Chapter 22: Twin Fang

101 7 0
                                    

Grabe, saan ko kaya hahanapin yung dalawa pa sa Tres Diablos. Ang isa ay nasa lupain ng may mga berdeng mata, na malamang nasa lugar kung nasaan ang mga Senshin. Dahil imposible namang sa mga Shinigami dahil doon ako nanggaling. At ang isa naman daw ay nasa paligid lang, na may malaking posibilidad na nandito sa lugar ng mga Huntres.

Napagpasiyahan kong dito na muna mag hanap sa malapit sakin dahil baka alam niya kung nasaan pa ang isa. Lumabas ako sa base niya at naglakad-lakad habang iniisip ang mga posibleng gawain ng isa sa Tres Diablos na nandito. Hindi ako masyadong nag-tagal sa labas dahil baka may makakita saking Huntres.

Pumunta ako sa Black Market para mamili ng ilang pagkain. Hindi lang mga sandata at mga kagamitan ang mabibili dito, makakabili ka din dito ng pagkain. Habang namimili ako, may biglang sumunggab sa likod ko at may itinurok sakin. Paglingon ko sa likod ay nakita ko ang isa sa mga Huntres na malakas. Huli na para makalaban pa ako dahil sa nanghihina na ako. Malamang ay nerf vaccine ang ginamit sakin dahil unti-unti kong nararamdaman na nawawala ang kapangyarihan ko hanggang sa tuluyang mawala na ang malay ko.

"Fushishen, unti-unti na siyang nagkakamalay."

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita kong nakapaligid sakin ang mga Huntres na lagi humahabol sa amin.

"Nasaan si Daeshin? Sabihin mo!" - Fushishen

"Fushishen? Fushishen?! Ikaw si Fushishen?!"

"Eh ano kung ako nga si Fushishen. Sagutin mo ang tanong ko, nasaan si Daeshin?!" - Fushishen

"Ayos lang siya. Pinatakas siya ni Akuma."

Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kaya sinabi ko nalang na pinatakas niya ang sarili niya.

"Nandito si Akuma? Teka pano mo nalaman at nasabing si Akuma ang nagpatakas sa kanya. At bakit mo din tinatanong kanina kung Ako si Fushishen?" - Fushishen

Sinabi ko nakilala ko sila dahil sa mga naririnig ko sa Shinigami base dati. Sinabi ko din sa kanya na isa akong demi-hybrid.

"At may pinapasabi nga pala si Akuma, na gusto daw niya kayong makita at maka-usap muli."

Tinanong lang niya ako kung saan niya makikita si Akuma, ngunit wala siyang sinabi sa akin kung saan niya sila gustong makita.

"Kung ganoon, kailangan mong sumama sa akin." - Fushishen

Piniringan nila ang mga mata ko at hindi inalis ang pagkakatali sa akin. Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa sumakay kami sa sasakyan.

-/-/-

"Teka saan ninyo ba talaga ako dadalahin?"

Wala akong kaalam-alam kung saan kami nagpunta. Sumusunod lang ako sa direksyon kung saan ako dapat pumunta. Pagkatapos ay tumigil kami at narinig kong may pintong bumukas. Pumasok kami dito, pinaupo ako at tinanggal ang piring sa mata ko.

Nang maalis ang mga piring sa mata ko ay nakakita ako ng pitong kabataang lalaki at babae. Tatlo sa kanila ay babae at apat sa kanila ay ay lalaki. May mga matatanda din.

"Nagpakita sa kaniya si Akuma at may mensahe daw siya sa atin." - Fushishen

"Teka, sino ba yan?" - Fumetsu

"Ako si Leila Chan. Isang demi-hybrid erityian."

"Ano naman itong sinasabi mong demi-hybrid erityian?" Tanong nung isa sa matatanda na may dilaw na buhok.

Ipinaliwanang ko sa kanila kung ano ang demi-hybrid erityian. Sinabi ko na din sa harap nila kung ano ang ipinapasabi ni Akuma. At pagkatapos kong magpaliwanag ay may ipinatawag sila. Pinasunod nila kami sa isang napakalaking palapag walang laman.

"Ngayon ipakita mo sa amin na isa ka ngang demi-hybrid erityian. May dalawa kang makakalaban at gamitin mo sa kanila ang pagiging demi-hybrid erityian mo." Sabi naman nung isang lalaki na nakasalamin.

Paglingon ko sa likod ay may nakita akong dalawang tao na nakamaskara at parehong may hawak na espada.

"Leila Chan? Ikaw ba yan?"

Sabi noong isa sa dalawang naka maskara. Hindi ko alam kung paano nila nalaman pangalan ko. Baka siguro nabasa nila ang iniisip ko o sinabi sa kanila ng isa Senshin ang pangalan ko through inner voice.

"Kilala ninyo ba sila Twin Fang?" - Fumetsu

"Oo. Kilalang-kilala namin siya."

Hinubad ng dalawa ang kanilang maskara at nakita ko ang kanilang mga mukha. Ngayon ay alam ko na kung paano nila nalaman ang pangalan ko.

"Hanna, Shane. Long time no see!"

Sila ang kambal na naging mga best friend ko noong nasa Shinigami base pa kami.

"Tagal na nating hindi nagkita ah?"

"Oo nga eh. Kamusta kana ba?" - Shane

"Teka, pakilala na muna natin siya kay Fumetsu." - Hanna

Lumapit kami sa mga Senshins at itinuro nila kung sino si Funetsu. Isa pala siya doon sa mga kabataang nakita doon sa unang kwarto.

"Ngayong kilala mo na ako Leila Chan, sabihin mo kung saan kami gustong makita ni Akuma." - Fumetsu

"Ah, eh, wala siyang binanggit sakin. Kung ano ang sinabi ko sa inyo kanina, yun lang ang sinabi niya sakin."

Bakas sa mukha nila Fushishen at Fumestu ang lungkot dahil mukhang hindi pa nila makikita si Akuma. Pero sinabi kong babalik ako sa lugar kung saan ako dinala ni Akuma at baka sakaling nandoon siya.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now