Chapter 13: The Section I

151 6 0
                                    

Akala namin ay kami ang mauunang makahuli ng mga kriminal, ngunit ay may mas nauna pa pala sa amin. Ang mga nauna sa amin ay yung anim na erityian.

Nang maibigay na namin ang mga nahuli namin na S Class Criminals, ay pumunta na kami sa anim.

"Bilis ninyo ah. Para bang sanay na sanay na kayong humuli ng mga katulad nila." Sabi ko

"Di naman. Madali lang kasi sila mahanap, kaya nakahuli kaagad kami." Sabi ni Rainie.

"Mga low profiles lang ba ang hinuli ninyo? Kasi ang bilis-bilis ninyong natapos."-Fushishen/Gervin

"Mga S Class din na katulad ninyong dalawa." Ang sabi naman ni Baby.

"Wow! Grabe ang bilis ninyo. Mga pitong oras palang ang nakakalipas simula ng pinaalis tayo, pero nandito na agad kayo." Ang pagkamangha ni Fushishen/Gervin.

"Hindi naman. Halos kaka-dating pa lang din namin ng dumating kayo." Sabi ni Andrei.

"Pero ang sigurado, sure na tayong walo ay kasama sa Section I." Wika ko.

"Sino pala ang mga hinuli ninyo?" Dugtong ko.

"Si Jack Norris, kilala din sa tawag na Jack Of All Ace's."-Rainie

"Sakin si Dave Malolos o si Glorious Executioner."-Baby

"Manny Mayweather or The Stalker."-Andrei

"Kim Tiu, The Ghost Bride."-Crissele

"Andrew Jennings, a.k.a. Baby Jennings."-Gerald

"Captain Kid."-Nathaniel

Grabe, sungit talaga ng isang ito.

"Kayo, sino yung mga nahuli ninyo? Mukhang mga bigatin din ah?"-Gerald

"Sakin si Dr. Fujiwara, yung tinatawag na The Doll Doctor."-Fushishen/Gervin

"Buti naman nahuli mo siya. Nakakatakot siya."-Rainie

"Buti na ngalang. Paano nalang kaya ang kagandahan ko kung gagawain lang ako na isang manika?" Ang sabi ni Baby na napahawak sa mukha niya.

"Yan? Yang mukhang yan, gagawaing manika ng The Doll Doctor? Wag ka mangarap ng gising. Hahaha." Ang sabi ni Andrei habang itinuturo ang mukha ni Baby at pinagtatawanan.

"Ikaw, gugulpihin na talaga kita!" Ang sigaw ni Baby sa galit kay Andrei.

"Ikaw naman Renz, sino naman yung hinuli mo?"-Rainie

"Si Reaper Jr."

"Reaper Jr.? Sino naman yun?" Ang tanong ni Crissele.

"Si Jack The Reaper Jr. Yung anak ni Jack The Reaper Sr. Pinaikli ko nalang kasi ang haba, kaya itinawag ko nalang ay Reaper Jr. Hahaha."

Nagpatuloy ang pakikipag kwentuhan namin sa kanila habang iniintay si Kael/Akuma.

Lumipas ang mahabang oras at wala pang estudyante na sumunod sa amin at maya-maya lang ay lumapit si Mr. Saquito sa amin.

"Dalawang oras nalang at makukumpleto na ang Section I."

Binigyan lang kasi kami ng tatlong araw para makahuli ng ng mga kriminal. At kung sino man ang mga makaka huli ng mga kriminal sa loob ng isang araw, mapapasama sa Section I. Ngunit may oras pa din ang isang araw na iyon. Simula alas otso ng umaga, kung kailan kami nagsi-alisan, hanggang alas singko lang ng hapon ang may siguradong pwesto sa Section I. At kapag lumagpas na ang alas singko pero nang araw ding ito, paguusapan nila kung mapapabilang siya o sila sa Section I.

Malapit ng mag alas singko ng hapon ngunit wala pa din si Akuma, ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Nahanap na kaya niya si Leila Chan? Nagkikipag laban kaya siya kay Leila Chan? Ewan ko ba. Hanggang sa lumagpas na ang alas singko ng hapon, ngunit wala pa rin siya. Maya-maya lang ay lumapit na si Mr. Saquito sa amin at,

"Congratulations! Kayong walo ay sigurado ng Section I."

Naging masaya kaming walo ngunit hindi kasing saya ng anim. Wala pa din kasi si Akuma hanggang sa ngayon at wala man lamang kaming balita sa kaniya. Lumipas pa ang kalahating oras at nagpakita na din si Akuma at may dala siyang dalawang S Class na kriminal. Ibinigay niya ito sa mga pulis at lumapit sa amin.

"Bakit ang tagal mo? Di ka tuloy siguradong makakasama namin sa Section I." Ang pag aalalang tanong ko.

"Hindi ko kasi mahanap si Leila Chan, kaya nag hanap nalang ako ng iba at silang dalawa ang nakita ko."

Pagkatapos na ma-identify ng mga pulis at ni Mr. Saquito yung dalawang kriminal na kasama ni Akuma, lumapit siya sa amin.

"Mr. Mikael Borja, congtatulations! You are now a part of Section I."

Nagsaya kaming dalawa ni Fushishen dahil kasama na namin si Akuma sa Section I. Maya-maya lang ay muling lumapit samin si Mr. Saquito at binati kaming siyam dahil kami na ang Section I.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now