Nangtanggapin ko ang alok nilang sumama ako sa paghuli sa mga Eien, ibinigay nila ang files na hawak nila.
"Teka, bakit may dalawang magkaibang kaso ang mga Eien? Ang isa ay Gang na may pangalang Eien at ang isa naman ay isang pusakal na kriminal na hinahanap ng mga Senshins at mga Custos." Tanong ko sa kanila. At nagulat din ako ng malaman kong hindi lang pala sila Fumetsu ang humahabol sakin, pati ang mga Custos.
"Ah, iyan na nga ang isang dahilan kung bakit ka naming inanyayahang sumama sa amin. Nagbabakasakali din kasi kaming matulingan mo kami na mahanap ang Eien na hinahanap ng Senshins at Custos." Sagot sakin ni Fushishen.
"Ah ganoon ba? O sige, bigyan ninyo lamang ako ng 2 araw para pag-aralan ang Gang ng mga Eien at ang pusakal na Eien." Sabi ko sa kanila dahil curious din ako sa nakasulat sa criminal record ko na hawak nila.
Kasalukuyan kong binbaasa ang nakasulat sa kopya ng criminal record na ibinigay nila sa akin.
Name: Unknown
Age: Unknown
Gender: Male (as commonly seen)
Alias: Eien, The Unforgiven
Tribe: Custos
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis o maawa sa kanila ng mabasa ko ito. Bukod dito ay, nabasa ko din ang ilan sa mga papuri ko noong pumasok ako sa Custos. Pansamantala akong sumama sa kanila para makakuha ng mga impormasyon tungkol sa kanila.
Pagkatapos kong basahin ang criminal record ko, binasa ko namanan ang nakasulat sa files ng gang na Eien.
Gang name: Eien
Gang leader: Unknown
Gender: Female
Age: Mid 20's
Key notes:
They are using weather seasons to hide their names. Or maybe its because of theyre ranks in the gang.
The gang leader is an hybrid Huntres . Based on Fushishens battle to her
Teka ano?! Hybrid Huntres? Pero wala akong maalala na may naging hybrid na iisang abilidad lang ng lahi ang kaya. Kailangan ko talagang imbestigahan ito.
Makalipas ang 2 araw, pumunta ako sa opisina na una kong pinasukan. Sinabi ko sa kanilang okay na, nabasa at naintindihan ko ng mabuti ang dalawang kaso na hinahawakan nila. Maya-maya pa ay may pumasok na isang Huntres at sinabing nanggugulo na naman daw ang mga Eien sa West Black Division. Naghanda kami para sa pagpunta sa West Black Division.
Nang malapit na kaming makarating dito sa West Black Division, nakakarinig na naman ako ng mga sigawan ng mga nagmamakaawang mga tao at ilang mga kaguluhan.
"Kayo na naman?" Sabi noong isang nakamaskara.
Pito silang lahat. At kasama nila ang dalawa sa mga una kong nakita noong nasa Black Market ako.
"Hindi ba talaga kayo nagsasawang habulin kami ng habulin?"
"Ano ka ba naman Autumn, alam mo namang sabik silang mahuli tayo at makakuha ng impormasyon sa atin."
"Hahaha! Akala ba nila ay ganoon lamang tayo kadali mahuli? Hahaha!"
"At tignan mo Winter, may bago silang kasamang tuta! Hahaha!"
Patuloy lang sila sa pang-aasar sa amin. At nakikita ko ang mga kasama ko, maliban kay Fushisen, na gustong-gusto ng makipag-away sa mga ito.
"Eh ano pa ba ang hinihintay natin? Karnihin na natin sila!"
Biglang sumugod at umatake ang isa sa mga Eien papunta sa akin. Pagkatapos ay sumunod na ang iba at inataki ang mga kasama ko. Gumamit ako ng Black Dimension para ilagan at iwasan ang mga pag atake nila. Dahil sa pito kami at pito din sila, naging one-on-one ang labanan. Ang kalaban ko ay babae na may pangalang Snow base sa nakasulat sa damit niya. Gumagawa siya ng iba't-ibang sandata na gawa sa yelo. Aaminin kong nahihirapan akong labanan siya dahil kailangang panindigan ko ang pagiging Shinigami.
Habang nagaganap ang labanan, ay may biglang bumagsak na parang isang bulalakaw pero gawa sa yelo. Dahil doon ay pansamatalang naantala ang laban. Nabiak ang bulalakaw na yelo at may isang babae sa loob noon. Tumingin siya sa side namin at nagsimulang umatake.
"Mag-ingat kayo! Yang ang leader ng mga Eien. At mas mag-ingat ka Daeshin!" Sigaw ni Fushishen habang patuloy sa pagatake ang babae sa pamamagitan ng pagbato ng mga ice crystals sa amin.
Madali ko lang naiilagan ang mga ice crystals dahil sanay na ako sa ganito gayundin si Fushishen. At ang isa pang dahilan ay ang Black Dimension na binubuksan ko kapag may mga ice crystals na alanganing maiwasan ko.
Maya-maya lang ay tumigil ang babae sa pag-atake. Nakita ko sa mga kasama ko ang pagod dahil sa naging labanan kanina at idagdag pa ang mabilis na pagiwas sa pag atake ng babaeng ito.
"Kung ganoon pala ay isa kang Shinigami. Magiging akin ka!" Sigaw ng babae at biglang lumiwanag ng sobra kung kaya't nasilaw kaming lahat at walang makita. Paniguradong light attribute ang ginamit niya.
Habang hindi kami makakita at nasisilaw sa ginagawa niya, bigla akong may naramadaman na bumaon sa katawan ko. Pagkatapos noon ay bigla nalang nawala ang liwanag at nakita ko nakatusok sa akin, isang nerf vaccine. Lahat kami may nakatusok na nerf vaccine sa katawan. Alam kong mataas ang dosage nito dahil biglang bumagsak ang mga Huntres na kasama namin. Samantalang kami ni Fushishen ay unti-unting nanghihina dahil sa nerf vacvine hanggang mawalan na ako ng malay.
Nagising ako sa isang kwarto na kamukha ng sa Shinigami base noong kinidnap kami dati.
"Nasaan ako! Pakawalan ninyo ako!" Sigaw ko.
"Wala kang kahit na anong magagawa, malaki ang utang sakin ng mga Shinigami. Kung kaya't isa ka sa mga magiging kabayaran." Sabi noong babae na nakalaban namin kanina.
"Pero aaminin ko na din sayo, dahil mamatay ka na din naman, na nagpapasalamat din ako sa inyo. Dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magiging ganito kalakas." Dugtong niya.
"Sabihin mo, isa ka din ba sa mga hybrid erityian? Sumagot ka!"
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
FanfictionWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.