Prologue

485 4 0
                                    

Hayyyysssss, isa na namang boring na araw para pumasok. Lagi nalang ganito ang routine eh. Gigising ng maaga, maliligo, magtoo-toothbrush, kakain ng almusal, magpapalit ng uniporme, sasakay sa tricycle at jeep, mag-aaral, magsusulat, magsasagot ng seat works o quizes, kakain ng lunch, mag-aaral uli, mag-aayos ng gamit, maghahanda para umuwi, gagawa ng home works and projects, matutulog, gigising para kumain ng hapunan, manonood ng TV, tapos matutulog na. Lagi nalang ganito ang routine ko araw-araw. Kaya mas gusto ko ang bakasyon eh, walang pasok, walang home works at projects, pwedeng gumala kahit saan, at higit sa lahat, HINDI GIGISING NG UMAGA. Pero dapat pa ding pumasok sa eskwelahan, sayang kasi baon, joke lang. Dapat pa ding pumasok sa eskwelahan kahit pa nakakatamad kung minsan. Mahirap kasi ang walang alam. Baka pulutin ka nalang sa isang tabi. Mabuti nalang at may mga kaibigan akong lagi kong nakakasama. Hindi nagiging masyadong boring ang pagpasok ko.

"Emperor!"

Sigaw nila King at Pres habang paplapit sa akin. Lagi kaming naghihintayan dito sa terminal ng tricycle para lagi kaming sabay-sabay pumasok.

"Ang bagal niyo. Late na naman tayo." - Emperor

"Mabuti ng huli kesa sa hindi pumapasok diba Pres?" - King

"Gago! Kalahating oras na tayong late. Tapos si Ma'am Sweet pa ang unang dalawang subjects natin." - sabi ni Pres at napabuntong hininga.

"Sweet ang pangalan, pero hindi sweet sa estudyante, ano kaya yun? Hahaha!" - sabi ni King sabay tawa ng malakas.

"So, ano, dating gawi?" - Emperor

"Oo! Dating gawi tayo. Mamaya niyan pagka punasok pa tayo dun, patayuin na naman tayo sa labas." - Pres

"Le's gaw!" Sigaw ni King habang nagmamartsa papunta sa paborito naming tambayan, ang COMPUTER SHOP.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now