Chapter 45: Island of Shima (part 2)

40 2 0
                                    

"Akuma, ano ba yung Island of Shima?"

Niyaya ko siya sa loob ng kwarto ko para sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sa Island of Shima o Executioners Island.

"Ang Island of Shima o Executioners Island ay isang lugar kung saan dinadala ang pinaka masasamang Erityian at Humdrums."

"Diba itinatago ng mga Erityian o natin ang pag-eexist natin?"

"Tama ka. Pero sa lugar na iyon, doon hinahatulan ng kamatayan ang mga pinaka masasamang Erityian at Humdrums ng sama-sama. At ang lugar na iyon ay pinapatakbo ng Jikko clan ng mga Senshins. Sila ang naatasang maging guardians doon. Ang mga Senshin na iyon ay parang killing machines, walang awa kung pumatay. Kahit bata ay kayang-kaya pumatay ng kahit sinong ipagutos sa kanya na patayin."

"Edi para din pala silang pinagkaiba sa mga Shinigamis." Napansin ko ang galit sa mukha nito.

"Mali ka. Nagsimula ang Jikko Clan kay Ishida Jikko, ang kanang kamay Shou. Pumatay si Ishida Jikko ng daan-daan o libu-libo pa ngang mga tao kapalit ng mga pagkain, damit, at pera. Sa madaling salita, naging mersinaryo si Ishida Jikko noon sa Thirty Years War. Nang malaman ni Shou ang ginawa ni Ishida Jikko, napagpasiyahan ni Shou at ng asawa niya na i-execute ang buong pamilya nito. Pero dahil sa kabaitan ni Shou, sinabi niyang wag ng pumatay ng nga inosenteng tao, kundi ang mga mala-demonyo ang dapat nitong patayin. At dahil doon, kaya sila ipinatapon sa Island of Shima bilang mga executioner."

Nakita kong naintindihan na niya ang tungkol sa Island of Shima. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin, pagkatapos ay binasag niya iyon ng magtanong siya sa akin.

"Lahat ba ng dinadala sa Island of Shima ay namamatay?"

"Sa pagkakaalam ko, hindi lahat."

"Huh? Paanong hindi lahat? Eh diva doon dinadala ang pinakamasasamang tao at erityian para hatulan ng kamatayan?"

"Oo, pero may mga hindi sila pinapatay doon. Katulad ng mga batang inosenteng anak ng mga erityian na hahatulan doon. At isa na sa mga batang iyon si Naia."

"S-si Naia? Yung kasama nila Nel?"

"Oo. Inexecute ang mga magulang niya noong bata pa siya at pinalaki siya ng mga taga Jikko Clan."

"Teka, paano mo nalaman yan? At bakit ang dami mong alam tungkol sa Island of Shima na iyon?"

"Minsan na kasi akong nakapasok sa loob nun."

"Paano?"

Pinili kong hindi siya sagutin. Ayaw kong malaman niya na nagkunwari akong isa mga mga taga Jikko Clan. Pagkatapos ay nagsalita ulit siya.

"Hindi ko na tatanungin kung paano at ano ang ginawa mo sa Island of Shima. Pero gusto ko sanang malaman kung ano yung sinasabi ni Hiro na alam mo na siguro at sinabi mong alam mo na iyon at matagal mo ng napaghandaan iyon."

Gustohin ko mang sagutin si Leila Chan tungkol doon pero hindi pwede at hindi ko kaya. Ayaw kong malaman niya na sabay kaming dadalahin ni Hiela sa Island of Shima para i-execute. Kaya ako ie-execute sa Island of Shima dahil sa mga pinaggagawa ko noong ako pa si Eien, the unforgiven. Nagkunwari akong isang tunay na Custos. Nagtraining kasama nila at gumawa ng mga misyon kasama nila. Pagkatapos ay gumawa ako ng mga sarili kong misyon na patayin at pahirapan ang lahat ng mga masasamang Shinigami katulad ng ginagawa nila sa mga kapwa namin erityian. Tapos ay nagkunwari pa ako na isang miyembro ng Jikko Clan para mas makakuha pa ng madaming impormasyon tungkol sa Island of Shima. Doon ay pumatay din ako ng mga pusakal na kriminal. At nalaman na nila ang tingkol doon kaya paniguradong hindi magiging madalian ang pagpatay nila sa akin.

"Pasesnaya kana Leila Chan, pero hindi ko maaring sabihin kahit kanino ang tungkol doon."

"Kahit kila Fumestu at Fushishen? At sa mga kaibigan natin?"

"Oo Leila Chan, kahit kanino ay hindi ko pwedeng sabihin dahil classified iyon. Tanging kaming dalawa lang ni Hiro at ang mga taga Jikko Clan ang nakaka alam noon." Sabi ko para hindi na siya mangulit pa na sabihin ko ang tungkol doon.

-/-/-/-

6 Days Later

"Akuma, Akuma, gising kana ba?"

Nagising ako sa pagkatok ni Sammy Gummy sa pintuan ko. Bumangon ako para agad na pagbuksan ng pintuan si Sammy Gummy.

"Bakit, anong meron Sammy?"

"Mayroong mga Senshin sa baba."

"Sila Fumetsu ba?"

"Hindi. Kakaiba ang mga suot nila at sinabi kay boss na kukunin na nila si Hiela at sumama ka na din daw."

Nang marinig ko iyon ay biglang nagising ang diwa ko. Naandito na ang Jikko Clan para kunin kaming dalawa ni Hiela at dalahin sa Island of Shima. Sinabi kong sabihin niya sa mga Senshin na iyon o mga taga Island of Shima na sandali lang at mag-aayos lang ako. Agad akong naligo sa banyo at nagpalit ng pinaka maayos na damit kong pwedeng suotin. Hindi ako nagimpake dahil sa hindi ko na din naman magagamit pa ang mga iyon pagpunta namin doon. Kasi hindi naman kami magbabakasyon doon kundi kami ay pagbabayarin sa mga kasalanan naming dalawa at bibitayin kami doon. Nangmakapag bihis ako ay kumuha ako ng papel at ballpen para isulat ang mga huling salita na gusto kong ipaabot sa mga kaibigan ko. Nang matapos ko na ng sulat ay ipinatong ko iyon sa study table ko at lumabas at isinarado ang pinto.

"Bakit wala kang dalang kahit anong gamit Akuma?" Tanong sa akin ni Hidan na nasa baba habang binabantayan si Hiela.

Lahat ng mga kasamahan ko ay naandito sa baba. Naka linya sila na para bang nagbibigay paggalang sa pag-alis ko. Lahat sila ay nakangiti sa akin habang niyayakap ako at kinakamayan. Sinasabihan din nila ako ng good luck at palagi daw akong mag-iingat. Hindi ko alam kung ano ang sinabi nila sa kanila kaya sila ganito sa akin. Nang makalapit ako sa kanila ay tinanong akong muli ni Hidan.

"Bakit wala ka bang dalang gamit ha, Akuma?"

"Oo nga Akuma. Sabi nila sa amin ay kailangan ka daw nila para sa isang napakalaking misyon. Kaya bakit hindi ka nagdala ng gamit?" Tanong naman ni Deveraux.

Kung ganoon ay gayon pala ang nangyari kanina. Sinabi pala nilang kailangan nila ako sa isang napakalaking misyon.

"Hindi na po niya kailangan ng mg gamit. Kami na po ang maglalaan ng mga gamit niya. Baka po kasi masira ang magiging misyon namin kung ang mga gamit niya ang gagamitin niya." Sabi ng isang babae na taga Island of Shima.

Nginitian ko nalang sila at pabirong sinabi na para sa pagbabalik ko dito, kahit hindi na o isa na akong malamig na bangkay pagbalik ko dito, ay may magagamit ako. Tiningnan ko si Hiela at tiningnan niya din ako na para bang sinasabi na para bang 'makakabalik pa ba ako dito ng buhay' habang nakangiti kahit na nakatali ang bibig nito. Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa kanila. Ibinigay ko kay Leila Chan ang susi ng kwarto ko at sinabing pakaingatan niya ang lahat ng gamit ko doon. Tumutulo ang mga luha ko sa aking mga mata habang nagpapaalam sa kanila. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga masayang mukha nila na siyang bumuo sa akin. Nangmakatalikod na ako sa kanila ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at sinabi nilang dadaan kami Tantei High para makapag paalam din ako kila Fumetsu at sa mga Senshins, pati na din kila Fushishen at sa mga Huntres, at sa kila Penelope at sa mga Custos.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now