Chapter 6: Black Dimension

216 6 0
                                    

"Yes! Matuto na tayong mag teleport!"

Dahil dumating na si kinabukasan, tuturuan na kami ni Dr. Takashi na mag-bukas, gumamit at mag-sara ng black dimension.

"Ano, handa na ba kayo na matuto na gumamit ng black dimension?"

"Opo dok."

"Yes sir."

"Kanina pa dok."

Sagot naming tatlo kay Dr. Takashi.

"Ok. Kung ganoon ay mag simula na tayo." Sabi ni Dr. Takashi habang nagpapalakad lakad sa harapan namin.

"Ang unang step ay isipin ninyo na may binubuksan kayo na isang dimensyon. Mag pokus lang kayo ng mag pokus doon. Wag kayong iisip ng kahit ano."

"Eh Dr. Takashi, paano namin malalaman kung nakakagawa na kami or nakakapag-open na kami ng isang black dimension?" Tanong ko.

"Makakaramdam kayo ng parang may bumubukas na dimensyon at unti-unti kayong hinihigop nito."

"Eh ano naman po ang pakiramdam kapag nakapasok or nasa loob na kami ng black dimension?" Tanong naman ni Pres at nag nod naman si King.

"Dahil sa mga baguhan pa lamang kayo at ngayon palang gagawain ito, makakaramdam kayo ng parang burning sensation or para kayong nasa loob ng isang malaking oven, ngunit hindi kayo nasusunog." Ang sagot naman ni Dr. Takashi.

"Ok po. Naintindihan na namin." Sabi ni King.

Pagkatapos noon ay sinubukan na naming tatlo na mag bukas ng black dimension. Sa unang tingin mukhang madali lang. Kasi, magpopokus ka lang naman at iisipin na nagnubukas ka ng isang portal o dimensyon. Pero ang hirap pala.

Hindi kami sumu-suko sa pag bubukas nito. Kahit na pagod na kami at masakit na ang ulo namin ay sige lang pagpo-pokus para makapag open ng black dimension. Hanngang sa........

"Wooo! Nakapag open na ako!"

Tuwang-tuwa si King ng makapag open sya ng black dimension kahit kasing laki ng ito ng kamao niya.

"Good job, Fumetsu." Sabi ni Dr. Takashi.

"Fumetsu?"

"Sino si fumetsu?"

Nagta-taka naming tanong kay Dr. Takashi.

"Ikaw yun King. Simula ngayong araw ay magkakaroon na kayo ng alrernative names." Sabi ni Dr. Takashi.

"Eh bakit fumetsu pa? Pwede namang King ah? Total alternative name ko din naman yun. Pati ang sagwa kasing pakinggan. Tunog Fuwetsu. Tunog puwet." Pagrereklamo ni King.

"Hahahahaha!"

Tumawa kaming dalawa ni Pres dahil sa sinabi nya.

"Alam mo ba ang meaning ng fumetsu? Baka kapag nalaman mo anh meaning ay palitan mo na ang pangalan mo ng fumetsu." Sabi ni Dr. Takashi habang nakangiti.

"Eh ano ba meaning ng fumetsu Dr. Takashi?" Tanong ko.

"Ang fumetsu ay japanese word for "immortal.". Yan ang meaning ng fumetsu." Sagot ni Dr. Takashi.

Napanga-nga kami at napa-wow sa meaning ng fumetsu. Kung kanina ay tunog katatawanan, yun pala ay ang astig ng meaning.

"Kaya kayong dalawa, kung gusto nyo din mabigyan ng alternative names at malaman ang meaning, mag pokus kayo ng maiigi." Ang payo sa amin ni Dr. Takashi.

"At ikaw naman, fumetsu, mag pokus ka pa nang mas maiigi, para lumaki ang bkack dimension mo." Ang payo naman ni Dr. Takashi kay Fumetsu.

Bumalik na kami ni King sa pagpo-pokus para makapag-open na din kami ng black dimension. Habang si Fumetsu ay nagpapa-hinga muna dahil masyadong naubos ang lakas niya sa pag-open ng black dimension. Maya-maya ay nakapag-open na ng black dimension si Pres.

"Woah! Mas malaki pa sa akin yan ah." Ang sabi ni Fumetsu dahil namangha siya kay Pres at ganoon din ako.

Nakapag bukas si Pres ng black dimension na halos kasing laki ng mukha niya.

"Magaling Fushishen."

"Ano naman po yung Fushishen Dr. Takashi?" Tanong ni Pres.

"Ang kahulugan ng Fushishen sa wikang ingles ay "undying eyes"."

"Astig!" Sabi ni Fushishen.

"Ano na Emperor? Dati ikaw lagi ang nauuna sa ating tatlo. Hahaha.."

"Eh ngayon ikaw naman ang nahuli ngayon. Hahaha." Pang-aasar ng dalawa sa akin.

Dahil inaasar ako nung dalawa at naririnig ko bulong-bulungan ng ibang Shinigamis, medyo nag-init ang ulo ko. Mas pinatindi ko ang pagpo-pokus ko at hanggang sa wakas. Nakapag bukas na ako ng black dimension.

Lahat ng nakatingin sa akin at lahat ng nagbubulong-bulongan ay napa-tingin sa akin at napa-tulala. Pati na sila Fumetsu, Fushishen, at Dr. Takashi ay napatulala at napanga-nga sa nakita nila. Nakapag-open lang naman kasi ako ng isang black dimension na kasing laki ng isang bahay. Maski na ako ay nagulat sa nagawa ko. Di ko inaasahang makakapag-bukas ako ng ganoong kalaking black dimension.

"Emperor, dahilan sa wala pa ang sinuman ang nakapag bukas ng ganyang kalaki na black dimension, ay karapat-dapat na tawagin kang Akuma."

"Ano ba yung akuma? Naririnig ko yan sa mga animè eh."

"Ang ibig sabihin ng Akuma, ay "demonyo". Mayroon kang mala-demonyong lakas para makapag bukas nang ganyang kalaki na black dimension."

"Astig ka pre."

"Paano mo nagawa yun?"

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now