Pinuntahan ko sina Fumetsu at Fushishen para kamustahin sila at humingi ng tulong para mailigtas ang kaibigan naming si Leila Chan.
"Pasensya ka na talaga Akuma. Kung wala kaming kinakaharap ngayon na mga rebeldeng Huntres, agad kitang tutulungan. Kaso, wala akong magawa. Patawarin mo ako." - Fushisen
"Sana maintindihan mo din ako. Lalo pa at nagbalik na ang mga Shinigami at sumusugod na naman sila sa Tantei High. Kailangan ko din silang protektahan para hindi na dumanak pa ang dugo at maraming buhay pa ang masawi." - Fumetsu
"Wag kayong mag-alala, naiintindihan ko ang mga pinag-dadaanan ninyo. Kaya naman talaga ako pumunta dito ay para kamustahin kayo. Nagbaka sakali lang ako na matulungan ninyo ako." - Akuma
Pagkatapos ng mga pag-uusap naming tatlo, agad na umalis sila Fumetsu at Fushishen dahil sa mga problema na kailangan din nilang agapang resolbahin. Samantalang ako naman at naglalakad dito sa magubat na parte ng parke na lagi namin pinupuntahan dati.
Habang naglalakad ako at iniisip kung ano ang gagawain ko para tulungan si Leila Chan at kung kanino ako hihingi ng tulong, may bigla akong naramdaman na kakaiba. Para bang unti-unti nawawala ang pagiging Hybrid Erityian ko. Napansin kong nawala ang enhanced eye sight ko na katulad ng kay Akemi, ang enhanced hearing ko katulad kay Akane, pati na din ang iba ko pang ginagamit sa pagiging alerto sa paligid ko.
Maya maya pa ay may pumalo sa batok ko ng malakas ano pa at nawalan ako ng malay. Madali na akong talaban ng mga kung ano-anong gamit para ma-disable ang aming pagiging erityian dahil sa hindi ko ito nagagamit at dahil na din sa wala akong sinasamahang tribo.
Nang magising ako, nagtataka ako dahil hindi ako nakatali. Malaya akong nakakakilos at ang mga tao sa paligid ko ay hindi ako pinapansin. Para bang multo lang ako o hangin na hindi nila nakikita. Nagmamasid-masid ako sa paligid para obserbahan ang bawat kilos ng mga tao dito. Mukha naman silang normal hanggang sa makita ako ang ginagawang training ng ilan sa kanila sa kanilang training grounds.
"Ayos ba ang ginagawa nila?" Sabi ng isang lalaki sakin.
"Teka, mga ano ba kayo?" - Akuma
"Wag kang matakot Akuma."
"Talaga namang hindi ako natatakot sayo. Ang gusto kong malaman kung sino kayo. At kung nasaan ako." - Akuma
"Sa kung nasaan ka, nandito ka sa lugar namin. Ang lugar ng Death Lotus. At tungkol naman sa kung sino kami, wala ako sa kalagayan na sabihin kung sino kami. Kaya ang boss nalang namin ang kausapin mo."
Pinasunod niya ako sa isang parang meeting room. Maraming tao doon at parang may pina-plano silang gawain.
"Boss, gustong malaman ni Akuma kung sino tayo."
"Maupo ka Akuma. Sup-G, umupo kana din para makapag simula na tayo." - Boss
Ano kaya yung Sup-G? Alias niya kaya iyon? Ranggo o iyon talaga ang pangalan niya.
"Akuma, hindi ko alam kung nasabi na sa iyo ni Sup-G kung nasaan ka. Kaya gusto lang sabihin na nandito ka sa lugar namin, ang Death Lotus. At sa kung ano kami, katulad ninyo din kami nila Fumetsu at Fushishen. Mga Hybrid Erityian din kami." - Boss
"Mga Hybrid erityian? Teka, teka. Paanong nangyari na mga hybrid erityian din kayo? Eh ang alam ko ay kaming tatlo lang ang naging matagumpay sa eksperimento." - Akuma
"Pagkatapos ninyong ubusin ang mga Shinigami sa isang base nila dito, mas nagpursigi pa silang gumawa ng mga katulad ninyo na higit na mas malakas kaysa sa inyo. At kami na nga ang resulta ng mga iyon." - Boss
"Kung ganoon ay mga kaaway ko pala kayo!" - Akuma
Agad kong sinugod ang tinatawag nilang boss, samantalang ang iba naman ay nakaupo lamang at para bang alam nila na walang mangyayaring masama sa kanila. Nang malapit na ako sa Boss, gumawa ako ice sword na may paralizing poison sa talim nito. Naka tayo lang ang boss at nakatingin sa akin. Nang mapatitig ako sa mga mata niya, bigla akong hindi nakagalaw. Hindi ko alam kung paano at bakit, pero parang kinokontrol niya ako.
"Kung ganyan lang ang gagawain mo sakin Akuma, wala ka talagang mapapala. At tama ka, nasa ilalim ka ng kontrol ko. Kahit anong oras ko gustihin na patayin ka ay magagawa ko. Pero hindi ko gagagawain." - Boss
"Bakit naman? Alam ko na alam mo na sa kahit anong oras na makagalaw ako ay patay ka." - Akuma
"Dahil kailangan ka namin. Gusto namin na sumama ka sa amin para tuluyan ng ubusin at wakasan ang kasamaan ng mga Shinigami." - Boss
Kailangan nila ako? Bakit? Kung ganito sila kalakas anupa't wala akong magawa sa kanya ay kayang-kaya nila kung gugustuhin nila, sabi nga niya. Pero bakit gusto pa nila ako?
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
FanfictionWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.