Chapter 29: Alpha, Omega, and Chaos

105 5 0
                                    

"Ang tagal naman ni Akuma. Wala paba siya?" - Akane

"Wala pa nga eh. Nakailang subok na akong kausapin siya sa inner voice namin pero hindi siya nasagot." - Fumetsu

"Baka naman pumunta na siya sa mga Huntres." - Hiro

Napaisip din ako sa sinabi no Hiro. Kaya nang matapos na kami kumain, nagpunta na kami sa mga Huntres para tingnan kung nandoon si Akuma.

-/-/-

"Pumasok na daw po kayo sa loob." - Huntres Officer

"Salamat." - Fumetsu

Pumasok kami sa loob at nakita namin si Krystal at ang ate niyang si Winter. Umupo sila sa couch samantalang ako naman, nakatayo lang at tinanong kung nasaan ang iba at si Fushiashen.

"Yung iba nasa West Black Division, may inaayos na problema. Si Fushishen naman, kanina pa lumakad para naman pumunta sa inyo." - Winter

"Nagkasalisi siguro kami." - Fumetsu

Umupo na muna ako sa upuan ni Fushishen dahil sigurado naman akong okay lang sa kanya iyon. Maya-maya ay dumating si Fushishen. At wala pang isang minuto, may kumakatok sa pintuan, sila Nel, Jett, Cliff, at Naia.

"Tamang-tama nandito kayong mga Senshins. Tulungan ninyo kami sa Headquarters namin." - Nel

"Bakit? Anong problema?" - Fushishen

"May mga lumusob sa Headquarters. Hindi namin sila kaya kasi ang lalakas nila. At," - Nel

"At? At ano Nel?" - Fumetsu

"At mga bata sila. Hindi namin sila magawang saktan dahil sa mga bata sila." - Cliff

"Hindi lang 'yon. Mayroon din kakaiba sa kanila. Sobrang lalakas nila in terms of physical power." - Jett

"Ha? Pano naman nangyari 'yon? Mga bata na sobrang lalakas?" - Winter

"Ito yung video na kuha sa mga CCTV sa Headquarters kanina. *Playing VTR* Makikita ninyo na kakaiba talaga ang lakas nila." - Naia

"Teka, hindi kaya may kinalaman dito yung mga batang nawawala?" - Akemi

"May posibilidad." - Fumetsu

"Teka, mga batang nawawala?" - Fushishen

"Pumunta na muna tayo sa Headquarters ng mga Custos para tumulong. At habang nasa byahe tayo, doon ko sasabihin ang tungkol sa mga batang nawawala." - Fumetsu

Nagpunta kami sa Headquarters ng mga Custos. Ngunit, huli na kami ng dating. Wala na ang mga bata na sobrang malalakas. At nang makita ko ang nangyari sa Headquarters, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa kabutihang palad, walang namatay sa mga Custos na nandito, ngunit malubha ang kalagayan ng iba. Magagalit, dahil may posibilidad na may kinalaman dito yung batang nawawala. At mag-alala, dahil sa baka may sugurin na naman silang lugar ng mga Erityian. Tumulong nalang kami sa kanila kahit sa pag-alalay sa mga matindi ang pinsala sa katawan.

Kina-gabihan, tumutulong pa din kami sa mga Custos sa pagpapagaling ng mga nasaktan. At ang mga Senshins at mga Huntres ay pinabalik na muna namin ni Fushishen para mabantayan at ma protektahan ang mga lugar namin.

"Mayroon ba silang naging target na mga tao o files ninyo dito?" - Fumetsu

"Naging target nila ang lahat ng mga files ng Shinigami na hawak namin. Kasama ang mga files ninyo noong mga Shinigami pa kayo." - Naia

"Eh, may nakuha ba sila?" - Fushishen

"Marami silang nakuha, kasama na doon ang file mo Fushishen. At siguardo akong babalik sila para balikan pa ang iba." - Naia

Nangmalaman namin iyon, nagpasya muna kaming dumidito para matulungan sila. Sinabihan na din namin ang mga kasamahan namin na dito muna kami para tulungan ang mga Custos. Nang malalim na ang gabi, nagpahinga na ang lahat. Nagpahinga na din kami ni Fushishen.

Nang madaling araw na, nagising kami sa pagsabog at sigaw ng mga sugatan. Agad-agad kaming pumunta sa lugar nila para tulungan sila. May tatlong bata ang nanggugulo ulit dito sa Headquarters.

"Sino ba kayo? At anong kailangan ninyo dito?" - Fumetsu

"Ikaw si Fumetsu o si Akuma. Pero kahit sino kapa, makukuha namin ang files mo." - Omega

Nilabanan namin ang tatlong bata habang inililikas ng mga Custos ang mga kasamahan nilang sugatan.

"Sino ba kayong tatlo? At saan nanggaling ang lakas ninyo?" - Fushishen

"Ako si Alpha! Ang pasimula." - Alpha

"Ako naman si Omega! Ang wakas." - Omega

"Ako naman si Chaos! Ang kawalan!" - Chaos

"At kung saan naman galing ang lakas namin, wala kana doon Fushishen." - Alpha

"Oo nga. At wag kang mag tampo, makukuha din namin ang mga files nila Akuma at Fumetsu." - Chaos

Lumalaban kami sa kanila ngunit hindi namin sila pwedeng seryosohin ng sobra. Mga bata pa din sila at walang kapangyarihan na katulad namin, maliban sa sobrang lakas. Habang nilalabanan namin sila, may kinuha yung isa kanila at pinisil iyon. May lumabas na kulay pulang usok na mahapdi sa mata at kumalat iyon sa buong lugar. Kahit kami ni Fushishen ay naapektuhan. At kapag nalanghap mo naman ang usok, sobrang sasakit ang ulo kaya wala kaming magawa. Nang mawala ang usok, nawala na din sila.

"Naia, i-check mo kung kumpleto pa ang files na hawak ninyo. Hindi nila dapat makuha ang mga iyon." - Funetsu

"Wala na! Wala na ang mga files. Wala na lahat!" - Naia

"Pero may sulat na naiwan dito." Dugtong niya.

Kinuha niya ang sulat at binasa namin iyon.

"Hawak na namin ang lahat ng mga files. Kasama ang mga files ninyo. Humanda na kayo para matalo."

Kainis na mga bata iyon. Kung hindi lang sila mga bata, papatayin ko sila. Pero wala na kaming magagawa, nakatakas na sila at naisahan kami. Pero hindi ako makakapayag, hahanapin ko sila at ang grupo nila.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now