ba intresado ka ha?"

"Dahil nag-alala ako sa iyo. Nakikita kong matindi ang pinagdaanan ng lugar na ito," at hinawakan ko ang ilang sirang gamit na nandoon.

"Nag-alala? Eh kinalimutan mo nga ako. Hinayaan mo akong mapagexperimentuhan. Tapos sasabihin mong nag-alala ka?"

Wow, ang galing, ang galing magsinungaling.

Nangmaihanda na niya ang operating table ay sinabi niyang humiga na ako doon para masimulan na at maging isa na siyang ganap na Diyosa. Humiga na ako sa operating table at nagsuot na siya ng mga operating gloves.

"Hindi mo kailangan gawain ito Leila, alam kong hindi ikaw yan. Alam kong hindi sapat na dahilan ang makalimutan ka." Sabi ko at hindi niya nakikinig. Tapos ay itinutok na niya sa mukha ko ang ilaw ng biglang sumabog ang pader sa ulunan ko.

"Wag kang kikilos kung ayaw mong mamatay."

Tumingin ako sa bandang ulunan ko at nakita special elite officer.

"Kayo na naman! Hindi pa kayo nakokontento sa ginawa ninyo sa akin?"

"Manahimik ka nalang." - Nyn Chan

Pagkatapos ay biglang tumakbo si Leila Chan a.ka. Hiela palabas at hinabol siya ng iba. At yung iba naman ay kinalag ang pagkakatali sa akin sa kama. Nangmakalagan na ako ay lumabas kami at hinanap namin ang mga kasama namin na humabol kay Hiela. At nakita namin sila na binabantayan ang nakataling si Hiela. Pinalakpakan ko Hiela na mistulang inaasar ko siya.

"Isa ka sa kanila Akuma?" Sabi nito na para bang hindi makapaniwala.

"Oh come on Leila or should I say HIELA!" Wika ko at pinandilatan siya ng mata.

"P-paano mo nagawa sa akin ito Akuma?" Sabi nito at bigla nalang umiyak sa harapan namin.

Galing talaga umarte, pang best actress.

"Hindi ko inaasahan na isa ka pala sa kanila. Hindi ko inaasahan na ta-traydorin mo ako." Sabi nito habang patuloy sa pag-iyak.

"Hindi mo ako maloloko Hiela. Sabihin mo na kung nasaan ang tunay na Leila Chan, at ipanpangako ko sayo na hindi ka nila pahihirapan pa."

"A-anong bang sinasabi mo? Ako ito si Leila Ch-"

Bago pa niya masabi ang sasabihin niya ay sinampal ko siya.

"Hindi mo ako maloloko. Sasabihin mo sa akin kung nasaan na ang tunay na Leila Chan at hindi ka na maghihirap."

"Ako nga ito! Si Leila Chan!"

"Hindi mo ako maloloko! Nakita ko ang mga cryogenic chamber. Nabasag iyon mula sa loob. Kaya alam kong nakalabas siya mula doon. Kaya sasabihin mo ba sa akin kung nasaan siya, o mahihirapan ka pa?"

Tumigil ito sa pag-iyak at bigla nalang tumawa. Tumatawa ito ng tumatawa ng malakas ng sipain ni Aika. Napatigil ito sandali sa pagtawa at nagsalita,

"Hindi mo siya mahahanap Akuma." Sabi nito at magsisimula na naman sa pagtawa ng sikmuraan naman siya ni Hidan.

Sinabi kong gulpihin na muna nila ng kaonti at baka sakali magsalita na ito.

"Uilitin ko ang tanong Hiela, nasaan si Leila?"

"Sabi na ng hindi ko alam! Bakit ba ang kulit mo!"

Sinenyasan ko sila na gulpihin ulit Hiela. Kahit pa babae siya matindi ang galit ko kanya. Kung ako lang ang gagawa ng ginagawa nila, ay baka mapatay ko na ito.

"Huling tanong Hiela, at hinding-hindi ko na uulitin to, nasaan na si Leila Chan?"

"Sabi na ngang hindi ko alam! At ikaw na din ang may sabi diba, nabasag ang cryogentic chamber sa loob. Kaya ibig sabihin ay nakalabas siya. Tapos itatanong sakin kung nasaan siya? Ha! Tanga ka nga talaga Akuma."

"Sabihin mo na kung saan mo siya intinatago."

"Hindi ko alam! Hindi ko alam! Hindi ko alam!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa akin.

"Siya ang may gawa ng lahat ng ito, lahat ng nakikita mo ay siya ang may gawa. Pinatay niya lahat ng tauhan ko, mga bata at matatanda. At pagkatapos ay winasak niya ang buong paligid, kagaya ng nakikita mo. Naglaban kaming dalawa, at hindi ko siya kayang talunin dahil sa ginawa ko sa kanya." Sabi nito at nagtatawa na naman. Nasiraan na ng bait.

"Anong ginawa mo sa kanya?"

"Ginawa ko lang naman ang panlimang hybrid erityian na katulad natin. Pero hindi lang basta isang hybrid erityian, isang GOD HYBRID ERITYIAN! Hahahahahahahaha!"

Nakawala siya sa pagkakatali nila sa kanila at nagtangkang tumakas ng barilin siya ni Sammy Gummy.

"Bakit mo siya binaril sa batok?! Alam mo naman sigurong mamatay siya dahil doon diba? At may mga gusto pa akong itanong sa kanya, ngunit ay hindi ko na maitatanong pa. Salamat sayo." Galit kong sinabi kay Sammy Gummy at nagtangkang umalis ng bigla itong nagsalita,

"Wag ka ngang OA dyan Akuma. Mataaas na dosage lang ng nerf vaccine lang ang balang ginamit ko sa kanya. At isa pa, hindi malalim ang tama niya. Sapat lang sukat noon para tumagos sa balat niya." - Sammy Gummy

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Oo naging OA ako dahil sa ginawa niya, kasi hindi ko alam kung nasaan na si Leila Chan. Pagkatapos noon ay ipabuhat ko na siya sa kanila at bumalik na kami sa base namin.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now