Chapter 33: The Death Lotus

78 5 0
                                    

Habang nasa loob ako ng meeting room, maigi kong pinapakinggan ang mga sinasabi ng bawat isa sa kanila. Bina-bantayang mabuti ang bawat kilos ng isa sa kanila. At dahil sa bumalik na nga ako sa pagiging hybrid erityian, nakikita ko ang mga nakasulat sa damit nila. Lahat sila, maliban sa boss, ay mga officer. B Class, A Class, D Class, S class, at ang mga kakaiba, ang Elite S Class at ang mga nasa likod ng boss na naka maskarang puti, ang mga Elite. Pero nag-focus ako doon sa lima.

'Sup-G, Elite S Class Officer'

'Aika, Elite S Class Officer'

'Nyn Chan, Elite S Class Officer'

'Sammy Gummy, Elite S Class Officer'

'Hidan, Elite S Class Officer'

Silang lima lang ang nasa Elite S Class. Ang iba ay marami. Pagkatapos ng meeting, nakaupo pa din ako sa kinauupuan ko dahil inoobserbahan ko silang lahat. Ang iba ay tumitingin sakin na para bang ang yabang ng dating ko, pero hindi ko pinapansin. Naiwan ang boss, yung limang elite, at yung limang elite s class.

"Akuma, gusto kong ipakilala sa iyo ang limang ito," sinabi ng boss habang itinuturo niya sakin yung limang elite s class.

"Pwede ba akong mag tanong?" - Akuma

"Sige lang Akuma." - Boss

"Napansin ko na may mga class dito. Ano-ano ang ibig sabihin ng B Class, A Class, D1,D2,D3 Class, S Class, Elite S Class at ang mga Elite na nasa likod mo?"

"Kahanga-hanga ka Akuma. Napansin mo pala ang mga iyon. Ang akala ko kanina ay nakikinig ka lang ng mabuti sa mga usapan namin." - Boss

"Pero sige, sasagutin ko ang mga tanong mo. Ang B Class, ay ang ay para sa mga baguhan. Mga new recruit. Ang A Class naman, ay para sa mga Amature. Opisyal na silang miyembro ng Death Lotus pero kulang pa sa karanasan. Ang D1 o Destroyer Class, sila yung mga may napatunayan na. Ang D2 o Demolisher Class, sila yung mga mas enchanced na D1. Ang D3 o Demon Class, sila na yung mga isina-sama namin sa pag-lusob sa base ng mga Shinigami. Kasi ang D1 at D2 lang ang sumisira ng base ng Shinigami pagkatapos namin silang talunin at iligtas ang mga bihag nila. Ang mga S Class o Strong Class, sila yung nasa pinaka taas na ranggo. Sila yung mga "beterano" na wari nga. At ng limang Elite S Class na sila Sup-G, Aika, Nyn Chan, Sammy, at Hidan, ay ang mga pinaka mahuhusay kong mga tauhan sa kani-kanilang specialization class. Para mas maintindihan mo ipapaliwanag ko pa." Dugtong niya.

Pinaupo niya ulit ako at yung limang elite s class. Samantalang yung limang elite, naka tayo pa din sa likod niya.

"Si Sup-G, siya ang pinaka malakas sa buong Tank class. Sobrang tigas niya, parang walang nararamdaman. Hindi mo basta-basta mapapa-bagsak ng ganon-ganon lang."

"Si Aika, siya ang pinaka malakas sa buong Mage class. Lahat ng spells, tricks, at lahat pa ng may kinalaman sa mahika ay alam niya."

"Si Nyn Chan, bagaman babae, siya ang pinaka malakas sa buong Fighter class. Siya ang pinaka magaling sa paggamit ng espada at close combats. Wala pang nakakatalo sa kanya."

"Si Sammy o Sammy Gummy, siya naman ang pinaka malakas sa buong Marksman Class. Bihasa siya sa pag gamit ng kahit anong baril at pana. Nakakatakot kung siya ang papatay sayo mula sa malayo."

"At si Hidan naman, siya ang pina malakas sa buong Assassin Class. Siya ang pinaka-kinakatakutang Assassin dito."

"At mga Elite naman na nasa likod ko, sila ay mga piniling mga tauhan para maging body guard ko."

"Malakas ka naman ah, kaya bakit kailangan mo pa ng body guard?" - Akuma

"Ganoon na ang naging kaugalian namin dito. Lahat ng nagiging boss ay kailangan pumili ng mga magiging body guard niya. At ang mga elite nga pala ay bihasa sa lahat ng larangan o specialization." - Boss

"Paano nagiging boss ang isa?" - Akuma

"May mga kwalipikado na maging boss. At sa mga kwalipikado, pipili ang boss ng isang tao na sa tingin niya ay karapat-dapat para pumalit sa kanya sa pwesto at sa titulong boss."

"Lahat ba ng nandito na miyembro ninyo ay mga hybrid erityian din?" - Akuma

"Medyo madami din ang hindi. Dahil ang ilan sa kanila ay ang mga iniligtas namin sa mga ginagawa naming pagsalakay sa mga Shinigami base." - Boss

"Ako naman ay may gustong itanong sayo Akuma," - Boss

"Ano 'yon?"

"Dahil sa alam mo na kung sino kami, ano kami, ano mga ginagawa namin, gusto mo na bang sumali o sumama sa amin?" - Boss

Napakahirap ng tanong niya. Alam kong kapag sumama o sumali ako sa kanila ay matatali na ako dito. Pwedeng hindi ko na maka-usap at makita pa nga sila Fumetsu at Fushishen kahit kailan dahil alam kong tatanggihan nila ang alok ng boss. Pero kung sasali at sasama ako sa kanila, lalo akong lalakas at matututo pa ng maraming bagay. At higit sa lahat, tuluyan na namin matatapos ang labanan na pinasimulan ng mga Shinigami. Makakapamuhay na ulit ng normal, payapa at balanse ang apat na tribo. Ugh! Anong magiging desisyon ko. Sasama ba ako sa kanila o hindi?

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now